Hindi ko naman alam na mahal din ako ni Gale eh! Akala ko biro nya lang lahat! Hindi ko alam na nagpapatayan ng literal sina Cy at Gale behind my back! Hindi rin nya sinabi sakin na kapatid nya si Gale! Hanggang ngayon hindi ko pa din kilala si Cy....Natatakot ako sa mga kaya nyang gawin...she can kill Gale in a snap how much more kami ng anak ko?

Hindi ako makabira ng galit dahil ako yung dahilan at hindi ko na matimbang lahat dahil gamuntikan din naman ako mamatay ng dahil kay Cyrll...

"Mahal mo si Cyrll hindi ba? This is the worst output of the past so be it!" Sabi ko sa sarili ko.

Ngayon pa lang alam ko na nagulo ng lahat ang plano ko para magkaroon kami ng masayang pamilya ni Cyrll.
Buong maghapon pinipilit kong maging maayos sa harap nilang lahat at hindi na ko nagdalawang isip na ipasama si Yuan kina Mama para doon muna sya. Hindi ko alam bakit bigla na naman akong  napraning. Sa kanilang lahat si Yuan ang sasagipin ko, Yuan is my everything.

"Babe, what's bothering you?" Tanong nya. Nakaupo kami sa gilid ng pool habang nakalubog sa tubig yung mga binti namin.

"Iniisip ko lang yung future ni Yuan.....gusto kong maabot nyang lahat ng naisin nya sa buhay. Gusto kong masaksihan kung paano sya maging successful balang araw." Sabi ko habang nakatingin sa tubig. Ang ganda talaga ng garden nila lalo na kapag ganitong gabi.

"He just like you, kaya sa tingin ko maaabot nyang lahat ng iyon." Nakangiting sabi nya at inakbayan nya ko at sumandig ako sa kanya.
Panghahawakan ko sa ngayon yung salita ni Cyrll. Panghahawakan ko na mahal nya ko.

Shann's POV

2 am nandito ako malapit sa gate ng bahay nila. Kakainis na silang lahat lagi na lang ganitong ang hihilig manggulo sa buhay ko. Nag aalala ko dahil iniwan ko si Yuri na natutulog mag isa sa unit ko. Wag sana syang maalimpungatan dahil panigurado hahanapin ako noon.  I did'nt know na ganito pala kasarap ma-in love. Aayusin ko ang lahat lahat sa buhay ko bago kami magsettle ni Yuri.

"Bakit?" Tanong ko ng lumitaw na sya.
She look like a devil the way she look at me.  She smiled at me with bored looks.

"Ngayon mo patunayan yung loyalty mo sakin." Saad nya at sumandig sa poste.

Napatingin ako sa kanya. Wag nyang sabihing papatay ako dahil hindi ko kaya yun.

"Pamilya mo daw yung pumatay kay Alvin?" Prangkang tanong ko. How come na kaya nilang humarap kay Roian na parang wala lang.

Napangisi sya. "No...I'm not. At wala ni isa sa pamilya ko ang nakaisip nun."

"Bakit bigla bigla naman na gusto mong magpatunay ako ng loyalty ko sayo? Talagang sinakto mo na alam ng pamilya ni Alvin kung sinong may gawa ng aksidente sa planta." Saad ko. Akala ba nya natatakot ako sa kanila...pinakamaigi nga magpatayan na lang kami para matapos na.

"Wala akong pakialam sa kanila....they can do what hell they want....ang gusto ko loyalty mo...prove it kapalit ng buhay ni Yuri." Malamig na saad nya. Hindi ko alam bakit nilamon ako ng takot sa buong katawan ko.

"Y-you can't do that..." nauutal kong sabi pero ngumisi lang sya.

"Minamaliit mo ba yung kakayahan ko?" Natatawang saad nya at tinuro nya ang ulo nya na natatawa. Napalunok ako. Napayuko ako. Si Yuri na lang ang mayroon ako. Ayoko syang masaktan. Bumuntong hininga ako.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko indikasyon ng pagsuko ko.

"Dukutin mo ang anak ni Roian...gusto kong dukutin mo si Yuan." Nakangising saad nya. Bigla akong namutla at parang hindi ako makahinga. Paano nya naiisip yung mga ganitong bagay? Tang ina!

"This is not you...how come pati yung bata?" Nagagalit na ko! Tang ina bakit si Yuan.

Inabutan nya ko ng papel. At ng inabot ko iyon talagang gusto kong magwala.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon