Chapter Twenty Nine

ابدأ من البداية
                                    

"Touch him, he likes touching him." Saad ni Symon. Lumapit naman ako sa kabayo n'ya upang haplusin ito. Indeed, he's right. I felt comfortable when I touched his horse.

"He likes you." Saad ni Symon. Ngumiti lamang ako sa sinabi n'ya.

"Mang Eduardo, ayos na ho bang sakyan si Felix?" Tanong ni Symon sa nangangasiwa ng mga kabayo ng Rancho.

"Oho, Señorito. Nasa kondisyon na si Felix at pupwede nang sakyan." Sagot naman nito. Tumango lamang si Symon sa matanda at tsaka bumaling sa akin.

"Ikaw na muna ang umangkas sa kanya." Sabi ni Symon sa akin.

"Hala, hindi ako marunong!" Sagot ko sa kanya. Mahina siyang tumawa at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagtawa n'yang iyon.

"I'm just here." Seryoso n'yang sabi habang diretsong nakatingin sa akin.

"I—I trust you." Sabi ko at tsaka ako nag-iwas ng tingin. Inilalayan n'ya akong maka-angkas kay Felix. Nakahawak siya sa may bewang ko habang inaalalayan ako at pakiramdam ko ay may kuryenteng dumadaloy sa buong sistema ko sa paghawak n'yang iyon.

Agad akong napahawak sa lubid na nakakabit kay Felix nang tuluyan na akong maka-angkas.

"Relax, baby." Bulong niya sa may tenga ko nang maka-angkas na rin siya kay Felix. Naramdaman ko naman ang init ng hininga n'ya sa may batok ko. Damn, why I have this kind of feeling? And his endearment—Uggh. I hate this.

"You okay?" Tanong n'ya. Tumango lamang ako. Iniiwasan kong mapasandal sa kanya dahil nararamdaman ko ang init at katigasan ng katawan n'ya.

"Mag-iingat ho kayo, Señorito." Sabi ni Mang Eduardo. Hinawakan na ni Symon ang lubid kaya parang nakayakap na siya sa akin ngayon.

Marahan niyang hinampas ang lubid na nagpatakbo kay Felix. Unti-unti akong napasandal kay Symon at hinayaan ko na lang ang sarili ko sa kanya. I suddenly felt comfortable because of him.

"Beautiful." Rinig kong bulong n'ya sa akin. Hindi ko alam kung ang tinutukoy n'ya ba ay ang mga puno ng mangga na panay namumunga na.

"Y—Yeah." Sagot ko naman sa kanya. Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin. Walang nagsasalita sa aming dalawa at lihim akong nagpasalamat dahil baka mas lalo lamang akong mailang sa kanya kapag nagsalita pa siya.

Tumigil kami sa isang malaking puno kung saan naroroon sina Rissa, Din, Jeorge at Felice. Pare-parehong mga nakatali ang mga kabayong sinasakyan nila sa malaking puno. Maraming manggagawa ng Rancho ang naroroon at tila ba nagpapahinga.

"Magandang umaga araw ho sa inyo, Señorito." Bati nila kay Symon. Ningitian ko lamang sila bilang tugon.

"Grabe, ang sipag ni Aivan! Ang hot pa." Sabi ni Felice. Napalingon naman ako sa tinitignan nila at doon ay natanaw ko si Aivan na nakalublob sa may putikan at nagtatanim ng palay. Wala sa sariling napangiti ako, walang dudang malapit ang loob niya sa mga manggagawa ng Rancho.

"Ganyan ho talaga si Señorito Aivan, gustong-gusto na magtanim ng palay." Sabi nang isang matandang babae na malapit sa amin.

"Kaya nga ho malapit ang loob n'ya sa amin dahil hindi siya nagrereklamo kahit pa maputik at mainit dito." Sabi naman ng isang lalaki na palagay ko ay nasa 40's na.

Napalingon naman sa pwesto namin si Aivan kaya kumaway sila. Ngumiti lamang ako sa kanya at hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Bigla ay pumasok sa isipan ko si Axcel pero agad ko rin siyang inalis sa isipan ko. I shouldn't think of him.

Itinuon ko ang atensyon ko sa mga manggagawa na nakikipag-kwentuhan sa amin. Masaya at tapat silang nagtatrabaho sa Rancho De Montemayor dahil sa magandang pamamalakad ni Tito Levinn sa Rancho at sa magandang relasyon ng mga manggawa sa mga Montemayor. Napangiti naman ako sa magandang komento nila sa mga Montemayor.

"Tara na, bumalik na tayo sa Rancho at baka hinahanap na tayo roon." Sabi ni Din sa amin. Mahigit isang oras at kalahati na kasi kaming naroroon at nakikipagkwentuhan sa mga trabahador ng Rancho. Magalang kaming nagpaalam sa mga manggagawa ng Rancho bago umalis doon. Nagpaiwan naman si Aivan at sinabing susunod na lang mamaya.

Hindi na ako gaanong kailang kay Symon nang muli akong umangkas sa kabayo n'ya. Minsan ay kinakausap n'ya ako habang papunta kami sa Mansyon at sumasagot naman ako. Ayoko rin namang hindi kami nag-uusap at nagkaka-ilangan. After all, matagal na kaming magkakilala at magkaibigan simula pagkabata.

"You should learn how to ride a horse alone." Bulong n'ya sa akin.

"Yeah, I love to. Hayaan mo, kapag nagkaoras ako. Magpapaturo ako mangabayo." Sagot ko naman sa kanya.

"It will be okay to me if you want me to be your teacher. I'm good at riding." Natatawang saad naman niya sa akin.

"Basta ba walang bayad eh!" Natatawa korin na sagot sa kanya.

"Meron, kiss." Rinig kong bulong n'ya. Natigilan naman ako sa sinabi niya at pakiramdam ko ay namula bigla ang mukha ko.

"Just kidding, makita ko lang na masaya ka. Ayos na sa akin." Seryosong saad n'ya sa akin.

"S—Symon."

"We're here." Bigla niyang sabi. Nakita kong nagsibabaan na sina Din, Jeorge at Felice sa mga kabayong sinasakyan nila. Nauna namang bumaba si Symon kesa sa akin. Inalalayan n'ya rin akong makababa sa kabayo n'ya.

"Thank you." Nakangiti kong sabi sa kanya. Siya mismo ang nagpasok kay Felix sa kwadra nito.

"Sige, mauna ka nang pumasok sa loob. Susunod na lang ako." Sabi ni Symon sa akin.

"Okay. See you around." Sagot ko naman sa kanya. Sumunod na ako kay na Din sa loob pero papasok pa lang ako ng biglang may humablot sa braso ko at dalhin ako sa may pool area kung saan walang tao.

"Flirting this early with my fvcking cousin, huh?" Seryosong sabi sa akin ni Axcel habang direktang nakatingin sa mga mata ko. Bakas sa mukha n'ya ang galit at inis.

"A—Ano bang sinasabi mo?" Nauutal kong sabi sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa braso ko at ramdam ko ang galit n'ya roon.

"The hell I am talking about? Are you out of your mind, Heena? Hindi mo ba inisip na nandito ka sa Rancho at nakikipaglandian ka sa ibang lalaki? Na mas malala, sa pinsan ko pa? Nice." He mocked me.

"I am not flirting, Axcel. You know me!" Mariin kong sabi sa kanya.

"You are not flirting? Di ano'ng tawag mo d'on? Wala lang? Tang ina, hindi mo man lang ba inisip kung ano ang sasabihin ng mga makakakita sa inyo? Knowing you are my fvcking fiancée?!" Galit na sigaw niya sa akin. Walang sabi-sabing sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas. Marahas kong binawi ang braso ko mula sa mahigpit n'yang pagkakahawak sa akin. Sinalubong ko ang mga tingin n'yang tumatagos sa puso ko.

"Tinatanong mo sa akin 'yang bagay na 'yan, Axcel? Na kung iniisip ko ba kung ano ang sasabihin ng iba? Nagawa mo bang itanong sa sarili mo 'yan?! Naisip mo ba na nasa paligid lang ako pero siya ang kasama mo kagabi?! Na kung hindi pa siya umalis, hindi mo pa ako bibigyan ng oras? Ano'ng karapatan mong sabihan ako ng ganoong bagay?! Dahil lang sa nakita mo, aakusahan mo ako nang ganoon?! Ang kapal mo, Axcel!" Galit kong sigaw sa kanya. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko pero marahas ko iyong hinawi. I don't want him seeing me crying.

"So this is your revenge? This is how you show your revenge on me? Flirting with my fvcking cousin?" He mockingly said.

"Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin! You know me yet you're accusing me those things! Sige, sabihin mo lang kung ano ang gusto mong sabihin at tatanggapin ko. Wala na akong pakielam kung ano pang sabihin mo, wala na akong pakielam kung sabihan mo pa ako ng malandi, pokpok o kaladkaring babae! Wala na akong pakielam! Tatanggapin ko lahat ng mga walang kwenta mong pang-aakusa, pero sana. H'wang na h'wag mong pagsisihan na sinabihan mo ako ng ganoong bagay." Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak. I tried to suppressed my emotions pero wala, hindi ko talaga kayang itago lalo na't nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ng dahil sa lalaking nasa harapan ko, dahil sa lalaking mahal na mahal ko.

"I hate you." I said as I turned my back at him and run away.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن