Chapter Seven: Oo na! Siya Na!

1.2K 54 24
                                    

A/N Ang bilis lang mag-update eh.. haha. Malapit nang matapos toh :) Sana next week, tapos na.. lol

Inaalay ko ito kay Akomismoi bilang excited ka rin sa update :) Eto na po teh :D haha

Si Papa Alfred ulit ang makakasama natin sa multimedia section :D

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Abot-tenga lang naman ang ngiti ko nang makauwi sa bahay. Kahit pagod, masayang-masaya, hahaha.

Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis. Ilang beses ko ring tinignan ang orasan. Ano kayang oras naman tatawag yung batang yun? Humiga muna ako sa kama at pinagmasdan ulit ang mga pictures.

Mapanga pala si Alfred noh? Maganda rin ang ngipin. Matangkad at katamtaman ang built ng katawan. Ako tuloy yung mukhang mas bata. Hindi naman sya ganun kagwapuhan pero pwede na. Hindi ko rin kasi naririnig yung pangalan nya sa school namin. Usually kasi, bukambibig ng mga schoolmates ko yung pangalan ng mga sikat na lalaki sa school ng mga boys. So far, kabilang ang mga pangalan nila Peej, Cris tsaka Yuan ang madalas kong marinig lately. Pero walang Alfred Santos.

Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako. Ginising nalang ako ng kapatid ko nung kakain na. Dahil wala pa sa sarili, dumiretso ako sa kusina at kumain. Pagbalik ko sa kwarto naming magkakapatid, I checked my phone. May mensahe ako. Sino naman toh? Sana hindi yung mga random people na gusto lang ng katext.

-----------------------------------

From: FamilyTree.Alfred

2mawg ako knina jan, pro sbi ng sumagot wla daw Tori. Mali nmn yta bngay mong # eh. -___-

-----------------------------------

Nanlaki ang mga mata ko at dagliang pumunta sa sala kung saan nanonood ng Animax ang kapatid ko. “May tumawag ba sa akin kanina?” humihingal akong nagtanong.

“Wala naman,” sagot ni Joana nang hindi ako tinitignan. Nakatutok lang sa Fushigi Yuugi ang attention nya.

“May tumawag ba na ‘Tori’ ang hinahanap?” usisa ko.

“Ay, oo. Sino ba yun? Sabi ko wrong number,” sagot naman nya.

“Waaah, ako yun, bakit di ka kasi muna nagtatanong?” panaghaw ko at dali-dali akong nagreply kay Alfred.

Tinaasan ako ng kilay ng maldita kong kapatid. “Kelan ka ba kasi naging ‘Tori’? Eh Lyn-Lyn ka naman?” Kung makasalita, parang sya ang mas matanda.

“Bakit si Ate? Pano naging Raf yun eh Faeri ang pangalan nya?” ganti ko naman. “Pag nag-high school ka na, mag-iiba rin nick name mo for sure,” sabi ko sa kanya habang tina-type ko pa rin ang reply ko. Nakakahiya. Minsan na nga lang tatawag yung tao sakin, di ko pa nasagot. Bakit ba kasi ako nakatulog?

-----------------------------------

To: FamilyTree.Alfred

Wah! Sori, nka2log ako, huhu. T^T  Tska d alm ng kpatd ko na Tori ang twag skin eh. Gcng kpb? Gus2 mo, ako nlng 2mwg sau?

-----------------------------------

Maya-maya pa ay nagreply na si Alfred at binigay yung landline number nila. Gumaganti siguro toh, kasi nung tumawag ako, nanay pa nya talaga ang nakasagot. Wah! Nakakahiya, ano nalang iisipin ng nanay nya na may babaeng tumatawag sa anak nya ng alas nuebe ng gabi. Kahit ba kabarkada pa ako ni Alfred, syempre babae pa rin ako.

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Where stories live. Discover now