Nakuha nya ang reaksyong gusto nyang makuha kanina pa. Nanlaki ang mata ni Jasmine sa narinig. More or less, alam na nito kung anong gusto nyang gawin sa new 'toy' nito.

"Bitch!"

"Hinihiram ko lang naman. Isosoli ko din."

"You wouldn't dare."

"Why wouldn't I?"

"Dahil alam ko kung gaano mo kamahal si Daniel. Kapag kinuha mo sa kin si Sam, hindi ko papakawalan si Daniel. You would never have him."

"Mahal ko si Daniel pero alam kong hindi mo rin papakawalan ang security blanket mo if I don't touch Sam. So I'm ruining everything altogether."

"You wont succeed."

"Watch me."

Nakita nya si Sam across the hall. Lumapit sya dito and smiled seductively. "May I have this dance?"

Ngumiti sa kanya pabalik si Sam. "Kathryn. Ang ganda mo tonight." Kinuha ng binata ang kamay nya at nagpunta sila sa dance floor.

Lumingon nya at nakita si Jasmine. Galit na galit ito at mukhang bubuga na ng apoy any moment. Tiningnan nya si Sam. Not bad.

__________

Kathryn looked charmingly at Sam. Gwapo ito lalo kapag nakangiti. He had this playful glint in his eyes kapag ngumingiti. Hindi na sya nagtataka bakit ito nagustuhan ni Jasmine. Pero ang puso ni Kathryn ay faithful kay Daniel. Hindi sya kailanman magiging kagaya ni Jasmine. Siguro nga at nakikipagflirt sya sa mga lalaki but she's never promiscuous. God knew she took care of herself. She never jumped from one bed to another hindi gaya ni Jasmine.

"Kathryn, matagal na kitang kilala pero meron akong feeling na you don't like me at all." Sabi ni Sam nang hinila sya nito papalapit.

Hinayaan nya lang ito. Inilagay nya ang kamay sa batok ng binata at pinaglalaruan ang buhok nito.

"I like you now." Bulong nya dito.

"What are you up to?" Tanong nito sa kanya. Pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Sam. His hands were starting to make their way on her bare back.

Nandidiri sya sa hawak nito pero kaya naman nyang tiisin. Ipapakita nya kay Jasmine kung paano nya agawin ang lalaking ito sa harapan nya mismo.

"What do you think?" Tiningnan nya ang binata sa mga mata.

Nakita nyang lumunok si Sam at tiningnan ang mga labi nya. Alam ng binata na sine-seduce sya ni Kathryn at naseseduce naman sya.

Dahan dahang inilapat ni Kathryn ang labi nya sa mga labi ni Sam pero agad ding lumayo bago pa napalalim ng binata ang halik. Napangiti sya nang makitang parang nairita ang binata.

"Nakita kitang hinahalikan si Jasmine sa garden." Sabi nya habang pinaglalaruan ang tenga ni Sam.

"So? Magsusumbong ka kay Daniel?"

Umiling sya. "Wala akong oras makialam sa relasyon ng iba. Wala akong pakialam kay Jasmine at Daniel. Pero may gusto akong sabihin sayo."

Hinalikan nya ng bahagya ang tenga ni Sam. "I'm a better kisser than Jasmine. Even Daniel is addicted."

And before she knew it, hinawakan na ni Sam ang ulo nya at hinalikan sya nito ng malalim sa gitna ng dance floor. Muntik na syang mapangiti dahil sa tagumpay.

If You Don't Know Me By NowWo Geschichten leben. Entdecke jetzt