"Di alam"Isa sa mga nakaka inis na bagay ay yung di mo alam
Di mo alam yung dahilan
Kung bakit ka nya iniwan
Iniwan ng walang sapat na dahilanTandang tanda ko pa kung paano tayo nagkakilala
Na hanggang ngayon ay dala dala ko paMahal bakit bigla ka nalang nagbago
Ano bang maling nagawa ko?
At itatama ko
Ano bang pagkukulang ko?
At aking pupunan ito
Kasi di ko alam kung paano na akoKung paano ako kapag nawala ka sa piling ko
Hindi ko alam kung paano pa ako babangon mula sa pagkakahulog sayo
Di ko alam kung paano
Hindi ko na alamMahal maaari bang bumalik ka na
Parang awa mo na
Wag mo akong pahirapan ng ganito
Dahil nasasaktan na akoMahal bakit ka ba umalis ng walang paalam
Kasi ngayon di ko na alamMahal may iba na ba?
May iba na ba sa puso mo sinta?
May iba na bang babaeng nagpapatibok ng puso moSana ay wala
Dahil di ko alam kung sakali mang ikaw mawala
Kaya mahal wag sana
Wag sana magmahal ng iba
![](https://img.wattpad.com/cover/163626850-288-k747760.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa