#Mahal kitaMahal kita
Oo, mahal na mahal kita ng sobra
Alam kong sa sarili ko hindi ko kayang mawala ka
Pero patawad pagkat di ko pa kayaAyokong iwan ka
Pagkat nangako akong di kita iiwan diba?
Pero tama parin ba?
Na manatili ako kahit wala ka na?Wala na eh, sayo'y wala ka na
Ni hindi mo na nga ako mapansin diba
Nakakapanghinayang lang pagkat nangako tayo sa isa't isa
Na walang susuko na sabay tayong lalaban na dalawaBakit ganun ipaliwanag mo naman?
Anong nangyari bakit sumuko ka ng ganun ganun na lang?
Sabi mo hindi ka papayag na ako'y masaktan ninuman
Pero anong ginagawa mo bakit ako'y nasasaktan?Hindi ko kayang bumitaw mahal
Diba nangako kang tayo'y magtatagal
Sabi mo tayo pa nga'y sa simbahan magpapakasal
Ang daya mo naman iniwan mo agad ako mahalPaano ako makakausad kung ganito?
Na kahit anong gawin ko
Hindi ka na makakabalik pa sa piling ko
Mahal diba sabi mo "lalaban ako pangako, mahal babalik ako, babalikan kita pangako"Pangako mo na ngayo'y napako
At heto ako nakatayo sa puntod mo
Mahal naman tutupadin mo pa yung mga pangako mo
Mahal hindi ko kayang mabuhay na wala ka sa piling koHindi ko pa kayang mawala
Hindi ko matanggap na wala ka na
Hindi ko kaya na hindi ka makita
Paano na ako? mahal hindi ko kayaNakakainis ka
Gustong gusto kong sa iyo'y sumama
Gusto kong tupadin mo ang pangako natin sa isa't isa
Mahal, isang araw na lang eh, isang araw na lang makakasal na tayong dalawaMahal, diba bubuo pa tayo ng pamilya
Bakit iniwan mo naman kaming dalawa?
Mahal buntis ako at ikaw ang ama
Kasi diba pangarap natin ito diba?
Pero ikaw ay wala na.
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryMga tulang nabuo lamang ng malawak kong imahinasyon mga salitang nakakalap ko sa isipan ko mga nararamdaman ko at kung ano ano pa