Chapter 8: Training Level: Hell

Magsimula sa umpisa
                                    

Gusto ko lang maimagine niyo ang bahay ni Greco kasi baka nakalimutan niyong pang japanese yung bahay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gusto ko lang maimagine niyo ang bahay ni Greco kasi baka nakalimutan niyong pang japanese yung bahay niya. Pakitingin nalang ng pic.

"Di lang ako makatulog nang maayos kaya bumangon nalang ako." Sagot naman nito.

"Pero bago kita isalang sa pagsasanay, may gagawin muna tayo para ma kondisyon yang sarili mo." Wika ni Greco habang nag aasikaso na sa pagsasaing. 

"Anong gagawin?" 

"Masyadong magulo ang daloy ng enerhiya sa loob ng katawan mo na epekto ng pagiging stressed at depressed mo." Sagot niya "Kaya bago kita isasalang sa isang bagay na nangangailangan ng matinding focus, kailangan natin yan alisin lahat sa katawan mo." 

Napayuko naman si Virgel at mukhang siya ay di na niniwalang maaalis pa 'to sa katawan niya. "Pero papano?" Halos walang pag asang tanong niya.

"Ako ang bahala. Kunin mo nalang ang kutchon mo sa kwarto at dalhin mo dito. Magluluto lang ako." Utos ni Greco kaya tumayo nalang siya at sinunod ito. 


***


"Anong gagawin mo sakin?" Halos mapasiksik na sa dingding si Virgel sa takot nang makita niya ang hawak hawak ni Greco. "Wag mong sabihing itutusok mo sakin yan lahat??" Kabadong tanong niya na ikinatawa naman nang mahina ng matanda.

"Kalma ka lang. Mga acupuncture needles lang 'to." Wika nito "Dami mo ng napagdaanan na labanan tapos karayom lang matatakot ka?" 

"Eh.." 

"Higa." Tawang utos nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang humiga sa kutchon ng nakatalikod. Nakahubad na rin ang pang itaas niyang damit. 

"Sinasabi ko, Greco. Mumultuhin kita habang buhay." Kabado paring usal niya kaya napailing nalang si Greco.

"Mas masakit pa ang kagat ng langgam dito." Sagot ni Greco habang hinahanap na niya ang mga points sa likuran ni Virgel. Kumuha siya ng isang karayom at nilagay sa may batok nito. "Oh masakit ba?" Tawang tanong niya. 

Natahimik naman ng ilang segundo si Virgel at pinakiramdaman ang iba pang mga karayom na bumabaon sa likod niya. "Ang basic naman nito." Pagmamayabang agad niya kaya mas lalong natawa si Greco.

"Ibaon ko to lahat sa likod mo eh." Pananakot nito 

"Nagbibiro lang to naman." 

Nagpatuloy lang si Greco at mga ilan pang karayom ang itinusok niya. "Isa itong chinese tradition na nakakapag balanse ng enerhiya sa katawan. Sa tulong ng mga karayom na 'to, nabubuksan yung mga points sa katawan na humaharang mismo sa pagdaloy ng enerhiya. Malaking tulong ito para ma kondisyon ang katawan at utak mo." 

VULTURE (BOOK 3) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon