CHAPTER 5

80 3 0
                                    

CHAPTER 5

MAZEL's POV

Naging tahimik ang lamesa naming walo. Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig at ingay ng mga tao sa paligid namin. Tutok kaming lahat sa pagkain.

"Xyron is with them?"

"I can't believe this."

"Who are they?"

"I dont know."

Kanina ko pa naririnig ang mga bulungan ng mga tao sa paligid namin pero hindi ko na lang ito pinansin.

Nagpatuloy kaming lahat sa pagkain ng walang imikan. Tiningnan ko ang katabi kong si Elle at nakita ko itong masama ang tingin sa kaharap n'yang si Xyron 'Ganun din si Jel habang si Yarz at Zxaine naman ay bahagya lang nakamasid.

Napalingon ako kay Xyron ng tumunog ang kubyertos na hawak n'ya. Pinunasan nito ang bibig at tiningnan kaming lima isa-isa.

"What's with that look?" inis n'yang tanong.

"Huh?" si Yarz.

"Tsk! Stop staring at me. It's irritating!"

"Tinitingnan ka lang namin n'yan ah. Naiinis ka na?" sarkastikong tumawa si Elle.

"Sino bang hindi maiinis kapag may tumititig sa'yo? Sige nga! Tell me!"

"Eh buti nga ito lang ang ginawa namin sa'yo eh! Hindi katulad mo na kailangan pang manginsulto!"

"What?"

"What...What...What... WHAT-WHAT-IN MO MUKHA MO! Pa-amnesia amputs!"

"Anong bang sinasabi mo?---'Tsyaka anong pa-amnesia ha?!"

"Ano bang utak na meron ka ha? Limot mo na ba agad? Iumpog kaya kita sa pader baka sakaling maalala mo!"

"Seriously. Ano bang sinasabi n'yo? 'Tsyaka bakit ba ang init ng dugo n'yo sa'kin? I was just eating here silently."

"ARGH! Noong first day of school! Sa GYM?! GAWD!" hindi na nakapagpigil at sumingit na rin si Jel.

Napabuntong hininga na lang ako at itinuloy na lang ang naudlot kong pagkain habang pinapakinggan sila. Mahaba-haba pa naman ang oras bago matapos ang lunch. May time pa silang magbangayan.

Napatigil naman si Xyron at napaisip. Maya-maya pa ay dahan-dahan n'yang binalingan ng tingin si Elle papunta kay Jel at kay Zxaine. Napailing naman si Yarz sa gulat n'yang reaksyon.

"Kayo?"

"OO! Akala mo makakalimutan namin 'yon? Bwiset ka!" si Jel.

"Tss... pa-amnesia ang loko." dinig kong bulong ni Elle.

Nang makabawi sa pagkagulat ay ngumisi agad ito.

"You look so ignorant on that day. Sinong hindi matatawa sa inyo?"

"Pero hindi iyon excuse." singit ni Zxaine na nakasandal na sa upuan. Napatingin ako sa plato n'ya at nakitang malinis na iyon.

Sana all tapos ng kumain.

"Ooookkaayy???? Out of place ako dito. Anong meron?---Ardi alam mo ba pinaguusapan nila?" siniko ni Code ang katabi. Nagkibit balikat naman ito.

"Ulul ka! 'wag kang magalcohol dito." si Yarz.

"Hindi naman ako naghuhugas kamay ah?" inosenteng sagot nito.

J I M Z Y  | ON-GOING |On viuen les histories. Descobreix ara