O1

2K 26 8
                                    

KANG HAYOON'S
POV

"Ehem."

Narinig ko ang pekeng pag-ubo ni Chan ulit. Aba. Kanina pa 'to, eh. Ang kulit! Grabe.

Kaya inis ko siyang hinarap. Stress na nga ako dadagdag pa siya?

Jusko, mahabagin.

"Pwede ba, Chan? Tigil-tigilan mo muna ako, ah! Ilang National Bookstore na ang napuntahan ko pero wala pa rin 'yong librong nakita ko kahapon sa National Bookstore dito sa malapit sa School, argh!" reklamo ko at mamayang uwian ita-try ko ulit hindi ako susuko or...

Maybe, hanapin ko na lang 'yung lalaking gwapo- este lalaking mang-aagaw at bilhin ko sa kanya 'yung libro na 'yon! Tama! Tama! Papayag naman siguro iyon.

*tango*
*tango*

"Para kang tanga, Pfft-" pakiki-epal niya habang tumatawa pa kaya inirapan ko siya.

"Manahimik ka, Christiano Bangnaldo. Kung ayaw mong putulin ko 'yang dila mong epal ka!" iritang sigaw ko.

Tumawa lang siya, sige lang, sana kabagin ka d'yan kakatawa mo.

Makukuha ko din 'yung libro na 'yun, promise!

HAYS.

OPERATION FIND MR. GWAPO ESTE- MANG-AAGAW.

Oo, gwapo na mang-aagaw- waaah! Hindi!

Focus, Hayoon. Focus!

Habang nangungulit si Chan biglang pumasok si Ma'am pero nangungulit pa rin talaga siya.

Tss. Kahit kailan 'tong si Chan talaga, eh.

Hindi na 'ko magugulat kung-

"Ms. Kang? Mr. Bang? Ano'ng ginagawa niyo?"

Sabi ko na nga ba, eh! 

Pakiramdam ko naman ay tinakasan ako ng dugo sa mukha bigla.

"Ah... eh... Ma'am..."

Hindi ako makasagot nang maayos kaya tinignan ko si Chan para magpatulong sana pero nakita kong matawa-tawa na siya, bwisit talaga 'tong BANGNALDO NA 'TO!

"Go to the detention room, NOW!"

Napapikit ako sa sigaw ni Ma'am sa amin.

Tss. Si Ma'am talaga menopause na 'ata. Charot lang!

Papasundo na lang ako kay Kuya. Wala 'ko sa mood- i mean, oo nga pala! Hahanapin ko na 'yong libro, bwisit! Bwisit na lalaki na mang-aagaw. Sumbong ko siya kay Kuya, eh.

Inayos ko na ang mga gamit ko at pati si Chan nag-ayos na rin para lumabas, lagot sa 'kin 'to!

At sabay nga kaming lumabas at paglabas na paglabas namin ng pinto ay agad ko siyang binatukan ko ng malakas. Ganti 'yan dahil sa paangungulit niya.

"Ouch! My head hurts!" nakangiwing inda niya at napahawak sa parte ng ulo niya na binatukan ko.

Arte!

"Bwisit ka! My head hurts, my head hurts ka pa d'yan. Eh, kung tadyakan kaya kita!" naiinis na sabi ko at nagpatuloy na papuntang detention room.

Well, sabagay, ayos na din siguro 'to para maka-uwi ako ng maaga.

At nang mahanap ko na 'yong libro na 'yun! I just have to wait, para matapos ang ilang oras sa loob ng detention room kasama si Chan.

MALL

Yes! Nandito na 'ko sa National Bookstore! Ang daming books at ang babango! May iba lang talaga akong hinahanap.

Pupunta na sana 'ko sa mga nakahilerang books kung wala lang akong nabangga, aray! Ang sakit ng pwetan ko!

"Lampa." walang emosyong sabi ng boses.

Nanlaki ang mga mata ko dahil kilala ko kung kaninong boses 'yon! Imbes mag-sorry, 'no? Makasabi ng 'Lampa'. Lampasuhin kita d'yan nang makita mo.

Tumayo ako at inis na tinignan siya!  Kumunot ang noo ko dahil... siya nga! Nanlaki ang mata niya sa inis at gulat.

ANG DRAMA! OA ka, boy.

"IKAW NA NAMAN?!/IKAW NA NAMAN?!"

Sabay pa na sigaw namin sa isa't-isa kaya pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

"Don't you ever make a scene." babala nito na may matalim na titig sa akin.

Tss! As if ako ang gumagawa ng scene! Baka siya! Siya lang naman mukhang dramatic dito.

"Eh, paano 'pag ayoko?" pabalang na tanong ko at nakipaglabanan ng tingin.

Tumitig na naman siya ng matalim sa akin at nginitian ko lang siya ng mapang-asar bago ko siya talikuran para pumunta sa mga nakahilerang books.

Hmm. Bango. Nakangiti akong naghanap ng libro at kukunin ko sana 'yong nakita kong Hell University na ang Author ay si KUYA KIB my darling! Favorite ko 'yon kaya lang ay nakita kong isa na lang na naman 'yong nandoon.

Last time, 'di ko kasi nabasa 'yong nakuha ko dahil nagmamadali kasi ako at ang nakuha ko ay 'yung part 2 na nito kaya gusto kong kumpletuhin sana.

Kinuha ko na agad pero may kamay na nauna na naman, fudge! Hanggang ngayon ba naman?! Sino na naman 'to?!

"Ikaw?!/ikaw?!" sabay na sabi na naman namin.

Tumaas ang kanang kilay nito sa 'kin.

"Manahimik ka, Kang Hayoon." banta niya sabay kuha ng libro sa kamay ko, fudge!

Hanggang ngayon ba naman?! At best seller 'yung hell university kaya last na 'yun pero kinuha pa niya! AT KILALA NIYA 'KO!? Tsaka bakit ba ang hilig niyang mang-agaw ng libro, ha?

Hindi ko pa nga nababawi 'yong book na una kong gustong-gustong makuha tapos kukunin na naman niya 'to! Ang unfair, ah. Ang sarap manapak, pigilan niyo ako.

"Ewan ko sa 'yo!" singhal ko sa kanya dahil sa kawalan ng magawa.

"Mas ewan ko sa 'yong babae ka, ako ang nauna dito." singhal niya pabalik.

Aba? Lumalaban ng singhalan ang lalaking 'to! Hindi talaga patatalo. Nakakaurat siya. Hindi porque't gwapo siya ay palalampasin ko na siya.

"Wow, ha!? hiyang-hiya. Ano ba talagang trip mo?! Gusto mo lang ba 'kong inisin?! O ano?! well-" puno ng sarcasm kong sigaw sa gwapo niyang mukha- este sa pangit niyang mukha na may pagkagwapo ng may sumingit bigla na boses habang nagsisigawan kaming dalawa.

"Hayoon, ano'ng nangyayari dit-" tanong ng pamilyar na boses pero hindi ko na pinansin.

"Huwag kang makisali/Huwag kang makisali!" sabay na sigaw namin ng kinaiinisan ko ngayon. 

"Kung gusto mo lang akong-" pagpapatuloy ko pa sana ng...

"Bro! Nandiyan ka pala!" biglang sabi nitong hayop na 'to habang nakatingin sa likuran ko...

At paglingon ko para silipin iyong um-epal sa amin.

Haha, putcha. Totoo ba ito? Tang...

Oh, hell no.

"Uuwi na tayo ngayon din, Kang Hayoon!" inis na sabi ni Kuya Daniel sa akin.

Lagot ako nito. Napanguso na lang ako at parang maamong tuta na sumunod dito.

Tumawa naman si- unggoy na nasa harapan ko at nanonood lang habang hawak ang libro na dapat ay sa akin.

Jusko! Mahabang diskusiyunan na naman ito! Lagot talaga sa akin iyang lalaking iyan. I shall return!

_____

A/N:
Huhu! Sorry, medyo lame. Ito na 'yung epistolary ni Kuya Hyunjin. ILY, guys! <333

EDITED.

My Revenge | Hwang HyunjinUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum