Chapter 1

113K 1.2K 74
                                    

Post ko ulit para d'un sa matagal na pala nilang nasa library at 'di nabasa. Sorry po if unpublished ko kasi po e HIRAM lang naman ang story na 'to. Ako man po nagsulat, 'yung plot ay hawig talaga sa Koreanovela. Tulad po nang sabi ko, hindi naman ako propesyonal na writer dati. Wala akong alam sa kahit ano. Basta mailabas ko lang ang pagka-adik ko sa napanood ko sa pamamagitan pagsusulat, masaya na ako. So, kapag po may pumuna ulit dito, unpublished ko na lang ulit. Alam ko namang 'di puwede i-publish 'to if ever. Wala pong mawawala sa akin. Pero para mapagbigyan ang loyal readers, sige po i-repost ko ulit. God bless po.



Published: October 7, 2012

Old A/N

hello everyone! this is my version of Korean soap "You're Beautiful". But the thing is, nag-focus lang ako sa dalawang character here, kay Minam Go at Tae Kyung Hwang. Medyo maiiba ang dating ng story sa kalagitnaan... kasi I wrote it the way I want it. hehe :) which is cute naman I guess... (assumera lang!). Anyway, thanks for dropping by, sana makapagbasa po kayo kasi cute din po ang story nito... (hoping... ma--appreciate nyo). Like I said sa profile ko, avid fan din po ako. Kaya pagpasensyahan nyo na ang kabaliwan ko hehe :D

********

CHAPTER 1

Kabadung-kabado si Gemma nang araw na iyon dahil iyon ang unang araw ng kanyang pagpapanggap bilang lalaki. Napilitan siyang lisanin ang kumbento alang-alang sa kahilingan ng kakambal na kapatid na pumalit muna sa kanya habang siya'y nagpapagaling mula sa palpak na surgery na ginawa sa kanya. At dahil sa pagmamahal sa kapatid ay napilitan siyang gawin ang kahilingan nito kahit na nga alam niyang malaking kasalanan ang gagawin niya. Dasal na lamang niya'y tuluyan nang maka-recover ang kapatid bago pa man siya mabuking sa gagawin niya.

"Ready ka na, sister... I mean Minam pala..." Ang manager ng kapatid niya na nakiusap rin nang husto sa kanyang magpanggap.

"H-hindi po kaya tayo mabuking?" Alanganin pa niyang tanong at talaga namang nanlalamig siya.

"Ano ka ba? You and Minam are too identical even with your voice. There's no way na madi-differentiate ka nila from him."

"Natatakot po ako..." Kung marahil wala man lang siyang make-up sa mukha ay baka kitang-kita ang pamumutla niya.

"Contract signing pa lang naman. You don't have to sing kaya relax ka lang." Bahagya pa niya itong tinapik sa balikat. "Let's go, naghihintay na sa atin si Mr. Han."

Tumango na lang siya bilang sagot. Pero sa totoo lang ay para siyang hihimatayin sa kaba.

Pagpasok pa lang nila ng opisina ay agad na sumalubong sa kanila ang handler ng A.N.Jell Boy Band, si Mr. Han.

"There you are, Minam!" Tuwang-tuwa pa nitong sinalubong nang yakap ang tila naman tinulos na kandilang si Gemma. Papaano naman ay dikit na dikit ang katawan nito sa kanya. Panay ang dasal niyang hindi nito mahalatang ibinalot niya ang dibdib ng tape at girdle. "You're so good looking..." Nakangiti pa nitong sabi at bahagyang umiling-iling habang mataman itong tinititigan. "You look more of a girl to me!"

"Po?!" Napalunok pa siya.

"Mas gwapo ka pa kay Tae Kyung ngayon! He must be threatened!" Tuwang-tuwa talaga ito. "Welcome to the most famous of all bands in the world! A.N.Jell!" Inilahad pa nito ang kamay.

"T-thank you po..." Tumango pa siya dito at kinamayan ito.

"Nanlalamig ka..." Puna pa nito. "Relax ka lang! Contract signing pa lang ito." Malakas pa nitong tinapik sa balikat ang nasaktan namang si Minam (originally Gemma).

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon