Spoken poetry #12

96 0 0
                                    


#Ulan

Malamig ang gabi
Katulad ng relasyon nating nasira na at di na mababalik pang muli
Tila sumasabay ang langit sa aking bawat pighati
At ang buhos ng ulan ay kay lakas at walang pasubali

At umaasang sa gitna ng ulan
Ang bigat ng aking kalooban ay matakpan
Ang aking pagkasawi'y tangayin sa kung saan
At matapos na ang pait na pinagdadaanan

Saksi ang kalangitan sa bawat pagpatak ng aking luha dahil sa pagkasawi
Na waring ang langit ay umaayon sa aking pighati
Nagtatanong kung saan ba ako nagkulang o nagkamali
Umaasang ikaw ay babalik pang muli

Bakit mo naman ako iniwan ng luhaan
Nawala nalang ng biglaan
Umalis na di ko alam ang dahilan
Bakit di ka manlang nagpaalam?

Heto ako sa gitna ng ulan
Ang puso ko'y nagdaramdam
Hindi ko na makita kahit ang daan
Dahil sa iyong paglisan

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now