Chapter Nine: Haaaa???!

1.1K 62 31
                                    

A/N: Parang thesis lang na nira-rush eh, noh? Ambilis mag-update.. haha

Dedicated to my sister who also likes anime and manga :D

Alfretori in the house! See picture on the right side :D

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Magdamag lang naman akong hindi nakatulog kakaisip sa pinag-usapan namin. Di pa rin ako makapaniwalang he thinks I’m cute. Waah! Sorry, pero kinikilig talaga ako eh. Hahaha. Alam kong hindi naman nya directly sinabi yun at baka nag-a-assume lang ako. Pero I can’t help grinning like an idiot.

“Para kang tanga,” komento ni Ivette habang nasa computer room kami at gumagawa ng personal website para sa Technology and Home Economics subject namin.

Hindi ko pinansin ang panunuya nya. Instead, naka-smile pa akong humarap sa kanya. “Bes! Alam mo ba kung pano sinasabi ang ‘I like you’ sa Japanese?”

Tumaas ang mga kilay nya. “Hinde. Pano ba?”

“Daisuki,” turo ko sa kanya. “Apparently, applicable sya on anything or anyone that you’re really fond of. Kunwari, favorite mo kainin ang spaghetti, ayun, sasabihin mo, ‘daisuki’. Pero pag ‘I love you’ naman, ‘aishiteru’.”

Poker face lang si Ivette, halatang walang interes sa pinagsasabi ko. “Ow-key. At san mo naman nalaman yan?”

Mas lumuwag ang ngiti ko. “Kay Alfred. Hehe.” Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa computer habang namimili ng pictures na pwede kong isama sa website. Mostly, pictures ng barkada namin na tinawag kong 'Family Tree'. Si Kya at Ron ang 'parents' namin dahil sila ang dahilan kung bakit nabuo ang barkada. Kaming iba, mga anak kunwari at ako ang panganay dahil nga based on birthdays, ako ang pinakamatanda. Haha, ang childish lang.

“Ahhh, kay Alfred ulit.” Tumango-tango sya na parang may gustong iparating ang boses. “So, ibig sabihin, magkausap na naman kayo kagabi?”

“Yep.”

“Araw-araw ba kayong magkausap sa phone?”

“Mmm.. ‘di naman. Pero madalas, oo.”

“Magka-text din kayo?”

“Pag di kami magkausap sa phone, oo.”

Itinukod ni Ivette ang siko nya sa table at nangalumbaba habang pinagmamasdan ako. “Iba na yata yan bes ha.”

“Ha? Iba na ang alin?” inosenteng tanong ko, dahil hindi ko sya naiintindihan.

“I’m starting to think na you really like him,” tugon nya.

“I do. Crush ko sya diba? Kasi natutuwa ako sa kanya,” pagpapaliwanag ko naman.

“Nope. I think you really like him as in really really like him. Ayoko sanang pangunahan ka but I think it's love.”

Napatingin ako sa kanya para malaman ko kung nanunukso lang. Pero she looks so serious. Bumilis ang tibok ng puso ko. “I-I don’t think so.”

“Well, I do,” pagpupumilit nya at sumimangot ako. “Bes, puro ‘Alfred ito, Alfred yan’ ang bukambibig mo. At yung halos araw-araw na pag-uusap nyo sa phone na umaabot ng madaling araw, hindi sya normal for a crush lang. It’s more than that. And I know because I see it in your eyes. Kumikislap lagi ang mata mo pag si Alfred ang pinag-uusapan. At excited ka laging pumunta sa McDo.”

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon