Chapter 2

14K 375 98
                                    

Something About Him
___

"Grandma!" masayang bati nina Aaron at Sky paglabas ng sasakyan. Buong galak naman silang sinalubong ni Mama na kakalabas lang.

"Mmmm I missed you mga apo! How's school?" giliw na bati naman ni Mama. My sons are between her arms. Ilang beses niya itong hinalikan sa pisngi at noo.

"Grandma, I got the highest score during our exam!" Aaron excitingly said.

"Awww I'm a proud grandma! very good of you, Aaron."

Ilang sandali ko silang pinagmasdan. Hindi ko mapigilang ngumiti, hindi dahil ang saya nilang tingnan, kundi dahil naaalala ko ang buhay ko noon kasama pa ang pamilya ko.

"Your grandpa's in the garden, go surprise him," nag-unahan sa pagtakbo sina Aaron at Sky papasok. 

Nahihirapan pa si Sky dahil sa suot niyang jumper at naka jacket pa itong may 'Armstrong' sa likod. Just like his dad, ginawin din siya kahit ilang taon na kami dito sa Pilipinas.

"Behati hija, how are you?" lumapit si mama at nagmano naman ako. "I'm doing fine, Ma. Kayo? How's life here?"

"Gano'n pa rin, anak. This house feels incomplete since four years ago," may bakas na lungkot sa boses ni Mama. I know she's talking about Peter. Ngumiti nalang ako para pagaanin ang loob niya.

"Let's go, baka pinagtutulungan na ng mga apo ko ang Papa mo," biro niyang sabi kaya napatawa nalang ako.

We headed straight to the gazebo near the beach. Natanaw naming masayang nagkukulitan ang mga anak ko kasama si Papa. Nandoon na rin si Chloe, nag-aayus sa mga balloons at iba pang decorations.

The Gazebo is filled with air and space planes decors.

"Oh here comes my beautiful daughter-in-law. How are you, hija?" bati ni Papa sa akin. Nagmano naman ako sa kanya bago sumagot.

"I'm fine, Pa. Ikaw? Siguro naman hindi ka nagpapasaway kay Mama?" pabiro kong tugon narinig ko namang tumikhim si Mama na parang hindi sumasang-ayon sa akin.

"I'm a good husband, hija," mas napa-ubo naman si Mama kaya napatawa kaming dalawa.

"Behati! Nice to see you again!" Chloe greeted me. Lumapit siya sa akin at nag beso.

"Babe! Come here!" tawag niya sa isang lalaki na nakatayo malapit sa isang bench. Lumapit naman agad ang lalaki at ngumiti.

"Behati, this is Clint, my boyfriend. Babe, she's Behati, Peter's wife." pakilala ni Chloe. Masaya naman akong ngumiti knowing she finally found the right man for her.

"I've heard a lot about you and Peter. Madalas kayong i-kwento sa akin ni Chloe. Thank you for saving the Earth, Woman of Hope," ani Clint.

"I am no longer that name, Clint. That was me two years ago. But thank you for acknowledging though, and thank you for being here for Chloe. I am so happy for you, Chlo."

"Thank you Behati. So? Come on! Baka lumamig ang pagkain," aya niya kaya sabay sabay na kaming nagtungo sa Gazebo.

I immediately stopped when I saw the cake. Parang kumirot muli ang puso ko. It's so beautiful. It is a circular cake designed as the earth while an astronaut is standing on top of it holding three strands of roses.

My Peter.

"Ginger!" Sky excitingly yelled as he saw Ginger.

"Little Peter! Little Peter! I missed you!" tuwang tuwa na sagot naman niya.

Ginger have been so good towards me simula no'ng bumalik ako. Katulad ko, nagluksa rin siya sa pagkawala ng lalaking pinakahinahalagahan namin. She's just a robot, but she was also in grief.

"Beautiful set-up, Chloe. Thank you for doing this," sabi ko at humarap naman siya sa akin sabay ngiti.

"It's the least that I can do, Behati. At saka idea mo naman talaga 'to, eh. Have you forgotten?"


Matapos magdasal, sabay-sabay kaming kumanta ng happy birthday song. Agad namang nagpabuhat sa akin si Sky dahil gusto niya silang dalawa ng kuya Aaron niya ang mag blow ng cake.

"Make a wish for daddy!" sabi ko sa kanya habang buhat-buhat siya. Sabay naman silang pumikit ni Aaron at sabay hinipan ang candle.

"Are we late?" biglang may nagsalita kaya agad kaming napalingon. Kakarating lang nina Commander Mitts at Commander Jensen.

"Tito Gab! Tita Deborah!" sabay tumakbo sina Sky at Aaron palapit sa kanila.

"Just in time, Commanders," saad ko sabay tango sa kanilang dalawa.


Abala silang lahat sa pag-uusap usap sa loob ng Gazebo. I'm here near the seashore while holding my wineglass.

Napapabitaw nalang ako ng mabigat na hininga nang may eroplanong dumaan sa itaas. Napapikit ako at dinama ang simoy ng hangin. Kasabay naman nito ay ang pagpasok ng mga alaala namin ni Pedro. Mga masasayang alaala na habang buhay mananatili sa puso ko.

It still feels like it was just yesterday, baby. Alam kong nasa paligid ka lang, tinatanaw kami. I just want you to know that I love you so much. Walang nagbago, Pedro. Ikaw at ikaw pa rin. I promise, that will never change. As long as there's a star above, I'd stick with you. Hindi ako magsasawang tumingala sa kalangitan knowing that you are somewhere up there. I miss you so much. Happy birthday, baby.

"You seem like reminiscing." napadilat ako nang magsalita sa likod si Commander Jensen. He's also holding a wineglass.

"Araw-araw naman," sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya. Narinig ko ang mabigat na hininga niya sa gilid ko.

"Armstrong must be so happy right now, dahil kahit wala siya, nalalamangan niya pa rin ako sa swerte. He still is the sexiest astronaut in history." Napatawa ako sa sinabi niya.

"It's rare to hear you agreeing on his self-proclaiming compliments," tawa kong saad.

Sandali kaming napatahimik. Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa mapayapang karagatan. I can see some fishermen from here. Bigla ko tuloy naalala 'yung date namin ni Pedro noon dito kung saan naka bikini lang akong nagdrive ng private plane niya at naabutan namin ang mga kaibigan niyang mangingisda na gumagamit ng dinamita.

*heavy sigh* good old days.

"Behati, comeback at UASA," napalingon agad ako kay Jensen sa sinabi nito. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Hindi pa rin ba tayo tapos sa usaping 'yan, Dale?" sagot ko sa kanya. 

We've talked about it already. He's been convincing me to go back a couple of months ago pero parati ko lang sinasabi sa kanya na matagal ko nang sinukuan ang larangang iyan.

"My sons are my top priority now, Jensen. I have no reason to return in UASA," I added.

"You're completely wrong, Behati. I have the every reason for you to comeback. And it is definitely something you are dying to hear," he said with an assurance.

I looked at him in confusion. Parang may biglang kaba akong naramdaman. What's this feeling all about? Why do I feel like something good or bad will happen?

"What is it?" sagot ko sa kanya nang hindi inaalis ang mga mata.

"Something about him."

Taste Of Home (Taste of Sky Fanfiction) (✔️) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن