chapter twenty four

Start from the beginning
                                    

"She already went here before. The only logical explanation to this."

Pinanood ng dalawa na pagsusuntukin ni Leslie ang dalawang guwardiya na agad humarang sa kanya, at hindi hinayaang may isang suntok na dumapo sa mukha nito.

"Sh*t!" mura ni Leslie matapos maramdaman ang sakit sa tuhod para mapatumba ang kalaban na guwardiya.

"Shoot, basketball try-outs na nga bukas pero pilay na agad tuhod ko!" reklamo nito ngunit agad na tumakbo tungo sa malaking double door ng mansyon na nagsisilbing daan sa mismong loob ng tahanan nila. Bago pa man makatapak sa konkreto, ay tinutukan agad siya ng baril ng dalawang armadong lalaki.

"Appointment?" tanong ng isang lalaki sa kaliwa niya.

"Wala. Sabi nila nandito pinsan ko."

"Sino?"

"Si-"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang main door, at iniluwa ang babaeng tumilapon palabas ng mansyon para bumaksan sa konkreto. Agad itong nanlambot ng malamang si Allison iyon!

"Alli!" tawag pa nito. Nang lalapitan na sana ang babae, biglang bumulaga sa harapan nito ang isang lalaking malawak ang ngiti na may hawak na kutsilyo. Walang awa nitong hinugot ang kwelyo ng uniporme ni Allison at agad siyang ipinako sa pader. Agad nanigas sa si Leslie sa lugar nito nang mamataan kung sino ang naturang tao.

"T-Tito A-Alexander!"

Agad na lumingon ang lalaki, na hindi pa rin nabubura ang katakot-takot na ngiti sa labi.

"Leslie..." bulong nito at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kutsilyo na nakatutok sa mismong leeg ni Allison.

"P-Please... b-bitiwan m-mo s-si A-Allison."

Imbes na sumagot, ito ay humalakhak. Sa una, mukha itong bulong, ngunit lumakas ito ng lumakas. Sa tono pa lang ng tawa nito, ay mahahalatang nang-iinsulto ito. Malalim ang paghinga ni Allison, at halos hindi na rin maibuka ang mga mata. Mantsado na ng dugo ang uniporme nito, at puro galos na ang paa nito. Hindi mapigilang maawa ni Leslie sa nakikita sa pinsan.

"Estoy tan triste... you never changed, Dad..." bulong ni Allison sa lalaki, na nakakuha ng atensyon nito sa babae. Agad na tumulo ang luha mula sa mga mata ni Alli, ngunit hindi nito pilit na binuksan ang mata dahil sa kakaibang nararamdaman sa kaharap nito. [trans: I'm so sad]

Bigla-bigla na lang nagpawala ng malakas na sigaw ang lalaki, at walang ano-ano'y binalibag si Allison sa konkreto. Iyon ang naging tsansa ni Leslie para lapitan si Allison, na pikit mata paring umuubo. Lalapit sana ang lalaki, nang bigla itong madapuan ng suntok sa mukha mula kay Daryll.

Lumabas mula sa mansyon si Dexter, ngiting-ngiti sa mga nakikita.Agad nitong napangisi nang masilayan na uubo-ubo sa lupa si Allison.

"Ako nang nagsasabi sa'yo, Alli! Hindi mo 'ko kayang kalabanin! How'd you like my gift huh?!" pang-aasar ng lalaki, kahit pa malalim ang tingin dito ni Leslie na nakaluhod pa rin sa harapan ng babae.

"SHUT THE F*CK UP!" sigaw ni Enrico at agad tinamaan si Dexter ng pamalo.

Agad napaurong si Dexter, at napahawak sa tiyan. Unting-unting nawala ang ngisi sa mukha ni Dexter, unti-unting niyukom ang mga kamao nito para sugurin si Enrico.

"Allison?! Alli?!" pilit na ginising ni Leslie ang naghihikahos na babae. Agad siyang inalalayan ni Leslie na maupo muna at ayusin ang sarili. Hinawakan niya ang mga nanginginig na kamay ni Allison.

"I'm really really sorry, Alli." bulong nito, kahit pa diretso ang tingin ng babae sa konkreto.

Agad na tumabi si March kay Alli na napansin ni Leslie.

Royals: MisfitsWhere stories live. Discover now