[47] Venice' Birthday Part 2

Comenzar desde el principio
                                    

Natawa ako tapos niyakap ko siya.

Siguro nga mahal niya ako na ayos lang sa kanya kahit hindi ko masuklian yung feelings niya, pero naawkward lang naman ako kasi alam kong hindi ko pa kayang ibalik.

“Sorry, Miks. Sorry.”

“Wag kang magsorry. Ang pinakaayaw ko ngayon ay ang maging pabigat sa nararamdaman mo. Alam kong marami ka ng pinagdadaanan.”

“Sorry kasi naiwasan kita. Hindi ko kasi alam kung paano ako makikisama sa’yo. Na kapag nagopen ako kay Enzo, baka masaktan ka. Dahil sa pagamin mo, lagi ko ng icoconsider ang feelings mo gets mo ba? Pakiramdam ko may magiiba. Natatakot ako na masaktan ka.”

“Ayos lang na masaktan ako, basta wag lang may magiba sa atin.”

“Ayun na nga ang problema, ayokong masaktan ka Miks kasi bestfriend kita.”

“Pero mas masasaktan ako kapag may nagbago sa atin dahil sa feelings ko. Mas masasaktan ako kapag umiwas ka kasi hindi mo kayang ibalik ang feelings ko. Mas in your face yun, Hope.”

Napatitig na lang ako sa kanya.

“Pero anong gagawin ko? Hindi na natin kayang bumalik sa dati.”

“Siguro. Kasi iba na ako, iba na ang tingin ko sa’yo. Pero… Ganoon pa rin naman ako. Hindi naman isang gabi o isang linggo o isang buwan lang mababago ko na ang ugali ko eh. Aasarin pa rin kita, nandito lang ako para sa’yo, minsan babalik ako sa dati kasi doon ako sanay. Ang nagbago lang naman yung pagtingin ko sa’yo eh… Na mahalaga ka na sa akin. Mas mahalaga kesa noon.”

Tinitigan niya ako, yung titig na alam mong lalaki na si Miks. Pero… Ito ang pinapangamba ko eh. Paanong may hindi magbabago?

“Pero… Paano ako magoopen sa’yo? Paano kita kukulitin na hindi iniisip kung napapaasa na ba kita? Miks—“

“Wag kang magoverthink. Unti unti lang, Hope. Sa ngayon… nalilito pa rin ako. Hindi pa rin ako sigurado sa feelings ko. Mahalaga ka sa akin, gusto ko nandiyan ka lang sa tabi ko, pero hindi kita pipilitin na mahalin ako. Kung nangangamba kang aasa ako, okay lang, kasi tanggap ko na na kailangan kong maghintay, o kung hindi mo talaga kaya magpaparaya ako. Okay lang sa akin. Basta, ang gusto ko lang talaga, wag kang iiwas sa akin. Wag kang lalayo, kasi malulungkot talaga ako.”

Wag maiilang? Wag lalayo? Siguro kaya ko naman. Siguro kung tungkol kay Enzo, hindi na lang ako magoopen sa kanya. Siguro nga, unti unting babalik din kami sa dati. Siguro nga dapat isa isa lang. Step by step lang.

Hinawakan bigla ni Miks ang mukha ko.

“Namiss kitang bakla ka.” Sinabi niya. Ginulo ko bigla ang buhok niya tapos nagkulitan kami.

Siguro nga… Unti unti, babalik din sa dati.

Buti na lang, buti na lang sumama ako sa trip na ‘to. At least okay na kami ni Miks.

Matapos naming magkulitan, bumalik na kami malapit sa barkada na kumakain naman at sinesetup na yung mga tents. Nagkanya kanya ng tents. Yung tent ko nasa tabi ni Chelsea at Venice.

Matapos kong ayusin ang tent ko bumalik ako sa table kung nasaan ang pagkain. Magkakasama kami lahat doon. Nagkekwentuhan. Parang nawala nga yung issue eh, kasi nagkekwentuhan lang kami, nagtatawanan, nagaasaran. Parang normal na barkada lang. Kaso napansin kong umalis si Enzo tapos naglakad at naupo malapit sa dagat. Ang peaceful tingnan ng likod niya, pati yung buhok niya na dinadala ng hangin.

Hindi ko mapigilang hindi tumingin, hindi ko mapigilang hindi masaktan. Iba pa rin talaga si Enzo. Special pa rin talaga siya. Kahit itago at ioff ko saglit ang feelings ko, babalik at babalik pa rin kapag nandiyan siya.

100 Steps To His Heart [Published Book]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora