Chapter 8 - Part 1 of 2

15.3K 356 9
                                    

Published: January 9, 2013

CHAPTER 8 - Part 1 of 2

May kung ilang araw ding nagre-rehearse si Minam ng kantang isinulat ni Tae Kyung para sa kanya.
Pero pansin niyang parang may kakaiba sa lalaki at hindi nito mapigil ang magalit sa kanya.

"Wala ka bang pakiramdam?!" alsa-boses na ito. "Yes, maganda ang boses mo! Pero walang dating! Para ka lang kumakanta sa videoke!"

"Binibigay ko naman... Ano pa bang kulang?" halos mangilid ang luha niya dahil tila ibang-iba talaga ang tono nito.

"Emotions! Wala kang emosyon! Tanga ka ba?"

Sapat na ang mga salitang iyon para bumigay si Minam. Nagtitimpi lang siya at pilit na inuunawa ang lalaki sa tantrums nito. Inaalala lang din niyang may mabigat na problema ito. Pero hindi niya kayang magtimpi sa lahat nang oras.

"Oo na! Ikaw na ang magaling! Wala namang ibang magaling dito kundi ikaw lang!" sigaw din niya dito.

"That's for sure, Minam! Kasi hindi ko naman mararating ang estado ko ngayon if I am not this good! E, ikaw, you have every opportunity that everybody envied, pero sinasayang mo! Kung hindi mo kayang kantahin nang maayos ang kanta ko, better yet quit the job! Stop believing that you'll be an A.N.Jell!"

Kinagat ni Minam ang labi upang pigilan ang paghagulgol at nagmamadaling tumalikod. Pilit na ikinubli ang luhang kanina pa gustong mag-unahan sa pagpatak sa kanyang mga mata. Agad naman ding sumunod si Mr. Lin sa alaga na pumasok sa kwarto nito.

"Hey..." pukaw pa nito sa malalim na pag-iisip ng dalaga.

"Mr. Lin?" Tiningala niya ito at mabilis na pinunasan ang luha.

"Habaan mo pa nang kaunti ang pasensya mo kay Tae Kyung." Awang-awa naman niya itong dinungaw. Hinagod din niya ang likod nito. "Perfectionist kasi ang taong iyon, kaya nga mahirap makasundo."

"E, bakit kina Shin Woo at Jeremy, okay naman siya?" Hindi rin kasi niya maiwasang ikumpara ang pagtrato nito sa ibang kasama.

"Mabait naman 'yun. Mainit lang din siguro ang ulo. Natapatan ka." pampalubag loob pa nito.

"Tsss..." Sumimangot siya at umirap sa kawalan. Hindi yata niya mapapaniwalaan ang sinabi nito.

"Kapag kasi gumagawa ng kanta ang taong iyon, ibinubuhos niya ang buong puso niya. Maybe, iyon ang gusto niyang makita sa'yo. Ibuhos mo ang buong puso mo."

"Pero buong puso ko namang kinakanta 'yung song, a." depensa pa niya sa sarili.

"Hmm, ganito na lang," nag-isip pa ito. "Have you been in love before?" kunot-noo pa ito.

"In love?"

"Ooops! I forgot! Nobisyada ka nga pala." Nagkamot pa ito ng ulo. "Paano ba 'to?" muli ay malalim pa itong nag-isip. "Love. Dapat mailabas mo 'yun habang kumakanta. For example, dapat ang love mo para sa mother mo, sa kapatid mo, dapat mailabas mo 'yun sa kanta."

"I get it but I don't know. Sa tingin ko kasi okay naman ang pagkanta ko." Humupa nang kaunti ang nararamdaman niya lalo pa nga't napapaliwanagan siya nang maayos ni Mr. Lin. Hindi pa kasi siya nai-inlove kaya hindi niya mailabas nang tama sa kanta. Hindi akma ang kanta sa love na nararamdaman niya para sa ina at kapatid. Inalog niya ang kanyang ulo at hindi talaga niya malaman ang gagawin. Gulung-gulo talaga siya. "Gusto ko muna sana mag-isa, Mr. Lin..."

"Sige. Pero mag-practice ka, a. Try mong ilagay ang sarili mo sa iba. Probably that might work."

"Sige po..." Bumuntong-hininga siya at tumingin ulit sa kawalan.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon