Spoken poetry #2

263 3 0
                                    

"Pagibig"

Pagibig sabi nila'y mahalaga
Pagka't kalakip nito ang pagkakaisa
Pag ibig na saan ba nakikita?
Ang pag ibig na sinasabi nila
Nasa puso ng bawat isa
Pagmamahal kung tawagin nila
Ewan ko ba
Sapagkat ang sinomang tamaan ay nahahalina
Di ko lubos maisip saan ba ito nagmula?
Ako'y labis na namamangha
May kung anong mahika
Tila ba may hiwaga
Sa labis na paghanga
Sa pag ibig na di ko alam kung ano ba?
Hinanap ko kung saan ba ito nagmumula
Natagpuan ko rin ang sinasabi nila
Ang pag ibig
Ang pag ibig na kay sarap damhin
Saya ang hatid sakin
Ang gaan ng pakiramdam sa akin
Tama nga sila
Ang pag ibig ay walang kapara
Araw at gabi ako'y masaya
Tila di nauubusan ng pagtawa
Paghalakhak na parang wala nang umaga

Ngunit,Datapuwa't,Subalit
Bakit pinaranas mo lang sa akin ng saglit
Sakit ang ipinalit
Bakit?Bakit?
Anong mali sa akin at nagawa niya akong ipagpalit?

Ganun ba talaga?
Akala ko ba ang pag ibig ay puro saya
Bakit ako nagdurusa?
Wala na ba talagang pag asa?
Ayaw nya na ba talaga?
Lahat naman binigay ko na?
Ganyan ba talaga siya?
Ang manakit ba ng damdamin ay masaya?

Akala ko ang pag ibig puro saya
Ngunit hindi pala
Pagkat may sakit na ang hatid sa tuwina

Pag ibig noo'y aking inaasam asam
Ngunit ngayo'y  sa aki'y kasuklam suklam
Pagka't sa isip ko ayoko ng masaktan
Ayoko ng magmahal ng lubusan

Siguro'y natakot na
Natakot na akong baka maulit pa
Maulit pa na magmahal ako ng sobra

Pag ibig yan ay sa una lang masaya
Ngunit sa huli'y iiyak ka
Pag ibig na
Minsan lang makita
Ngunit ayaw ko ng maulit pa

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now