Chapter 1

1K 20 1
                                    

"Hmmn, hmmmn, hmmmnnn, Ohhmm..... oh.. oh.. oh.. , hmmn. "

Paghahumming ni Lynne patungong kusina na sinasamahan pa ng pasipol sipol, kimbot at indak ng katawan. Kung anong kanta yun, hindi nya alam, basta kanta. Masaya siya araw na ito. Active na active ang mga nerve cells niya. Kagagaling nya lang magjogging. Nakaugalian na nyang mag excercise every morning. 4:30 pa lang ng madaling araw gising na siya para sa nakaugaliang pagtakbo. Kung bakit siya masaya?, unang araw nya sa hospital na kanyang pagtatrabahuhan ngayon. Kakapasa nya lang ng board exam sa larangang mediko. Surgeon siya at pinalad na matanggap agad sa Morgan Hospital. Ang hospital na sikat at isa sa mga nangungunang hospital sa buong bansa. Nakatapagtapos siyang nagsisikap, may karangalan sa eskwelahan, eskolar ng bayan at pinagmalaki ng magulang. Ang mga magulang nya ang gintong kayamanan nya. Hindi sila mayaman pero ika nga pag may tyaga may nilaga. May pangarap siya, kaya habang nag aaral ng medisina ay dumidiskarte siya sa buhay para makatulong na din sa magulang. Simple lang siya, walang arte sa katawan, pero hindi maikakaila ang angking kagandahan, sabi nga ng mga kaibigan niyang si Lie para daw siyang may lahing foreigner pero pinagkibit balikat nya lang. Doktorang ganap na siya sa wakas. Napangiti siya sa sarili, parang kahapon lang kung iisipin. Naisip niya ang hirap at pagtiis ng kanyang magulang para matulungan siya sa gastusin sa kolehiyo. Siya, si Lynne Love Diano, 25 years old, licensed Doctor of the heart, licensed number 14****

"Bulaga!!!!!!!"

"Ay kabayo!, Lie naman bakit ka ba nangugulat?"
Napasimangot siya sa matalik na kaibigan. Muntik nang lumipad ang sipa nya sa kaibigan. Ganyan siya pag nagulat, naninipa, parang kabayo lang din.

"Anong ba kasing iniisip mo best, kanina pa kita kinakalabit, di ka man lang natinag" natatawang sagot ng kaibigan.

"Wala. Masaya lang ako....."

" Best friennnnnndddddd!!!!!......arayyyyy!!!!"

"Isa pa Lie, at kakalimutan kong tao ka", aniya na nagulat na naman siya sa tili nito. Di niya tuloy napigiling batukan. Hindi naman malakas, katamtaman lang, yung tipong mapapaaray ka lang.

"Oo na, Oo na, pero best, masaya ako para sayo, Congratulations Doctor Lynne Love Diano".
Anitong nagseryoso na at may ngiting yinakap siya.

"Salamat best,"
Aniyang yinakap pabalik ang kaibigan. Ito ang bukod tanging kaibigan na karamay niya sa lahat ng racket habang nag aaral sila. Sabay silang nag-aral, at pareho din sila ng larangan pinasok, ang medisina, at pareho din ng specialization. Sabay din silang nagboard exam at pumasa, yun nga lang wala pa itong balak magtrabaho, nag eenjoy pa ito sa kasalukuyang trabaho.

"CONGRATULATIONS!!!!!!" Bungad ng magulang sa kanila.

"Nay, Tay, salamat!, maraming salamat sa inyo". Si Nanay at si Tatay, masaya sila para sa akin.

"Anak, proud na proud kami sa iyo" si Tatay.

"Oh Nay, Tay group hug!!!!" Niyakap niya ang mga ito.

"Oi, pasali ako." Si bestfriend na nakikigroup hug na din di pa man naanyayahan.

"Anak, pwede mo na kaming bigyan ng apo.... "

"Tay naman, .. " san sala nya kaagad

"Oh bakit, nasa edad ka naman anak," nangingiting sabi ni Tatay.

"Ehhhh, nay si itay oh", . Reklamo nya sa nanay niya.

"Hayaan mo na anak, eh ako din naman, gusto ko na ding magka apo, aba eh matatanda na kami" napakamot na lang siya sa ulo, nagkakakuto yata siya bigla sa pinagsasabi ng magulang nya.

"Best?...," napalingon siya sa kaibigan. Titig na titig sa kanya. " Ako din,... gusto ko nang magka ap...."

"Ikaw na babae ka", hinila nya ang buhok nito "Abnormal ka talaga, ano gusto mo ding magkaapo?" Pinandilatan niya ang kaibigan.

"Aray, best. Ang sadista mo," reklamo nito. Pero kinikiliti siya, kaya namay ginantihan nya din ito, di pa nakuntinto naghabulan pa silang parang mga bata, ang mga magulang naman niya ay nakuntento na lang silang pagmasdan ng kaibigan. Na tila sila hindi mga propesyonal na mga doctor sa estado. Ganyan sila, walang prope-propesyon, mahalaga ang relasyon sa kahit ano pa man.

"Best, may ipakilala ako sayo" biglang sambit ni Lie sa kanya.

"Tigilan mo ako Rine Lie Winters, di ako interesado"
Tumigil na siya, "Nay, Tay, maghahanda na ako, at ikaw Lie, hintayin mo ako sabay na tayong umalis"

Maaga pa naman. 5:45 pa lang sa oras niya. Unang araw ng trabaho niya bilang doctor. Nakaramdam siya ng kaba, pero normal lang naman yan basta una. Nakapagtraining na din siya. Naisip niya ang magulang,

"Hayaan mo na anak, eh ako din naman, gusto ko na ding magka apo, aba eh matatanda na kami"

Si Nanay at Tatay talaga. Hindi nya pa yun naisip. May mga manliligaw naman siya pero wala pang tibok sa puso nya. Bata pa naman siya. May iba siyang priorities. Kibit balikat siyang nagpunta sa banyo at naligo na para sa trabaho.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

No matter what has happened to you in the past or what is going on in your life right now, it has no power to keep you from having an amazingly good future if you will walk by faith in God. God loves you! He wants you to live with victory over sin so you can possess His promises for your life today!

Joyce Meyer
~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello,

1 chapter down. Sana nagustuhan nyo.

Maraming salamat.

Cstorm

You are my Everything (COMPLETED)Where stories live. Discover now