Chapter 6 : What Happened to Us?

78 11 8
                                    

Sasha Sunflower Dela Torre



“Sasha, gising na” ginalaw ko ang mukha ko ng maramdaman ang kamay sa hood ko. Unti-unti akong napamulat at mabilis na tumama ang sikat ng araw sa mukha ko bago ang mukha ng lalaking gumising sakin. “Wake up now Dear”



“Khael..” bulong ko, sillhouete palang ang naaaninag ko pero sigurado akong si Khael 'to.



Hinimas niya pa ang hood ko na parang hinihimas ang ulo ko saka ngumiti “It's me Jeremy, stop over muna tayo honey.” at tuluyan ko nang nakita ang mukha niya.



Napangiti nalang ako sa hindi ko alam na dahilan, ano bang nangyare sa'tin Jeremy? “P-pasensiya na..” inayos ko na ang sarili ko saka nag-unat muna bago lumabas ng kotse.



Ang aliwalas ng paligid, puro green ang nakikita ko. Matatayog na puno, damo, dahon, nasa park pala kami. May mga round tables sa paligid na may big umbrellas at playground. Sa tingin ko alas siyete palang ng umaga dahil hindi pa gaanong katirik ang araw at kakaunti palang ang tao.



Teka bakit ba kami nandito?



“Kumain muna tayo, siguradong pagod na kayo” sabi ni Alleene habang bitbit ang ilang lunch boxes. “Dun, 'dun tayo” sabay turo sa isa sa mga libreng tables.



Nagpahuli ako sa paglalakad at pinagmasdan sila lalo na si Jeremy. Naguunat siya ng mga kamay niya sa ere dahil sa ilang oras niyang pagda-drive. Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang sinabi niya kagabi. Pinili ko siya na panandalian lang kesa isang Khael na pangmatagalan.



Ano nga ba talagang nangyari saming dalawa? Kami parin ba? Hindi ko kase maalalang nakipag-split o nakipagusap man lang sakaniya tungkol sa relasyon namin kahit isang beses.



Natapos ba lahat ng namamagitan samin nung napatay ko si Khael?



Nung pinagtabuyan siya nila mommy at daddy para bisitahin ako?



Hindi pala dapat nangyare lahat nung gabing napatay ko si Khael dahil ang daming nagbago, ang gulo-gulo. Kung hindi ko napatay si Khael at pinili si Jeremy siguro masaya kaming dalawa ngayon, walang nangyayareng ganito.



Siguro nagde-date din kami sa mga restaurants at sa mga parks. Nagtatawanan sa maliliit na bagay habang nagtititigan na parang normal na couples. Pero hindi—nangyare na ang mga bagay bagay at hindi ko 'yun pinagsisisihan, kahit isa.



Hindi ko pinagsisihang pinili si Jeremy noong gabing 'yon kesa kay Khael dahil sa pinaramdam sakin ni Jeremy na hindi ko narinig o naramdaman kay Khael.



Naaalala ko pa ang bawat oras, minuto, at panahon kung kelan ko naramdaman at nasabi sa sariling “I will follow my heart, I will listen to its beat even it cost treasures”




          Ang lakas ng ulan, ang sakit sa balat ng bawat patak nito pero wala akong pakialam. Hinahanap ko si Khael sa ilalim ng malakas na ulan bitbit ang payong na hindi ko na inisip gamitin dahil wala akong pake kung mabasa man ako o magkasakit basta maibigyan ko si Khael ng payong.



          Gusto ko rin noong panahon na'yon na kasama siya sa habang gamit ang payong sa ilalim ng malakas na ulan para sweet kaya hindi nako nag-abalang buksan ang payong.



Dear Little LiarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon