Twelfth Changed

5.2K 280 166
                                    

Twelfth Changed

Pagpasok namin ay naabutan namin si Vincent, Jungkook, Raven at Jimin sa may Salas at naglalaro. Hinanap ko si Stephen pero hindi ko sya makita. 

"Shet naman!" agad kong binawi mula sa pagkakahawak ni Jimuel yung kamay ko ng sumigaw si Raven at nagtaas baba yung kilay. Napalingon din sila Jungkook at nanlaki ang mga mata nila. 

"Hyung ano yun ha?" gatong pa ni Jimin. Naramdaman ko yung pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa nila. Dapat talaga hindi ako sumama dito eh. 

Narinig kong TSK si Jimuel sa kanila at tumabi kay Taehyung. Inusisa pa rin sya.

Naglakad-lakad ako para mahanap kung nasaan yung banyo. Gusto ko na kasing magpalit ng damit. 

Nakarinig ako ng isang tinig na nakanta sa isang malapit na kwarto kaya lumapit ako dun. Nakita ko si Jin na nagluluto, naka-apron pa sya na ang design ay isang katawan ng lalaki na may 8 Pack Abs. Napahagikgik ako dahilan para lumingon sya sa akin.

"Dana tawa ka dyan? Bagay ba?" tanong nya tapos nagpose pa. Tumango na lang ako habang natatawa. 

"Si Stephen nakita mo?" tanong ko. Huminto sya sa paghahalo ng niluluto nya at tumingin sa akin.

"Lumabas sya ah, ang alam ko gigisingin ka" sagot nya. Hindi ko sya nakita kanina. Tumango-tango na lang ako. 

"Saan yung banyo?" tanong ko ulit sa kanya tapos itinaas yung damit na dala ko. Tinuro nya yung isang pinto kaya pumasok na ako dun. 

Isang stripe na polo shirt ang ibinigay sa akin si Stephen. Kulay Red at Black tapos isang maong na pantalon. Sinuot ko yun at nagtaka ako kasi sakto lang sa akin yung mga iyon. Saan kaya nya nakuha yun? Wala naman kasi akong ganitong damit sa damitan ko. 

Hindi ko nalang pinansin at lumabas na ako. Pagkalabas ko ay naghahain na si Jin. 

"Wow! Tara kain na tayo" yaya nya kaya tinulungan ko syang maghanda ng pagkain. 

Pagktapos namin maghanda ay lumabas sya at tinawag sila. Unang nakarating si Jungkook pero hila-hila ni Jimin at Vincent yung damit nya para maunahan sya. 

Pagkaupo nila ay agad silang naghanda ng kakainin nila. Umupo ako sa may dulo at nanood sa kanina. Ang saya ng barkada nila. Nakakatuwa namang sa kabila ng pagkakaiba nila ay magkakasundo sila. 

"Naku Dana kumain ka na baka maubusan ka ng nga yan" sabi sa akin ni Jin kaya kumuha na rin ako. Gutom na kasi talaga ako.

"Yun oh!" napatigil ako sa pagsubo ng pagkain nung marinig kong sumigaw sila. Nakita kong naglalakad si Stephen papalapit sa lamesa at PAREHO lang naman kami ng Damit. Mula sa style at kulay! 

"Couple shirt ba yan?" tanong nila pero hindi sumagot si Stephen, umupo lang sya sa tabi ni Jungkook at kumain na rin. Mukhang badtrip sya ah?

Habang kumain si Stephen ay di ko maiwasang tignan sya. Nakakunot ang noo nya at parang may masamang aura nakabalot sa kanya. Kanina naman ay hindi sya ganyan kanina eh.

"Bilisan nyo sakay tayong kabayo! Ano Vincent karekahan tayo?" hamon ni Jungkook kay Vincent. Agad namang nagpustahan yung dalawa kung sinong mananalo sa kanya. "Baka matalo na naman kita" dagdag nya pa. Isa-isa na kaming pumasok ulit sa loob ng van. Pupunta daw silang Picnic Groove para mamasyal. Kakatapos lang din naming magpahinga. 

Everything Has ChangedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora