Chapter Eight: Kami

1.1K 61 37
                                    

A/N: Kailangang madaliin ang pagtapos ng kwentong ito dahil may dumagdag na naman sa mga stories na ginagawa ko -___- Collaboration pala yun kaya excited ako :D hahaha... And it would be written in English since mga foreigners ang co-writers ko :D

Inaalay ko ito kay princessashlee na ka-chat ko magdamag kagabi, at dahil parang si Tori lang ang main character nya sa kwento nya :D hehehe

For that, si Tori ulit ang makikita sa multimedia section.

At may libre pang Japanese lesson!!! hehe

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano pa nga bang bago? As usual, sa McDo ulit kami, nagkukulitan. Inaasar lang naman ako ni Alfred dahil sa height ko. Sorry naman na hindi ako umabot ng five feet! Masyado talagang random tong taong ito at nadadala ako sa kanya.

Ilang sandali lang ang nakalipas dahil wala naman kami parehas na magagawa sa kapandakan ko, napagdiskitahan namin yung mga tira-tira sa table.

Inumpisahan nya yun. Nagbuhos ng coke sa di nya naubos na hot fudge sundae. Dinagdagan ko ng isang fries na nahulog kanina sa table kaya wala nang kumain. Nagbukas naman sya ng sachet ng ketchup at muling idinagdag sa lason na aming ginagawa. Binuhusan ko rin ng Sprite ni Ivette. Ang pinakahuli, nilagyan nya ng kapirasong tissue ang baso para daw may topping.

Pwede na. Pwede nang weapon of mass destruction. Haha.

“Sinong iinom neto? Bibigyan ko ng isang daan,” announce nya sa table at nilagay sa gitna ang kahina-hinalang baso.

Tinignan nila yun nang malapitan.

“Yuck, kadiri naman,” komento nina Ivette.

“Pre, inumin ko toh, pero gawin mong isang libo,” hamon ni Ron, pumayag naman si Alfred. Pero di rin nya kinaya in the end.

“Ikaw kaya uminom nyan. Ikaw naman ang gumawa eh,” sumbat naman ng iba.

Medyo marami pa kaming kagaguhang ginagawa ni Alfred. Pero lahat, nae-enjoy ko. Kahit sobrang walang kwenta na, sinasabayan ko lang sya. Or kahit naghahampasan lang kami, nagsasapukan pag may dumadaan Volkswagen, or nagkikilitian, okay lang sa akin.

For some reasons, masaya ako pag kasama or kausap ko sya kasi I don’t feel the need to impress anyone. Kelangan lang magpakatotoo.

Siguro kaya ko sya naging crush dahil dun sa trait nyang yun. Sana pag dumating si Mr. Right, ganun din, he won't make me feel like I need to be someone else.

Lalo kaming naging close ni Alfred nang mapag-alaman naming parehas kaming mahilig sa Japanese Manga at Anime na nadagdag tuloy sa nightly phone calls namin.

“Slam Dunk syempre,” agad na tugon nya sa tanong kung ano ang paborito nyang anime. “Pinakagusto ko si Mitsui.”

“Gusto ko yung cheer dun eh… Rukawa! Rukawa! Err-oh-bi-Eee Rukawa!” sagot ko, habang ginagaya ang boses ng mga fangirls sa naturang anime. “Kamukha ni Sakuragi si Alfred ng Ghost Fighters noh? Ahaha. Buti hindi mo sya naging kamukha dahil magkapangalan kayo, bahaha.”

“Yuck. Mas gwapo ako dun noh,” maangas na sabi nya.

“Kapal mo naman!” sabat ko habang nakangiti.

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Ikaw ba, sinong paborito mong anime character?”

Napaisip ako at inalala lahat ng mga napanood ko. “Ahh, siguro si Akane Tendo ng Ranma ½. Hehe.”

“Ah ok. No wonder. Parehas kayong boyish, haha.”

“Cute naman, bleh,” pabalang kong balik.

“May sinabi ba kong hinde?” sabat naman nya with a chuckle.

Natahimik ako bigla. Bakit feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at bakit parang uminit yata? Does he really think I’m cute?

“Anong Japanese terms ang alam mo Ate?” tanong nya ulit.

Hay, buti nalang nag-iba yung topic. “Ahh, wala masyado eh. 'Hai' tsaka 'iiye' lang ang alam ko.. hahaha.”

“Turuan kita. Ano gusto mong malaman na Japanese word? Yung simple lang ha,” alok nya.

Sinakyan ko naman ang tripping nya. “Hello or hi.”

“Konnichiwa.”

“Thank you?”

“Arigatou gozaimasu, or simply arigatou.”

Nag-isip pa ako. “Welcome”

“Do itashi mashita.”

“Ang haba naman,” reklamo ko. “Eh yung ba-bye?”

“Ahh, 'sayonara' pero kung minsan, bye-bye lang din ang sinasabi nila eh,” paliwanag nya.

“Cute?”

“Kawaii.”

“Cool?”

“Kakkoi.”

“Ano naman pag ‘ate’ or 'kuya'?”

“Oneechan or nee-chan. So ikaw, Tori nee-chan. Pag kuya naman 'Onichan' or 'nii-san'.”

Bakit parang di magandang pakinggan? “Okaaayy. Eh ano tawag nila sa mas batang kapatid?”

“Pag babae, 'imouto-chan', tapos pag lalaki, ‘otouto-kun’.”

“Uto-uto?” nasambit ko at natawa kaming pareho. 'Alfred Otouto-kun'. Mas pangit pala yung sa kanya if ever, hahaha. Mukhang adik talaga toh sa anime. Siguro Japanese sya nung past life nya.

“Ototo ang bigkas, haha. Sagwa lang eh. Ano pa?”

Ahhh. Blankado na ang utak ko. Di pa rin ako nakaka-get over sa nangyari kanina. “Wala na ako maisip eh. Ano pa ba ang pwede mong ituro sa akin?”

“Ahh, ano ba? Mmm… ah! Yung ‘daisuki,” binulong nya dahil alas onse na ng gabi yun, tulog na parehas ang mga kasambahay namin.

“Ha? Dice key? Ano naman yun?” curious naman akong nagtanong.

“I like you.”

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Where stories live. Discover now