Chapter 1 - The Awakening

14 0 0
                                    

Crystal's POV

"Hey bitch!" mataray na saad ng babaeng bigla na lamang sumulpot sa aking likuran.

There they go again..

Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ang nagawa ko sa kanya at ang laki ng galit niya sa akin.

Nagpanggap na lang akong walang narinig pagkatapos ay naglakad na ko at nilampasan na lang siya.

Palabas na ko ng restroom ng biglang humarang ang dalawa nitong kasama.

"Lalabas na ko." wika ko pero tila wala talaga silang balak na padaanin ako.

"Ano ba? sinabing lala-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang hablutin ng babaeng nasa likod ang buhok ko.

"Kapag kinakausap ka wag kang bastos." inis na wika nito habang hawak hawak ang buhok ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ko." aniko habang pumipiglas sa pagkakasabunot niya sa akin.

Ayokong patulan siya dahil ayaw kong magkaroon ng record sa guidance dahil lang sa nakipag away ako.

"Wala naman akong ginagawa sayo kaya pwede ba tantanan mo ko na Alice." asar ko nang sambit dahil ayaw pa rin niya kong bitawan.

"Wag kang magpakainosente na wala kang alam." aniya sabay bitaw sa buhok ko.

Pero hindi ko napaghandaan ang bigla niyang pagsampal sa akin na nagdulot din ng pagkawala ko ng balanse.

Buti na lamang ay nakahawak ako sa sink kaya naiwasan ko ang bumagsak sa sahig.

"Ano ba talagang problema mo sa akin ha?" sigaw ko.

"Malaki!! Dahil sayo ay binabaliwa lang ako ni Kairo." galit niyang turan.

"Hindi ko na kalasanan yon Alice. Simula pagkabata magkaibigan na kami. Alam mo kung bakit hindi ka niya pinapansin? Kasi ang sama ng ugali mo!!" bulyaw ko.

"Ah ganon ha!" aniya at agad na hinablot ang buhok ko.

Dahil naubos na rin ang pagtitimpi ko ay pinatulan ko na ang gusto niya kaya hinablot ko na rin ang buhok niya.

Pero dahil nag iisa lang ako ay agad ding tumulong yung dalawang kasama niya na nakaharang lamang kanina sa pintuan.

Although I have the guts to fight them alone since my best friend taught me many things to defend myself pero mas iniisip yung maaring mangyari kapag pinatulan ko sila kaya hinayaan ko na lang na makalamang sila at ayun,  natagpuan ko na lang ang sarili na nakaupo sa sahig.

Arcane Academy: Rise Of The Elemental GuardiansWhere stories live. Discover now