11

600 18 1
                                    

KANG HAYOON's POV

"Hoy! 'Wag mong titigan si Hayoon ng ganyan! Tusukin ka ni Hyunjin d'yan!"

"Aish! Wala na siyang pagkain, oh! Ano na ba 'yan? Pati prutas, Shangbean. Kinain mo na pati balot, ah!"

"Let's dance the night away!"

"Lalalalalalala! Lalalalalalala!"

"Shh! Shit. Ang iingay niyo!"

'Yan ang narinig ko sa paligid. Mahihinang bulong ng mga kung sino. Mahina nga ba? I mentally shook my head. Ang lalakas ng bulong nila kakaiba 'yun.

Nakapikit pa rin ako at unti-unting nagdilat ng mga mata ko, puting kisame ang agad na bumungad sa akin at hindi 'yon pamilyar. Where am i? Who am- Joke! ano ba 'yan, nakuha pang mag-joke.

Then realization hit me, nasa Hospital ako! Hospital namin! Lagot, sana 'wag makarating kay Kuya 'to.

"Gising na siya!" anunsiyo nung lalaki na cute with chubby cheeks at ang cute ng mga ngipin niya, nakangiti ito habang nakatitig sa akin.

Baka mainlove ka sa 'kin niyan, 'chos.

Nakita ko naman na may iba ding mga lalaki pa sa kwarto ko, hanggang sa tumayo si Seungmin at Hyunjin na hindi ko alam na nandiyan pala. Hindi ko alam pero... kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig ni Hyunjjin sa akin. Parang may mali, parang may hindi tama dito. 

"Hey, all of you out." walang emosyong utos ni Seungmin sa mga lalaking kaibigan kasama ang matalim na nakatitig sa akin na si Hyunjin.

"Ay! Ano ba 'yan? Makikipag-friends lang naman, eh!" reklamo nung lalaking cute. 

"Huwag! Dito lang sila. Okay lang, okay na okay." pakikisingit ko sa kanila.

Nakita ko ang pagtalim nang tingin ni Seungmin sa lalaking kausap kaya agad itong nagpilit ng ngiti na parang natatakot. 

Nang biglang may sumingit.

"Ay, hehe. Hindi na, Hayoon. Labas na lang kami." pagtanggi naman ng isa nilang kasama na hula ko si Changbin kasi may hawak pang plastic ng prutas.

Bumagsak naman ang balikat ko at nalungkot. Sayang hindi ko na sila makikilala sa ngayon pero pwede naman siguro mamaya. Sana, sana pwede.

Napa-aray ako ng medyo kumirot na naman ang ulo ko, napalakas yata ang tama sa ulo ko, ah? Ang sakit, eh.

Nagsipag-alisan na 'yung mga kaibigan nila. Naiwan lang si Hyunjin at Seungmin, na parehong seryoso na ngayon na nakatingin sa akin. 

I innocently look at the both of them.

"Anong bang nangyari?" clueless na tanong ko ng wala ng matira ni isa sa mga kaibigan nilang dalawa.

Si Hyunjin ang nagsalita pero hindi no'n nasagot ang tanong ko dahil nambibintang ang mga mata nito na nakatuon sa akin.

"About that... why? why did you pushed, Quina? Why did you slapped her?" naninising tanong nito.

What? Ano daw? 

______

A/N:

My goodness! So, 'ayun nga ang lame na naman! pagbigyan na ulit!

EDITED.

My Revenge | Hwang HyunjinWhere stories live. Discover now