Chapter 7 : Lights. Camera. Drama!

64 12 10
                                    

Sasha Sunflowers Dela Torre



“May pinto malapit sa comfort room, pwede kayong dumaan 'don Paul” bulong ni Alleene, tama lang para marinig nila mula sa cellphone ko na kanina pa sila katawagan sa bulsa ko. “Kelvin, Jeremy pagpapasok na sila Glynis at Paul pumasok na kayo dito sa main door para madistract lahat ng maids.”



“Copy?” ani Alleene.



“Copy” sagot nilanh dalawa



“Now move!”



Feeling ko tuloy mga spy kami ngayon or secret agents dahil sa ginagawa namin. Sana hindi pumalpak ang planong binuo namin kanina, sana hindi sila makatunog.



Kailangang makapasok sila Glynis at Paul mula sa back door at hanapin si John sa buong bahay kaso kailangan ng dictraction, kailangang may aksiyon para hindi mapansin ng ilang guards at maids ang pagpasok nila kaya plinano naming pagsamahin si Kelvin at Jeremy na dumaan mismo sa front door.



Sila ang gagawa ng aksiyo—



*ding dong*



Narinig ko na ang dorbell hudyat na pagpasok nila Jeremy at Kelvin sa mansiyon, “Glynis at Paul, magiingat kayo.” ani ko.



Nagtinginan muna kami ni Alleene saka sabay na bumungad kay Kelvin at Jeremy na nagdoor-bell kani-kanina lang kasama ng ilang maids. Palabas palang kami sa main door ay may narinig na kaming nagsisigawan.



“What do you think you're doing son of a b*tch?!” sigaw ni Jeremy saka tinulak si Kelvin ng pagkalakas lakas na ikinatakot namin pati narin ng mga maids. “Bakit ka nandito?”



Hindi pa sila nakakapasok ay may nangyayare ng away “Umalis ka dito Jeremy, hindi ikaw ang pinunta ko dito. Tabe!” at tinulak din niya si Jeremy, bumagsak si Jeremy sa sahig kaya ikinuyom niya ang palad niya akmang susuntukin si Kelvin.



Nagsilapitan ang mga guards para awatin si Jeremy na pasugod ng suntok kay Kelvin. “Kelvin g*go ka lumapit ka sakin papatayin kita!” sigaw niya sa galit, naglalabasan narin ang ugat niya sa leeg at laway sa bibig.



Lumapit si Kelvin na walang pumipigil na guards dahil napaka-kalma lang niya. Akmang lalapitan na siya ng isa sa mga guards ng tinignan lang niya ito “Lumapit na ako. okay kana?” pang-iinsulto niya pa, ngumisi pa siya ng nakakagago at ilang sandali pa't walang ano-ano niyang ibigsak ang kamao niya sa pisngi ni Jeremy.



Binitawan ng mga guards sa Jeremy na naglumapasay na sa sahig para awatin si Kelvin na mukhang demonyo “Jeremy! Ano bang problema mo ha Kelvin?!” sigaw ko habang palapit kay Jeremy na nagdudugo na ang ilong. Inalalayan ko si Jeremy saka tinitigan ng masama si Kelvin “Tumigil kana.”



“Wag kang mangialam Sasha, kung ayaw mong dumampi rin tong kamao ko sa mukha m—”



“Kelvin tama na! Bakit kaba nangugulo dito ha?” maotoridad at kalmang ani Alleene saka hinawakan si Kelvin sa kuwelyo. “Umalis kana, masyado ka ng eskandaloso” matapang niyang sabi saka kinabig siya sa balikat.



“Hindi ako aalis hanggat hindi ko nakikita si John!” sigaw niya sa harap ni Alleene.



Napatingin ako sa ilong ni Jeremy at hinawakan ang baba niya para itapat sa mukha ko “A-ayos ka lang ba?” pinunasan niya ang dugong tumutulo sa ilong niya dahilan para kumalat pa ito sa mukha niya. Hilo siyang tumayo at pinagpag pa ang sarili at akmang susugudin nanaman si John pero mabilis akong umaksyon at hinawakan siya sa magkabilang braso “Jeremy tama na, hayaan mo na siya!” pagpipigil ko sakaniya.



Dear Little LiarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon