BONUS: REVELATIONS and More from ALFRED SANTOS

1.4K 73 89
                                    

Author: Alam kong nagtataka kayo kung bakit nagkaroon bigla ng ganitong page dito. -__- Nabasa kasi ni Alfred ang sinulat kong kwento at may mga idadagdag/ipapaliwanag daw sya. Kaya eto na nga.

Sa mga naghahanap ng POV ni Alfred.. eto na :D

POV ni ALFRED SANTOS

FACT #1: Akala ko lower batch si Tori. Nung una ko syang makita, tanong ko sa sarili ko, “Bakit may lower batch kaming kasama?” Nagulat ako nung nalaman kong sya pala ang pinakamatanda sa barkada.

FACT #2: Pinagselosan ko si James dahil supposedly, according to Tori, yun daw ang serious relationship at fling lang yung kay Yuan. (A/N: hahaha.. Bitter si Tori amp, lels)

FACT # 3: Di ko nabigyan ng wand si Tori dahil hindi naman sya nagpapakita, di rin nagtetext nun. Nagulat na lang ako dahil andun pala sya nung dumating kami galing sa fieldtrip namin sa EK.

FACT # 4: Nagustuhan ko si Trina dahil kahawig nya yung childhood crush ko. Lagi ko rin kasi syang kasama kaya ‘she grew on me’. (A/N: parang lumot lang??)

FACT # 5: Hindi ko alam/napansin na may gusto pala sa akin si Tori.

FACT # 6: Dahil hindi nilagay sa kwento, gusto ko lang sabihing nanalo ako sa Editorial Cartooning in English. Third place ako overall kasi pinagsama yung English and Filipino category. Yung First and Second placers, galing sa Filipino. Kung pinaghiwalay yun, First placer dapat ako sa English. (A/N: Ikaw na ang magaling magdrawing -__-)

FACT # 7: Nag-confess ka ba kay Trina?  Oo, nung graduation ni Peej. Kami lang nila Ivette, Sashi at Trina ang andun. Natext ko na sila Tori na may gusto na ako kay Trina noon. Tapos nilaglag ako ni Ivette sa harap nila. Sabi nya, ‘Kuya, wala ka bang gusting sabihin kay Trina?’ Dahil nakainom na rin ako nun, edi yun.

FACT # 8: Nag-date ba kayo ni Trina? Oo? I think? Basta sure akong pumunta ako sa bahay nila nung birthday nya. (TORI: Di ko alam toh ah)

FACT # 9: Ano pa mga binigay mo kay Trina? The load. Madalas ko syang nilo-loadan para magreply lang sya sakin. Pinakamahal kong naload sa kanya, 300. Pinag-ipunan ko pa yun. So stupid. Nagalit pa nanay ko sakin kasi nalaman nya sa Tita ko, na kapitbahay ng kabarkada ni Trina na nilo-loadan ko sya. (TORI: hahaha, naaalala ko toh! New Year nangyari toh!! Hahaha)

FACT # 10: Kelan mo na-realize na wala ka nang feelings for Trina? Kaninong birthday nga bay un? Basta ang alam ko, wala si Tori nun. Inuman kasi yun. Lasing lahat pero mas nalasing yung mga babae. Ihahatid namin si Trina sa barkada nya. Nakasakay kami sa sasakyan ni Ron. Magkatabi sa harap si Peej at Trina. Kami nila Cris at Kya sa likod kasama nung isa pang friend ni Trina. May napansin kaming kakaiba. Tina-try halikan ni Trina si Peej. Kino-console ako nila Kya at Cris nun. Last straw yung hinatid namin sa bahay si Trina. Nagpa-thank you sya sa lahat ng andun by name. Pero pagdating sakin, sabi nya.. ‘Sino ka?’

FACT # 11: Paano ka na-develop kay Tori? Gradual lang din. Super support kasi lagi. Sabi ko sa sarili ko, kung magkaka-girlfriend ako, bakit hindi na lang yung ganun? Tapos, sinabi ko kay Ivette. Tinanong ko sa kanya kung boto ba sya kung si Tori ang liligawan ko. Sabi ni Ivette, ‘Dapat lang, ay nako, ang dense-dense mo talaga.’ Tapos nagkwento na sya. (TORI: O_O NGAYON KO LANG NALAMAN NA NILAGLAG NA NAMAN AKO NI BES. T^T)

FACT # 12: Kelan nagstart yung mga ‘moves’ mo? Simula nung sinabi ko kay Ivette yun, nagstart ako sa pagbigay ng nickname sa kanya na ‘tabaching’ haha.. tsaka sa patext-text ganyan, yung pag-invite sa kanyang kumain pero dapat kasama si Ivette. Sya yung wingman ko nun eh, hahaha. Nung first time na nakitulog sila Ivette at Tori sa condo, katabi ko rin sya natulog.

FACT # 13: Tell me more about the time na hinawakan mo yung kamay nya habang tumatawid. Natural lang sya kasi tumatawid. Pero oo, may hidden agenda na ako nun. Pati yung payakap-yakap.

FACT # 14: Eh yung nagkaaminan?

TORI: Very unromantic, walang ligawang nangyari since magkakilala na kami.

ALFRED: Natural lang din, walang biglaan kasi may progression. Kelangan pa ba ng ligawan? Sabi naman nya kasi hindi na since ilang taon na kaming magkakilala.

TORI: Ako na ang patay na patay sa kanya at sinagot ko agad kahit wala man lang ligaw-ligaw. -__-

FACT # 15: Pang-ilan nyo ang isa’t-isa?

ALFRED: Hahahaha, Una at Huli.. hahahaha. Lugi nga ako eh. -_-

TORI: Pangatlo si Alfred. Save the best for last.. (A/N: AYIEEE)

FACT # 16: Dumating ba kayo sa point na muntik na kayong magbreak?

TORI: NEVER. Bakit ako makikipagbreak sa taong binigay ni Papa God sakin eh hiniling ko sya diba? Napaka-ungrateful ko naman.

ALFRED: Pero madalas nya akong awayin kasi control freak sya.

TORI: Hindi kaya!!! Obsessive-Compulsive lang!

ALRED: Nagger pa.

FACT # 17. Anything else you want your fans to know?

ALFRED: Nung naging kami na ni Tori, nagsimula ulit magtext ng quotes quotes si Trina. Nagpadala rin ng ringtone na ‘My Immortal’.

TORI: O.o Bakit ngayon ko lang nalaman yun?!!!

-END-

Alfred Santos' POV is already available. It is written by a very good friend of mine and Tori and Alfred kaya credible.. hahahaha :) Please click on the external link para ma-direct kayo :)

Title: Ako Naman

Author: KeiVeeEs

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon