Chapter 20 - Part 1 of 3

11K 257 10
                                    

CHAPTER 20 - Part 1 of 3

May kung ilang araw ding hindi kinikibo ni Tae Kyung si Minam.  Madalas pa nga ay umiiwas itong magtagpo ang landas nila.  Hanggang sa dumating ang araw na nakabalita na si Mr. Lin sa totoong Minam Go.

                "You're saved, sister!"  masayang balita pa ni Mr. Lin sa kanya.  Kasalukuyan silang nasa studio noon at nagre-rehearse ng kanta.

                "B-bakit po, Mr. Lin?"  taka pa si Minam.  Bahagya pang nilingon ang nobyo na hindi man lang tumitingin sa kanila.  Hindi man lang kasi siya kinakausap nito kaya't hindi tuloy niya malaman ang dapat na maramdaman.  Basta't ang alam niya, nasasaktan siya sa ginagawa nitong pag-iwas sa kanya.

                "Magaling na si Minam!"  excited pa nitong balita.  "He's coming back!"

                Agad namang napukaw nito ang atensyon nila Shin Woo at Jeremy maliban kay Tae Kyung na tila walang pakialam.

                "T-talaga p-po..?"  Agad pa siyang napalingon sa nobyo na hindi pa rin tumitingin sa kanila.  "G-good news po 'yan."

                "Damn..."  Si Jeremy.  "You mean to say, aalis na si Minam dito at ang totoong Minam na talaga ang papalit?"

                "Yeah..."  Tatangu-tango pa si Mr. Lin.  "So, be aware.  Dahil lahat ng mga special qualities n'yo, na kay Minam na lahat,"  pananakot pa nito.

                "Anong plan mo, Minam?"  Si Shin Woo na binalingan pa ang tila malungkot na babae.

                "Siyempre kapag dumating na ang twin brother ko, lalayo muna ako.  Gusto ko rin namang ma-enjoy niya lahat 'to,"  mapait pang naisagot na lang niya.

                "Really?"  Bigla rin naman itong nalungkot.  "Mami-miss ka pala namin."

                "Oo nga..."  Yumuko pa siya at pilit na ikinubli ang lungkot.

                "Hoy, Tae Kyung!"  Si Mr. Lin na binalingan pa ang tahimik na lalaki.  "Hindi mo man lang ba pipigilan ang girlfriend mo umalis?"  kunot-noo pa nitong tanong.  Nakuwentuhan na rin kasi siya ni Minam nang pangyayari tungkol sa kanila.  Siya ang naging takbuhan nito.  At iyon din ang unang pagkakataon na may nalaman siya tungkol sa buhay ni Tae Kyung.

                Sa halip na kumibo ay umalis na lamang si Tae Kyung nang hindi man lang tinatapunan nang tingin ang nobya.  Kaya naman noon na lang din nag-decide si Minam na sundan ito.

                "Tae Kyung!"  pigil pa niya sa nobyo na tila ayaw papigil.  Malakas pa siyang tinabig nito nang mahawakan ang braso nito.  "Ano bang problema mo?"  Hindi na rin niya napigilan ang paglandas ng kanyang luha.

                Noon na lang din napahinto si Tae Kyung pero hindi pa rin humaharap sa nobya.

                "Dahil lang sa nalaman mo, magbabago na ang lahat sa ating dalawa?"  Masakit para sa kanya ang pangyayaring iyon pero hindi naman sumagi sa isip niyang iwanan din ito sa ere.  At isa pa'y nakaraan na lamang iyon. Hindi na kayang ibalik pa.

                "Things are complicated between us," malamig pang sabi ni Tae Kyung sabay marahang pumaling sa nobya.  "Sa tuwing nakikita kita, nakikita ko ang lalaking kinakamuhian k-ko," nanginginig pang dagdag nito. 

                "Wala na akong alam sa ginawa ng mga magulang namin noon.  Walang may gusto na masaktan ka dahil kung tutuusin, biktima tayong parehas.  Iniwan din kami. Hindi lang ikaw," naghihinanakit pang sagot naman niya.  Hindi siya makapaniwalang ang dali lang para sa nobyo na kalimutan ang pinagsamahan nila.  Naiintindihan niyang nasasaktan ito, pero ang iwanan siya nang ganoon na lang ay masyadong masakit para sa kanya.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon