Chapter Fourteen: Aaaahhhh....

1.4K 62 86
                                    

A/N: Dedicated to MoronONCall101 dahil magdamag kitang ka-chat.. hahaha :D natuwa ako sa mga napag-usapan natin at sa kakulitan mong basahin ko ang story mo.. lels.

Team AlfreTori... magsawa sa picture na nasa kanan.. haha.. :D

----------------------------------------------------------------------------

Kung meron man akong natutunan sa mga painful experiences ko with Alfred, yun ay ang huwag mag-assume. Sabi sakin ng upperclassman ko sa department org, when you ASSUME, you make an ASS out of U and ME. So it was best to go with the flow na lang especially when Alfred is involved. Feeling ko kasi wala rin syang idea na yung ibang ginagawa nya, kinakikiligan ko. Amf.

Lalo na ngayong halos everyday namin syang kasama dahil get this, naging Honorary Member sya ng provincial org namin since mas active daw sya sa ibang active members. At hindi lang yun, every weekend, tumatambay kami nila Ivette at Sashi sa condo nila. Apparently, magkaka-condo pala sila  Alfred, Peej at Cris.

“Laro tayo ng Mortal Combat Tetris sa PS2, Biik!” excited na paanyaya ni Alfred nang makarating ako sa unit nila.

“Ang sama mo!” sabi ni Sashi at nagpout sya sa akin, no doubt pitying my sorry state.

Gumulong lang ang mga mata ko at umupo sa sahig. “Okay lang yan. Sanay na ako. Matagal na akong sinasaktan neto eh. Alam nyo naman,” parinig ko. Oo, nakakapagparinig na ko. Pero gaya pa rin ng dati, clueless pa rin si Alfred. “Hoy, Mr. Balasubas, pag ikaw natalo ko, ililibre mo ako ng Whopper Jr.” Oo, ‘Balasubas’ na ang tawag ko sa kanya. Hindi pwedeng sya lang may pang-asar sa akin. Hindi ako papayag!

“Ammahal naman, Biik! Burger McDo nalang ulit!” reklamo nya. Pero kahit ilang beses nya akong natatalo, nililibre pa rin nya ako ng burger, as in yung burger lang, hahaha. Asa pa akong matatalo ko sya eh adik sya sa games. “Bakit ka nasa lapag? Dito ka nga,” tawag nya sakin sabay hila sa braso ko para umupo sa tabi nya. “Andami-daming upuan, sa lapag ka pa.”

“Hindi ka na gumalang, ‘Ate’ natin yan a,” natatawang sabi ni Cris.

“Alam mo, walang maniniwala sa akin pag tinawag ko syang ‘Ate’. Tignan mo nga kung gaano sya kaliit. Ako ang pagkakamalang ‘kuya’ eh,” sumbat naman ni Alfred.

Nagningning ulit ang mga mata ni Ivette tulad ng nangyayari every time may evil plan sya or something. “Edi, hindi mo na sya tatawaging ‘Ate’ ever? As in ever?”

“Meh. Ngayon ko lang narealize na hindi nya bagay matawag na ‘Ate’ kasi sya rin ang pinakapandak sa atin, bahahah!” sabi ni Alfred at sinabunutan ko sya.

“Ako na naman ang napagtripan mo!” naiiritang sabi ko, habang nakahawak sa buhok nya at niyuyugyog ang ulo nya. “Pinalagpas ko na nga yung biik, tatawagin mo pa akong pandak.”

“Aray ko! Masakit, huy! Aray!” tumatawang nagmamakaawa si Alfred at pinakawalan ko na ang nagulo nyang buhok.

“Ang sweet nyo,” malambing na nasambit ni Sashi at nakangiti syang nakatingin sa amin. Tumawa ulit si Alfred.

“Ha? Anong sweet? Sweet ba yon? Tawagin kang Biik at Pandak? Tengeneng yan,” naiiritang balik ko.

Tori, huwag mag-assume. Huwag magpadala sa mga sinasabi ng iba. Walang ibig sabihin ang mga ginagawa or sinasabi sayo ni Alfred. Tandaan kung ano ang nangyari nung last time na nag-assume ka.

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Where stories live. Discover now