Spoken Poetry#23

75 0 0
                                    

#Pulang Rosas

Hawak hawak mo ang paborito kong pulang rosas at nakangiting may hinihintay na kung sino
Panay ang silip mo sa iyong telepono
At patingin tingin sa iyong relo

Suot mo parin ang paborito kong mga ngiti mo
Dala mo parin ang paboritong kong pulang rosas na madalas mong ibigay sa akin sa tuwing magkasama tayo
Taglay mo pa rin ang kakisigan ng katawan na aking niyayakap sa tuwing may mabigat na problema ako
Suot mo ang paboritong damit na palagi mong sinusuot sa tuwing magkasama tayo

Madalas mong ibigay sakin ang paborito kong pulang rosas
Na tanda ng pagibig mong wagas
Pagmamahalan nating parang wala ng bukas
Tapos sa umaga pa nga magkasabay tayong hihigop ng mainit na sopas

Pagkatapos natin kumain ay susurpresahin mo ako ng bulaklak na aking paborito
Saka tayo maglalakad papunta sa ating tagpuan kung saan ang relasyon natin ay nabuo
Kung saan ang ala ala pa natin ay di pa naglalaho

Pulang rosas na palagi kong inaamoy sa tuwing sa iyo ako'y may tampo
Na kapag galit ako sa iyo ay bibilihan mo ako nito
Maamoy ko lang ito ay agad nawawala ang galit ko

Malago na ang pulang rosas na sabay nating itinanim sa ating dating tagpuan
Maganda sya mahal dahil aking inaalagaan
Umaga at hapon akin syang dinidiligan
Dahil umaasa akong muli mo akong babalikan dito sa ating tagpuan

Hinihintay kita mahal kahit alam kong imposible na balikan mo pa ako
Gustong gusto ko nang madama ang mainit na yakap mo
Yung mga halik at pagaalaga mo
Yung panahong ako pa ang mundo mo

Bumalik ulit ako sa ating dating tagpuan
Isang pulang rosas ang nalanta na naman
May insekto na sumira sa ating halaman
Ang pulang rosas ay nasira na ng tuluyan

Kasabay na nasira ang ating halaman
Pati na rin ang ating pag iibigan
Isang araw bigla ka nalang nanlamig sa akin hindi ko alam ang iyong dahilan
Hindi ka naman dating ganyan

Isinaisip ko nalang na baka may mabigat na problema kang dinadala kaya pinalampas ko muna
Madalas kitang makita na may kausap sa iyong telepono habang nakangiti na katulad ng mga ngiti noong nakilala mo ako

Tinanong kita kung sino yung kausap mo pero ang sabi mo ay kaibigan mo
Naniwala naman ako kasi nga may tiwala ako sayo at hindi mo magagawang magloko
Kaya hinayaan ko dahil alam kong ako yung mahal mo

Isang araw nahuli ko kayong magkasama
Inaamin ko nang panahon na iyon ay nagselos ako ng sobra
Dahil sabi mo may hang out kayo ng iyong barkada
Dahil bihira mo na silang makasama dahil nga sa madalas na ako ang iyong kasama

Oo naniwala naman ako kahit na dapat ay magcelebrate tayo dahil mahal araw natin yun ng annibersaryo
Pero ayokong ipagkait ka sa mga kaibigan mo
Ayokong masakal ka sakin dahilan para iwan mo ako

Pero ano yung nakita ko iba yung kasama mo
Oo inaamin ko na maganda sya mahal mas maganda sya kumpara sakin kaya at kung ikukumpara sya sakin ay walang wala ako
Nang tinanong kita kung sino sya sabi mo girlfriend ng barkada mo at ihahatid mo lang sa kanila dahil lasing na lasing ang kanyang nobyo
Kaya muli nagtiwala na naman ako sayo dahil nga alam kong mahal mo ako o sadyang nagpapakatanga na lang ba ako

Nang makita ko ang higpit ng hawak mo sa mga kamay nya na parang ayaw mo syang bitawan
Katulad ng paghawak mo sa mga kamay ko na sinasabi mong mahal na mahal kita at di kita papakawalan pa kahit anong mangyari man

Mahal ako pa ba? Ako pa ba yung mahal mo?
O baka may ibang ng pumalit sa puso mo
Mahal may pagkukulang ba ako?
Kasi hindi ko alam kung paano ko lalagpasan ang lahat ng sakit na idinulot mo

Kasi mahal naniwala ako sa mga sinabi mo na kaibigan mo lang sya, kaibigan mo
Pero bakit siya na ang bukambibig mo
Sya na ba ang bagong nagmamayari ng puso mo
Sya na ba ang dahilan ng pagngiti mo

Dahil mahal hindi ko na makita ang saya mo sa tuwing magkasama tayo
At alam kong sa sarili ko ay nagbago na ang lahat lahat sayo
Sya na yung mahal mo

At sa mga oras na ito hinihintay mo sya
Sya na yung pinagaalayan mo ng paborito kong pulang rosas
Sya na yung kasama mong humigop ng mainit na sopas
Sya na ang bagong nagpapatibok ng puso mo
Masasabing kong bagay na bagay kayo
Pero nakasakit at nakasira kayo ng relasyon na meron ako

Spoken PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora