CHAPTER 11

32 2 0
                                    

CHAPTER 11

CHASE's POV

"Ang aga mo naman ngayon, 'lil bro?" bati sa 'kin ni Eula pagpasok ko sa dinning area for breakfast.

Suot parin niya ang kahel na night dress at isang robe habang magulo ang buhok na halatang bagong gising. May hawak pa siyang mug sa kamay habang sa kabila ay hawak ang cellphone.

Hindi ko siya pinansin at binalingan na lang ang pagkain.

"I heard from Treo na sa sabado na ang party sa school?"

"Yeah.."

"Yiieee! that's good. Ako na ang bahala sa susuotin mo, okay?"

"No need, wala sa plano ko ang pumunta." sabi ko kahit na alam kong imposibleng mangyari.

"Yeah, yeah, yeah keep dreaming brother. Dahil kung hindi sa 'kin, kay Mommy ka malalagot." tumayo siya matapos ubusin ang kape na iniinom. "Maliligo na ako at maaga pa ang pasok ko."

"Si Chad?"

"Sa room niya, tulog pa e. Ang alam ko ay mamaya pang tanghali ang pasok niya. Don't worry nasabihan ko naman na si Manang na gisingan siya mamaya. Sige na." saglit niya pa akong tinapik sa balikat bago umalis.

Tinapos ko lang ang kinakain ko bago tumayo at kunin ang bag. Tinext ko na rin si Aszler kung nasa school na siya.

"Aalis ka na?" napalingon ako sa pinto ng pumasok doon si Manang Celia kasama ang isa pang maid.

"Good morning Sir. Chase." tumango lang ako dito bago humarap kay Manang.

"Yeah, nagyaya sila Asz."

"Ganoon ba? H'wag kang gumala-gala Chase, ha? Umuwi agad ng maaga at delikado sa daan kapag gabi."

Napakamot ako sa batok. "Manang naman."

"Naku! O s'ya! Pumasok ka na. Ikaw na bata ka talaga..."

"Hmm, see you later."

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho."

Tumango ako bago umalis. Paglabas ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kotse ko. Pinagbuksan ako ng gate ng guard kaya agad ko na itong pinaandar at umalis.

Sa daan papuntang school ay nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Aszler.

Siguraduhin mo lang na matino ang idadahilan mo.

"Morning, dre!"

"What's with this urgent? Bakit kailangan naming pumasok ng maaga?"

"Dude, tumawag si Cal sa 'kin. Uuwi siya sa linggo."

"What?"

"Yeah, fvcking surprising isn't it?"

"Damn you Asz! Pinagmadali mo talaga kami para lang d'yan?" halos ipreno ko na ang kotse sa inis.

Pinilit ko pa naman tumayo kanina, kahit pa inanatok ako! Fvck this Hernandez.

"Bakit?" natatawang sabi niya.

"Fvck you." ibinaba ko ang tawag at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Kainis! Nakapakaaga pa! Anong gagawin ko sa school ngayon? Damn it!

Pagkapark ko ng kotse ay naglakad ako patungong room. As I expected, iilan pa lang sa mga kaklase ko ang nadatnan ko.

"Hi Wrezt!"

J I M Z Y  | ON-GOING |Where stories live. Discover now