First Changed

10.5K 367 180
                                    

First Changed

Dana's POV

Nakatayo ako sa tapat ng isang bukas na napakalaking gate. Kasalukuyan kong tinitignan yung mga rooms mula sa labas. Actually malayo sila pero kita pa din. Marami rin ang nakapark na kotse sa loob. Tinitignan ko din yung mga kapwa ko estudyante na masayang napasok sa loob.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kung masaya ba ako o kinakabahan.

Malayong-malayo ang eskwelahan na ito kesa sa eskwelahan na pinapasukan ko dati. Sobrang layo.

"Aray!" Daing ko, may nakatabig kasi sa akin na lalaki, nagulat naman sya ng makita ako.

"Sorry miss " yan yung nakasulat sa isang papel na ipinakita nya sa akin, hindi nya ako tinulungang tumayo dirediretso lang sya papaksok sa loob.

"Ganun ba talaga dito? Magsosorry lang tapos na? Kaya ayoko sa Maynla eh" bulong ko habang pinapagpagan yung palda kong nadumihan dahil sa pagkakatumba ko.

Tama Probinsyana ako pero wala akong Provincial accent, pinag-aralan kong matanggal yun.

Bumuntong hininga ako tapos nagpasya ng pumasok sa loob. Mas maganda pala kapag nasa loob ka, mas makikita mo yung facilities nila. Kinuha ko sa bag ko yung binigay sa akin ni Mam Saira kanina. Directory daw yung ng school, ibinigay nya sa akin para di ako maligaw. Tinignan ko din yung registration form ko para malaman kung anong room ako ngayon.

Kahit na may hawak akong mapa ng school eh parang naligaw ako, nandito na ako sa part na abandoned na yung mga rooms kaya natakot ako. Babalik na sana ako ng makakita ako ng isang grupo ng mga estudyanteng lalaki. Mukha silang mga adik kaya nagtago muna ako sa isang room dito.

Padadaanin ko lang sila. Alam kong di ako kagandahan para hindi magpakita sa kanila pero kasi alam nyo na kahit pangit ngayon malabasan lang ng libog pwede na.

Nagulat ako ng makita ko silang papalapit din sa tinataguan ko kaya umurong ako patalikod habang tinitignan kung nandyan pa rin sila.

Saka kaurong ko hindi na namalayan na may nasanggi ako, kaya sa pangalawang pagkakataon ay natumba ako.

Nakita ko ang isang lalaking natutulog ng nakaupo. Dahan- dahan nya imunulat yung mga mata nya at tinignan ako.

"Who are you?" Tanong nya sa akin, halata sa bose nya ang pagkairita. Ang lalim din ng boses nya kaya nakakatakot.

"Who are you and what are you doung here? " Medyo pasigaw na tanong nya sa akin. Napapikit naman ako. Nakakatakot. Naramdaman kong hinawakan nya ang braso ko at hinila palabas.

Nang makalabas na kami ay binitawan nya ako.

"Dont you dare to go back here again" nakakatakot nabanta nya tapos pumasok sya ulit dun sa loob. Tinignan ko naman yung braso kong hinawakan nya at namumula yun.

"Grabe naman yun" bulong ko tapos nagsimula ulit maglakad pabalik dun sa dinaanan ko kanina.

Buti naman nakalabas ako sa lugar na yon. Mali pala yung dinaan ko kanina dapat kanan pero sa kaliwa ako dumaan . Tanga mo Dana kaliwa't kanan lang di mo alam.

Para makarating dun sa unang room ko ay kailangan mong dumaan sa field. Buti naman at walang naglalaro kaya ok lang kahit saan ka dumaan.

Napahinto ako sa paglalakad ng may nakita akong lalaking nakaupo at nakapikit dun  sa ilalim ng isang puno sa field. Ang amo ng mukha nya. Ang sarap tignan, yung mga mata nya kahit nakapikit, yubg ilong nya at yung labi nya. Yung maliit nyang ulo.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanya. Dahan- dahan nyang iminulat yung mata nya at tinignan ako kaya nagulat ako kaya napaiwas ako ng tingin.

Tumayo sya at pinangpag yung pantalon nya tapos nagsulat dun sa papel na hawak nya. Teka papel? Sya yung nakabangga sa akin  kanina.

Staring is RUDE Miss yan yung sinulat nya sa papel na hawak nya. Talagang capslock pa yung RUDE.

Pagkatapos nyang ipakita sa akin yun eh umalis na sya. Napikit na lang ako dahil sa lahat ng nararanasan ko ngayon dito.

Hindi ako lumaki sa ganitong environment kaya sa tingin ko sobra akong magaadjust. Muli kong tinignan yung pamplet at hinanap yung room ko. Buti naman at nakita ko na.

Pagdating ko sa room ko ay marami ng tao at nandoon na rin yung teacher namin sa harapan. Kumatok ako kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat.

"Yes Miss?" Tanong sa akin nung teacher namin habang nakangiti.

"Mam I belong to this class and Im sorry Im late " mahinahong sabi ko sa kanya. Sinenyasan nya akong lumapit kaya pumasok ako sa loob.

"Its ok, but don't let this happen again. Ok na bumagsak ka sa mga qiuz at exams ko wag ka lang late" paliwanag nya sa akin at tumango na lang ako. Astig tong teacher na to. Ok lang bumagsak sa quiz wag ka lang malelate sa klase nya.

Sa unahan na lang ang available na seat kaya dun na ako pumunta. Inilalapag ko ang gamit ko ng muli akong tawagin ni Mam.

"Miss magpakilala ka muna" sabi nya sa akin kaya muli akong bumalik sa unahan.

"Good Morning everyone. I'm Daniela Santos but you can call me Dana. Hope we can be friends." pakilala ko tapos silang lahat nakatingin lang sa akin. Naglakad ako pabalik sa upuan ko tapos nagsimula ng nagdisscuss si Mam.

Kasalukuyan akong nagsusulat ng magsitilian yung mga kaklase kong babae.

"God they're here"

"OMG I'm gonna see Jin Babes"

"Jiminnnn"

Napalingon ako sa kanila dahil sa ingay nila, pero inirapan lang nila ako.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagsulat ulit. Mas lumakas ang tilian dahil sa pagpasok ng 5 na lalaki.

Isang nakapoker face lang, isang lalaking nakangiti, isang kulay orange ang buhok at may makapal na eyeliner, isang maliit na nakauniform pero sleeveless yung kanya at isang makatingin kala mo kakainin ka.

"Where is Jimuel and Stephen?" tanong nung teacher namin sa mga bagong dating. Nagsimula silang maglakad papunta sa likod pero naiwan yung lalaking nakangiti lang.

"Di po namin sila kasama mam eh, gusto mo po ng cookies na bake ni Jin hyung?" tanong nya tapos may kinuhang baunan mula sa bag nya pero umiling si Mam.

"Ako Kookie gusto!"

" Oo nga sa akin mo na lang ibigay!"

"Ako uubusin ko yan!". kanya kanya prisinta yung mga kaklase naming babae pero ngumiti lang sya, dun ko lang napansin na malapad pala ilong nya.

Bumalik na lang ako sa pagsusulat, bahala silang mag-agawan sa cookies nya pero napatigil ako ng makakita ng isang baunan sa harapan ko.

Napatingin ako sa may hawak nun at nakita ko si Ilong-- este ano nga bang pangalan nya? na inaabot sa akin yung baunan na may Cookies.

"Mukhang bago ka dito ah, eto sayo na yan pang welcome ko sayo". Sabi nya at iniwan sa akin yung baunan.

-------------------
I'll Start this, pero SLOW UD po..

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon