Chapter 40: My Home

1.2K 18 6
                                    

PENNY

"Bruhaaaa!" tili ni Kaoru bago naglambitin sa leeg ko.

"Teka! Teka! Teka!" awat ko sa kanya. "Ang lakas ng loob mong magtatakbo! Alalahanin mong buntis ka, baliw!" tumatawang sabi ko.

Pinuntahan ako ni Kaoru sa bahay namin para 'makibalita' sa nangyari.

"Di 'yan! Ilang buwan pa lang naman." Pagkatapos ngumisi siya. "Blooming mo ngayon ah! Good news ata?" sabi niya pa habang tumataas taas ang kilay niya.

Nag init naman ang pisngi ko doon. "Obvious ba?" nangingiti na sagot ko.

Tumili nang pagkalakas lakas 'non si Kaoru. "Omedetou (congratulations) beshieee!" Tapos niyakap niya ako nang mahigpit.

Yumakap din ako sa kanya. "Salamat Kaoru. Salamat dahil palagi kang nandiyan para sa akin."

"Wag ka nga! Naiiyak ako eh!" Kumalas siya sa akin at mataman akong tiningnan. "Masaya ka na ulit. 'Yon lang naman ang mahalaga para sa akin."

I smiled at her lovingly. She's been here through thick and thin. Siya ang kakampi ko sa lahat ng pagkakataon. Kahit nasaan ako, siya pa rin ang nagiging sumbungan ko. I can't thank her enough.

Umayos siya ng upo. "So~ bakit ka narito sa bahay 'nyo at wala sa condo ng boyfriend mo? Tama ba? Boyfriend mo na nga ba ulit?" may malisyosyang ngiti na tanong niya.

Tumango ako.

"Kaloka kayo. From strangers to engaged to strangers again to it's complicated to in a relationship!" walang hinga na sabi niya. "Wala na yatang mas gugulo pa sa status niyong dalawa," tumatawang dugtong niya.

Nagkibit balikat lang ako. May point nga siya. Pero sa dami ng pinagdaaanan namin at layo ng narating naming dalawa, pwede ko na bang paniwalaan na 'destined' kami?

"So? Nasaan siya?"

"He's in US. Inaayos niya yung itatayo nilang branch doon. Pero babalik siya sa kasal ni ate Vanessa. Tapos, sasama siya sa akin sa Paris para sa fashion show."

Natawa ako 'nang maalala ko yung kinabukasan 'nung gabi na 'yon. Halos ayaw na niyang umalis. He's in his naked glory at parang batang ayaw bumitaw sa akin. Kung hindi dumating si Mr. Smith, hindi pa siya kikilos.

Ilang araw pa lang mula 'non, but it feels like eternity. I miss him so much. Pareho kaming busy. Siya sa company, ako sa kasal ni ate at sa fashion show sa Paris. Kahit ganon, araw araw naman siyang tumatawag at nagvi-video call. Pero iba pa rin talaga na narito siya.

'Isang linggo na lang Penny. Tiisin mo pa nang kaunti.'

Siniko siko ako ni Kaoru. "Miss mo na 'no?"

Bumuntong hininga ako at tumango. "I've been away from him for seven years. At ngayon ko nararamdaman nang sobra 'yung pagka-miss ko sa kanya 'nung mga taon na 'yon."

Hinawakan ni Kaoru ang kamay ko.

"Alam mo, he has been through worse than I thought. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa kanya. He's been shot, Kaoru. Muntik na siyang mamatay. I've been thinking of those scenario. Naisip ko kung paano noong nasa Paris ako at mabalitaan ko 'yon. Uuwi ako dito at dadatnan ko siyang malamig na." Gumaralgal na ang boses ko. "I don't think I can take it. I might just die too."

Niyakap ako ni Kaoru. "Oh Penny. He just love you so much. At ayaw niyang ilagay ka sa kahit maliit na panganib. He's safe now and you're together. Alam mo, I've been hating him all these time. I hate him for making you cry. I hate him for driving you away from us. Sinisisi ko siya sa lahat. Kasi ang ineexpect ko, magkasama tayo lagi. Magkasama tayong magma-mature at maggo-grow sa lahat ng bagay. And he took that away from me. Pero noong malaman ko kay Alistair lahat ng pinagdaanan nila, nagbago ang lahat nang 'yon. I feel grateful to him with all my heart. Alam kong ayaw mo ang ginawa niya. Na sinarili niya. He kept you in the dark after all. Pero kung alam ko iyon dati, I would agree to him. Hate me if you want, pero mas gusto kong ligtas ka. Because I love you. What more pa para sa kanya, hindi ba?"

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Where stories live. Discover now