Chapter 3

662 25 0
                                    

Malalaki ang hakbang ni Lynne papasok sa Morgan hospital. Maaga pa pero kailangan niyang maging prompt lalo na at may na schedule siyang Heart Bypass Surgery at 9:00 am. Hindi nya gustong mapressure, she needs to prepare herself nang hindi siya magpapanic. Yes Cardiology doctor siya, ngunit hindi pa din maiiwasang kabahan sa tuwing may surgery na gagawin ang team kahit pa sabihing magaling siyang doktor. Tao pa rin siya, hindi nya hawak ang buhay ng kapwa tao, there are risks taken. Ang pamilya ng pasyente ay umaasang madugtungan ang buhay ng mahal nila sa buhay sa pamamagitan ng operasyon. Wala siyang ibang masabi sa pamilya ng pasyente kundi ang higpitan ang pananalig sa Diyos. Diyos lang ang nakakaalam ng lahat, siya lang ang may hawak ng buhay ng tao.
Mabilis siyang lumiko sa pasilyo patungong opisina nang biglang.......

"Ay Sorry"

"I'm sorry"

Sabay nilang bigkas ng nakabungguan.

"I'm really sorry Miss, I am in a hurry, I need to go"

Sabi nito sa kanya at mabilis nang nakalayo sa kanya. Nagmamadali din naman siya, may kasalanann din siya, hindi naman sila nasaktan sa isa't isa. Hindi  ito tumingin man lang sa kanya, masyado yatang importante ang sadya nito dahil nagmamadali din ito. Pero ganun paman nagawa nya sulyapan ang mukha nito, hindi nya nga lang nakabisado dahil sa bilis ng pangyayari. Ngunit masasabi nyang gwapo ito at matangkad, matangkad siya sa height niyang 5'6" pero mas matangkad ito sa kanya nasa 6' siguro ito. Tall, hindi naman masyadong dark, and handsome. At isa pa, napakabango nito, so manly scent.  Napangiti siya't bahagyang nakaramdam ng kabog sa dibdib. Ano bayan?, parang nanenervious ako, para tuloy ako ang ooperahan ngayon sa puso sa halip na ang pasyente. Ipinagkibit balikat nya na lang yun, 'erase, erase, erase'. May mas mahalagang operasyon siyang gagawin kaysa kung ano pa man.

The teams of nurses, medical and surgical doctors are now in the operating room, geeting ready for the surgery. Lynne as the head of the team at siyang magcoconduct ng surgery with the aid of the other Surgeon assisting her. Nakakakaba, but she needs to perform well. She prayed for the success. She has to show bravery in facing this kind of situation para hindi din magpanic ang team. She positioned herself opposite to the male doctor facing her with the patient lying in between of them. They were all on mask. Natingnan nya ang male doctor na  kasama nya at parang bigla siyang kianabahan nang makita niyang nakatitig ito sa kanya, ang mga mata nito, he is seems familiar. No,  dahil lang to sa operasyon. Focus Lynne, focus. Saway nya sa sarili. Now, let the surgery begin.

"Check and prepare the IV line, Oral or IV sedative, Genereal Anesthesia, Breathing tube, Catheter placed in the bladder" Instruct nya sa team  na nakatalaga sa kani kanilang function at pinahahda nya lahat ng kakailanganin nila habang siyay inihanda nya din sarili sa dapat nyang mga gagawin, at dapat matapang siya sa pagharap nito.

"Everything is in place Doc"

Hudyat upang mag-uumpisa na sila. Umabot ng apat ar kalahating oras ang surgery at salamat sa Diyos naging matagumpay ito. Usually aabot ng 3-6 hours ang heart bypass surgery.

"Congratulations team, for the job well done."

Masaya ang team, at siya naman ay agad naghanda para lumabas at makausap ang pamilya ng pasyente para sa magandang balita. Labas ma siya ng operating room.

"Doc, kumusta po ang asawa ko?"

Bungad kaagad ng asawa ng pasyente nang makitang bumukas ang pinto ng OR at siya'y lumabas. Makikita sa mga mata nito ang matinding kaba't pag-aalala para sa asawa. Naroon din ang mga anak nito. Nakatayo at pawang hinihintay ang ang balitang manggaling sa kanya. Parang sa mga oras na iyon ay nasa kamay nya ang buhay ng kanila tatay. Ngumiti siya sa mga itoat ainasabing...

"Successful po ang surgery Mrs, matatag po ang mister nyo" ngiting sabi nya dito.

"Maraming salamat Doc" galak na sabi ng asawa ng pasyente at di napigilang lumapit sa kanya at yinakap siya.

"Mas magpasalamat po tayo sa itaas Mrs., dahil po sa kanya kaya naging successful po ang operasyon, at dahil din po may mga kasama po akong mahuhusay  sa loob ng operating room."

"Salamat pa rin Doc" sabi nito sa kanya.

"Oh sya po, the teams are now preparing the patient to transfer him at the Intensive Care Unit, manaatili po siya doon para mamonitor po natin ang kanyang puso, may mga nakakabit pa din pong aparatus sa kanya kagaya ng Pacing Wire to control his heart rate, Chest drainage tube, bladder catherter will remain in placed at breathing tube na maari na po nating tanggalin agad kapag may kakayahan na ang pasyenteng huminga ng siya na lamang. " mahaba nyang paliwanag sa pamilya ng pamilya ng pasyente.

"Ah, Doc gaano po kaya katagal recovery at kailan po pwedeng umuwi Si Tatay?" May pag aalalang tanong ng isa sa mga anak ng pasyente.

"Sa ngayon po manantili po muna ang Tatay nyo sa ICU, unconcious pa ito dahil sa ginawang procesure sa kanya. General anestehesia is used during the procedure so maari po siyang maging unconcious for several hours dahil na din saga gamot na ginamit sa kanyang katawan. After his recovery for the next 3-4 days, pwede nang unti unting  tanggalin ang  nakakabit sa kanyang katawan and maybe in the 5th day maari nang madischarge ang tatay nyo." Mahabang sagot nya
Na ikinatango naman ng anak ng pasyente.

"Sige po, maiwan ko na muna kayo at mayron pa po akong next patient na efollow-up. God bless po sa inyo". At humakbang na siya palayo sa mga ito.

Samantala, hindi nya napansin na may kanina pa palang nakikinig sa conversation nila ng pamilya ng pasyente at may paghangang sumibol para sa dalaga dabil  sa tatag at determinasyon na pinakita nito sa lahat. May ngiti itong humayo na rin patungong office nito nang makauwi at para makapagpahinga na din.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Keep your dreams alive. Understand to achieve anything requires faith and belief in yourself, vision, hard work, determination, and dedication. Remember all things are possible for those who believe.

Gail Devers

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello again,

Thank you for reading the first two chapters.
Here's the next chapter. Can I hear comments from you guys? Just anything good or bad.😀😀😏😏

Happy reading,

CSTORM

You are my Everything (COMPLETED)Where stories live. Discover now