Chapter 24: 𝗩𝗮𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kasi dati kapag wala kang pahintulot na gawin namin ang isang bagay, magagalit ka at sesermonan mo kami ng pagkahaba-haba."

Napa isip ako, oo nga ganon nga ako dati.

Kapag may nagagawa silang mali o kaya naiinis ako sa kanila.

Babatukan ko sila o kaya sesermonan pero bakit ngayon?

Parang nag-iba na ata ang ihip nang panahon este hangin pala.

Bakit ba nila itatanong pa sa akin yon? syempre hindi ko rin alam kung bakit ako nag-bago.

"Ah yun bah? Nagmamadali kasi ako kaya na isip ko na huwag ko nalang gawin yon, baka maubos na yung oras natin dito eh madami pa tayong lalakbayin."
Pag-papalusot ko.

Sana di nila mapansin yun kasi pag-nagkataon, hindi nila ako titigilan kung ano talaga ang totoo.

"Jade bakit namumula ka dyan may lagnat ka ba?" tanong ni Jake na akmang lalapit na sana sa'kin.

"Hep hep hep! okay lang ako huwag ka ng lumapit." Tiningnan nya Naman ako na parang nag-tataka. Tssk wala akong balak umamin 'no!

"Hoy kayong dalawa! kayo nalang ang naiiwan dyan! wala ba kayong balak pumasok dito sa loob? don't worry magkatabi naman kayo!"

Lintek lang bakit pa kami pinagtabi? ayaw ko ngang madikit sa kanya, para akong kinukuryente.

Jake POV:

"Jade come-on para makaalis na tayo, sabi mo malayo pa yon?"

Inignore naman nya ang nakaabot kong kamay at mag-isang umakyat sa van. Anong nangyayari dito?

HAHAHA, akala nya siguro si Irish makakatabi nya. Yung itsura nya ngayon mukang na lugi.

Ako kasi ang humiling sa barkada na kung maaari ako ang makatabi ni Jade, pumayag naman silang lahat.

"Tsk bakit ba yang lalaki pang yan ang nakatabi ko!" marihang bulong ni Jade sa sarili nya, hindi nya alam na narinig ko rin.

Umandar na ang van at habang nasa byahe pansin ko ang paulit-ulit na paghikab ni Jade. Sigurado akong maagang-maaga itong nagising kaya ngayon mukang hihimatayin na, joke huwag naman ayaw kong may masamang mangyari sa babaeng mahal ko.

"Sino yung babaeng mahal mo?" nanlalaki ang matang napatingin ako kay Jade, narinig nya ba? mag co-confess na ba ako?

"H-ha eh wala yon nagkamali kalang siguro ng rinig ang sabi ko kasi sumandal ka sa'kin dahil mukang inaantok ka."

Nagulat nalang ako ng isandal nya nga ang ulo nya sa balikat ko. Mukang antok na antok nga sya, pero parang may mali? dati rati hindi naman sya ganito sa'kin!

Mukang malayo pa talaga kaya isinandal ko rin ang ulo ko kay Jade, habang ang kamay ko ay nasa likod ng upuan na parang naka-akbay sa kanya.

Hindi ko namamalayan na nakatulog narin pala ako.

Jade POV:

Naalimpungatan ako dahil sa flash ng camera sa mismong muka ko. Napatakip pa ako dahil sobrang nakakasilaw talaga.

"Gago ka naman Deon bakit may flash yang cellphone mo! hindi naman madilim ah!"

"Kamalayan ko ba na may flash! buset next time titingnan ko na ng ayos!"

Hindi ko na napigilan natawa na talaga ako. Nagsisisihan pa yong dalawa parang mga baliw, pansin ko talaga na may chemistry sila! uwuu yung bestfriend ko magkaka boyfriend na.

"Jade sorry nagising ka pa namin! ang daldal kasi ni Deon parang timang ampt." tinitingnan ko ng ayos si Irish dahil hindi sya makatingin ng direstso sa'kin. Ganyan talaga sya kapag may nagawa syang bagay na sa isip nya ay mali nagiging ganyan sya.

"Huwag mong ilayo ang usapan Irish! bakit mo kami pinicturan!" kunyaring sabi ko ng pagalit.

HAHAHAHA namumutla na sya baka umiyak ito mamaya. Joke, hindi talaga sya iyaking tao.

"Joke lang Irish HAHAHAHA."

"Buset na joke mo hindi nakakatuwa! parang hihimatayin ako sa kaba!"

Napansin ko na malapit na kami sa bahay kaya humarap ako kay Jake. Nagulat nalang ako ng sobrang lapit na ng muka namin dahil nakasandal sya sa balikat ko.

Tiningnan ko muna syang maigi, sobrang gwapo nya sa malapitan!

Nanlaki ang mata ko ng mumulat sya bigla at pinag-dikit ang mga labi namin. Itutulak ko na sana sya pero nagulat ako ng makitang tulog na ulit sya.

So yon na yun!? gumising lang sya para halikan ako ganon?

Buti nalang busy Sina Irish at hindi nila napansin agad.

"H-hoy Jake gising na andito na tayo! nakababa na sila tayo nalang ang iwan dito!" sabi ko kay Jake habang inaalog-alog sya sa balikat.

"Gusto kita Jade." nanlaki ang mata ko sa biglang pagsabi nya non. Tuleg natutulog pa siguro kaluluwa nito.

"Umayos ka nga Jake! hindi nakakatawang biro yan."

"Sino bang may sabing nagbibiro ako? totoo ang mga sinabi ko gusto kita, hindi ko nga alam kung mahal na yata kita."

Hindi agad ako naka-pagsalita tanging mabilis na pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

Nagulat ako ng yakapin ako ni Jake ng napaka higpit. Mag-sasalita na sana ako ng biglang marinig ang pamilyar na boses na'yon.

"Anak!"

"Papa?" 

I'm In Love With My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon