Spoken poetry#21

71 0 0
                                    


#Tula para sayo

Isunulat ko ang tulang ito
Para sa isang taong minahal ko
Na sana pagkatapos nitong tulang ito
Kasabay na maglaho ang nararamdaman ko para sayo

Simulan natin ang tulang ito
Na kung saan inakala kong gusto mo rin ako
Mula sa mabubulaklak na salita mo
At sa matatamis na pangako mo

Tanda ko pa ang bawat linyahan mong ingat ka ha? Aalis na ako
Ayan tuloy puso ko'y umasa sayo
Mga pakunwaring mahal mo rin ako
Pero ang totoo boring kalang at napagtripan ako

Na kapag wala kang mapagtripan ay ako ang pupuntahan mo
Na lalapit kalang kapag kailangan mo na ako
Paano naman ako?
Na nahulog sa iyo

Palagi kang nasa tabi ko
Pinapakita na concern kahit di naman totoo
Palagi mong pinapakita kung gaano mo ako kagusto
Kaya hayan puso ko'y umasa sa iyo

Yaan ang hirap saming marurupok konting sabi lang na ingat ka ay minahal mo na
Ano yan konting ulan lang akala mo yung klase suspended na?

Sana kasi wag magpapakita ng motibo para hindi ako magkagusto
Sana wag mo ipakita na mahal mo ako kahit hindi naman totoo

Kung hindi mo ako gusto ay tigilan mo ako
Tama na kasi lalo lang akong aasa sa iyo
Tama na kasi alam kong sa dulo
Masasaktan lang naman ako

Pwede bang sa oras na ito
Tigilan na natin ang paglalaro
Na tama na kasi nasasaktan na ako
Na tama na kasi pagod na akong makipaglaro sa iyo

Alam kong hindi madali ang mag move on pero kakayanin ko
Alam ko naman kasi hindi ako yung gusto mo
Sana pagkatapos nito matapos na rin ang bigat sa puso ko
Sana pagkatapos nito kasabay na maglaho ang nararamdaman ko para sa iyo

At bago matapos ang tulang ito
Gusto kong sabihin na magpapakatatag ako at muling babangon mula sa pagkakahulog sa iyo

Na muli akong gagawa ng tula
Ngunit hindi na ikaw ang paksa
Na darating rin ang araw na
Masasabi kong okay na ako tapos na ang pagpapanggap na aking ginagawa

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now