Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

Inilapit niya ang katawan sa akin. Hindi ko alam dahil sa oras na 'yon ay nakatulala lang ako. I can smell his perfume while he was inch away from me.

I feel his warm breath on my neck, tinanggal niya ng dahan dahan yung seat belt na nakakabit sa'kin.

Dahilan para mapaatras ako ng kaunti. I just watched his attractive adam's apple when he went closer.

I can't even utter a word to say when I smell his strong chocolate scent.

Hinahabol ko yung bawat paghinga 'ko ng bahagya siyang lumayo ng matanggal niya na yung seat belt.

Nanginginig akong hinawakan yung pintuan at dahan dahang binuksan at lumabas palabas. I need to control the urge that I was feeling right now.

"If you need someone to talk to, I'm always here to listen," sabi niya.

"T-Thank you, Eris," nauutal kong tugon sa sinabi niya.

Hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso sa mata.

"Mark doesn't deserve your tears."

--

"Bakit nga pala umuwi ka kaagad kagabi?" Chelsea said while eating the slice of cake on our table.

"Oo nga. Nabaliw na kaming dalawa kakahanap sa'yo. Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa'min ni Chelsea?" tanong ni Aileen.

"I just get tired," pagdadahilan ko. "Busy kayong makipag-sayaw kina Line kaya hindi ko na kayo inistorbo. Nakakahiya naman sa inyong dal'wa. You invited me but in the end, I was left behind."

Hindi ko sinabi sa kanila yung totoo—that I tried to apologized for Mark but he refused to deny me in front of that girl named Amethyst.

I don't usually say sorry kahit na ako yung may kasalanan pero ginawa ko para kay Mark. Ibinaba ko yung dignidad ko para sa kanya tapos 'yon lang yung isusukli niya.

Damn it!

Magsama sila ng babaeng haliparot na 'yon!

Chelsea clapped her hands. "Wow, hugot!"

"Teka nga, nakausap mo ba si Mark kagabi?"

Umiling ako.

"Hindi ko siya nakita kagabi. Hindi naman yata siya pumunta," pagsisinungaling ko

"Wala ba kayong next subject?" tanong ko para ibahin yung topic. Pumunta lang kasi sila dito sa shop na usual spot namin para kumain since break time nila. Samantalang maaga yung uwi ko dahil dalawang subject lang yung pasok ko ngayong araw.

3:30 ng nag-class dismissal at balak ko na ring umuwi dahil mukhang hindi ko naman gugustuhing maghintay ng halos dalawang oras para sumabay sa kanila pag-uwi.

"Meron. Hala ka! Late na tayo, Chels!" sigaw ni Aileen habang nakatingin sa wrist watch niya. Lumakad sila ng mabilis at kumaripas ng takbo. They wave their hands to say "Goodbye, sis!"

Since, wala naman akong balak magtagal sa loob ng shop, binitbit ko na yung natira kong milk tea na halos puno pa dahil wala kaming ibang ginawang tatlo kung hindi magkwentuhan.

Nakalabas na ko ng pintuan ng shop ng may nagtakip ng mata ko sa likuran. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti kahit hindi ko alam kung sino 'yon.

I smell the strong smell coming from my back.

"M-Mark?" Tinanggal ko ng dahan dahan yung kamay na nasa mata ko at nadismaya sa nakita ko.

Nakakahiya ka! Pangalawang beses na 'to.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now