CHAPTER 3

68 5 0
                                    

CHAPTER 3

MAZEL's POV

Pagkamangha ang makikita sa mukha ng lahat ng tao dito ngayon ng pumasok ang sunod-sunod na magagarang kotse. Sa unang tingin pa lang ay mahahalata mo na mamahalin ang mga ito, na para bang isang kasalanan kung hahawak ka dito na hindi nagpapaalam.

Hanggang sa ipark ng mga ito ang sasakyan ay sadyang nakakabilib dahil sabay-sabay nilang nagawa 'yon. Para bang bihasang-bihasa na talaga sila sa pagmamaneho!

Doon lang muling bumalik ang ingay mula sa crowd. Sandali akong nawala sa sarili dahil sa sobrang pagkamangha.

"WOOOOHHH!!!"

"I LOVE YOU CHASE!"

"DARLING ASZLER! MISS NA KITA!"

"QUIN KO! BEBE KO!"

"CHASE KO! LIBRE AKO MAMAYA! BAKA GUSTO MO!!!!"

"KYAAAAHHH!!!!"

"YIIEEEE!!!"

"WAAAAAHHHH!!!!!"

Nakakabingi ang tilian ng mga babae dito at nakakainis 'yon!

Buti sana kung gwapo ang lalabas d'yan---

Muli akong natigilan ng magsigawan ulit ang mga tao ng lumabas mula sa unang kotse ang isang lalaki na
nakasuot ito ng Black V-neck shirt at isang black jeans nakapagpadagdag din sa kaguwapuhan nito ang gold necklace at earings na suot isa mo pa ang magulo nitong pulang buhok.

Tae.. gwapo nga!

Sumunod naman na bumaba sa ikalawang kotse ay ang lalake na may blond na buhok, nakasuot ito ng horry potter na salamin at head phone sa leeg. Nakawhite shirt ito at nakausot ng  kulay krema na short above the knee. Ang kaso may suot din itong hikaw na kulay silver sa isang tenga.

Syet! Ang gwapo n'ya! Crush ko na atah s'ya!

Hindi mo maiwasang kikigin habang nakatingin sa lalaking 'yon. Hanggang sa maagaw ng huling lalaking bumaba sa huling kotse ang atensyon ko.

Ang lalaking 'yon ang mas tinilian ng mga babae. Ang itim na aura nito ang nakapagbigay saakin ng kakaibang pakiramdam sa lalakeng ito.

Mayroon itong itim na buhok at itim na hikaw. Nakasuot s'ya ng blue polo at brown na short na mas bumagay sa maputi nitong balat.

Amazing..

Hindi ko inalis ang paningin ko sa lalaking iyon hanggang sa magumpisa silang maglakad. Halatang wala s'yang pakialam sa paligid n'ya dahil kahit madaming tumitili sa paligid ay nakatuon lang ang atensyon n'ya sa hawak nitong cellphone.

Texting his Girlfriend?? Siguro.

"Tsk! Tsk! Tsk!"

Napalingon ako sa gilid ko ng may magsalita at nakita ko ang gwapong lalaki kanina sa Gym. Ito 'yung lalaki na kasama 'nung mataba. Diretso lang itong nakatingin sa harap na para bang hindi n'ya napapansin ang presensiya ko.

Balak ko sana s'yang komprontahin sa ginawa n'ya sa'min kaninang umaga kaso bigla itong tumalikod at umalis. Iiling-iling pa ang loko habang papalayo at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa.

Psh!

"SIS!"

Mula sa 'di kalayuan ay patakbong lumapit sa 'kin si Elle kasama ang tatlo. Saktong paglapit n'ya sa 'kin ay agad n'ya akong niyakap ng SOOOBRANG HIGPIT!

"MAZEEEELL!!! ANG GWAPO NILA TAENA!!!!" kinikilig pang sabi n'ya.

"Kyaaaahh!!!! Grabe sis nakita mo ba?! Ha? Ha? HAAA??!" niyugyog naman ako sa balikat ni Jel.

J I M Z Y  | ON-GOING |Where stories live. Discover now