Chapter 21 - Part 1 of 3

11.1K 266 9
                                    

CHAPTER 21 - Part 1 of 3

Nang sumapit na ang araw ng photoshoot sa Cut Loose Clothing Company ay hindi na naman naiwasan ni Gemma ang matensyon lalo na nga't hindi niya alam kung ano na ang kapupuntahan ng photoshoot nila.  Natatakot siyang hindi niya mawari sa mga possibleng mangyari na naglalaro sa utak niya.

                "Nandito na ang star mo,"  pasimpleng bulong pa ni Mr. Lin na bahagya pang dumistansya para salubungin si Tae Kyung.  "Hey..."  Tinapik pa nito sa balikat ang lalaki bago tuluyang lumayo.

                Tumango lang si Tae Kyung at hindi na nagsalita pa.  Hindi nito malaman kung papaanong gagawing bati sa babae lalo na nga't pirmes nakayuko lang ito.

                "Good morning,"  alanganin pang bati niya sa babae.

                "G-good m-morning..."  bati rin naman ni Gemma kahit na hindi nito matantiya kung anong ekspresyon ang rumehistro sa mukha niya.

                "There you are!"  Ang photographer na abot-tainga ang ngiti sa pagbati sa kanila.

                "Hey..."  Tumango naman si Tae Kyung dito.  Sa pakiramdam niya'y ang aga na silang i-brief nito.           

                "I hope you guys are okay now?"  Salitan pa niyang tiningnan ang dalawa.  "O-or not?"  Agad din itong nag-alanganin nang makita ang ekspresyon ng dalawa.

                "We're okay..."  Si Tae Kyung ang sumagot.

                "Really?"  May bahid pagdududa pa nitong binalingan si Gemma.  "Gemma?"

                "Okay..."  Alanganin man siya ay napilitan siyang tumango. 

                "We must finish today's photoshoot. Nakakahiya naman kay Madam Lulu, 'di ba?"  Muli ay pinagsalitan niya nang tingin ang dalawa.  "But don't worry, hindi ko naman kayo mamadaliin."  Maluwag pa itong ngumiti na para bang kumpiyansang may magaganap na maganda sa kanilang photoshoot.  "I scheduled the photoshoot this early, pero mamayang hapon pa talaga tayo mag-start."

                "Po?!"  Si Gemma ang agad na nag-react.

                "Yes, Gem, this afternoon pa."  Tila nabasa naman nito ang iniisip ng babae.  "I intentionally do this para may buong maghapon pa kayong pag-usapan anuman ang doubts n'yo."

                "Playing cupid?" sarkastiko namang sabi ni Tae Kyung.  Bakas ang pagkadisgusto sa pakikialam sa personal na problema nila ng dating nobya.

                "Not really..."  Umiling-iling pa ito.  "Baka pasalamatan mo pa ako at the end of the day."  Hindi rin niya naiwasanan mainis sa sarkastikong sagot na iyon ng lalaki.  "I am doing you a favor, believe me," seryoso pa nitong dagdag.

                "Sorry..."  Hingi rin naman nito nang paumanhin agad.  Alam niyang medyo na-offend ito sa paraan nang pagsasalita niya.

                "It's all right," matabang na sagot nito bago humugot nang isang malalim na buntong-hininga.  "Your life is none of my business, but I just want your pictures to be beautiful.  Ayoko namang sirain ang tiwalang ibinigay sa akin ni Madam Lulu.  Like I said before, act like lovers.  I wanted to capture that on cam.  I want that almost kiss thing to be believable.  That's what the client wanted.  I am just doing my job."  Muli ay pinagsalitan niya nang tingin ang dalawa.  "Just tell me if you can't do the job.  Mag-request ako kay Madam Lulu ng separate couple for Valentine's theme."

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon