Chapter 25: Business

2.7K 73 7
                                    

Chapter 25: Business



Penny




Napakurap ako. Halos tumigil ang puso ko. Come again? Tama ba ang narinig ko? H-he owns this?!


Hindi lang ako ang halatang nagulat. Magkasalubong ang kilay ni Kurt na parang dina digest pa ang narinig niya.


Ngumiti ulit si Vaughn. This time, sa akin na siya nakatingin. "What a surprise miss Diaz. Kayo ba ang makikipag-business deal sa akin tungkol sa lugar na 'to?"


Lumunok ako at nag-iwas sa kanya ng tingin. Bakit ba kailangan niya pa akong tingnan nang ganyan? "A-ahm, y-yes," kaswal kong sagot.


"So, you own this place Mr...?" sabi ni Kurt na tila naka-recover na.


Inilahad ni Vaughn ang kamay niya. "Laguesma. Vaughn Laguesma."


Tinanggap naman iyon ni Kurt na may ngiti. "It's nice to finally meet you, Mr. Laguesma. I'm Kurt Baize, the owner of Splendour clothing line." Inakbayan niya ako na ikinagulat ko. "And I believe, you already know this beautiful girl," baling niya naman sa akin.


Vaughn met my eyes. "Oh yes. I know her very well." Mataman siyang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. "How are you, Penny?" May ngiti siya sa labi pero parang hindi iyon umaabot sa mata niya.


Unconciously, napalunok ako habang nakatingin din sa kanya. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Kurt sa balikat ko.


Isa lang ang naiisip ko. Gusto kong lumubog sa lupa sa mga oras na 'to. Oo, nakangiti sila. Pero ramdam na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan nila. Nanlalamig ang palad at talampakan ko.


Tumikhim si Kurt. "Shall we start then, Mr. Laguesma?"


"Ah! Yes. Before anything else, this guy here..." Itinuro ni Vaughn yung lalaking naka-suit na nasa tabi niya. "...This is Jan, my secretary. You can ask him anything about this place," pakilala niya. Tapos, inayos niya ang kurbata niya. "Let's start. This way please," yakag niya sa amin



Isa isa sa aming ipinakita ni Vaughn ang bawat room sa building na 'yon. Mula sa conference room, office ng manager hanggang sa mga cr ng lugar. Masasabing hindi nga basta basta ang lugar. It's really spacious. Makakagalaw nang maayos ang mga designers at staff dito. Masasabi ko ring magiging comfortable itong working place. Mula sa structure hanggang sa interior, masasabing high quality ito. Hindi pa fully furnished ang lugar, pero mababakas na ang sophistication nito dahil sa kulay ng pintura at mga tiles na ginamit. It's a combination of white, slightly black and beige. Sino ring mag-aakala na may kitchen ito? Big enough to put a stove and a refrigirator. Kung gagraduhan ang lugar, it's an A+ for me. Wala nang masasabi. Unang una, nasa commercial center ito. Hindi kami mahihirapan kung sakaling magkaka-problema man sa stocks ng mga tela at iba pang gamit dahil maraming mapagkukunan. Pangalawa, well hindi na siguro maikakaila na maganda at komportable talaga ang lugar. Ang problema na lang ay ang bayaran.

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Where stories live. Discover now