"Ayoko na! Nahihiya tuloy ako kay Ginny!" Ani ko at umayos ako ng upo.

"Eh! Sige na please?" Pagmamaktol niya.

"Mamaya na lang okay? Matutulog muna ako at inaantok pa ako." Wika ko at kaagad akong humiga sa sofa at ginawa kong unan ang kaniyang hita.

Nasaan ako? Sa pagkakaalam ko ay natutulog lang ako ah? Ahm.

Pagkurap ko ng aking mga mata, bigla na lamang akong napunta sa isang Construction Site na walang tao ni isa. Nakasalansan lang sa sahig ang mga gamit. Ano ibig sabihin nito?

Naglibot-libot ako, luma na ito at mukhang matagal ng nahinto ang paggawa ng mga trabahador. Nag-ikot-ikot pa ako at sa may likurang parte nito ay may sapa.

Ang linis ng tibig, napakalinaw! Ang mukhang hindi ito nagagamit ng sinuman kaya napagpasyahan kong isawsaw dito ang aking kamay. Naghilamos na rin ako.

"Ang linis talaga ng tubig! Parang pwede na itong inumin." Ani ko sa aking sarili. Isinawsaw kong muli ang aking kamay sa tubig habang ako'y nananalamin dito.

"Ang ganda ko pala kapag hindi nakasalamin." Wika ko. Pagbalik ko ng tingin sa tubig, biglang nawala ang aking repleksyon sa tubig.

"Huh? Anong nangyari?" Wika ko at biglang lumabas dito ang pigura ng isang babaeng nakaitim na akmang sasakalin ako.

"Ahh!" Sigaw ko ng bigla niya akong sunggaban at sinakal. Puro poot, at hinanakit ang aurang bumabalot sa kaniya. Halos mawalan na ako ng pag-asa dahil hindi na ako halos makahinga pero bigla lumitak ang babaeng nakaputi at hinila ang kamay ng babaeng nakaitim kaya napabitaw ito sa pagkakasakal sa akin.

"Ehem ehem!" Ubo ko matapos matanggal ang pagkakasakal ng babaeng nakaitim sa aking leeg. Pagtingin ko sa paligid, wala na sila.

Pagkagising ko, pawis na pawis ako, yung pawis ba na malagkit. Namumuo pa iyon sa aking noo.

"Are you okay Niks?" Tanong ni Jerome habang hinahagod ang aking likuran. Napayakap na lamang ako sa kaniya sa sobrang takot.

Kinagabihan, pasado alas-sais ay nagkita kami ni Jerome sa may kusina.

"Ano tara na?" Wika niya habang may bitbit-bitbit na basket na para bang magpipiknik kami.

"At para saan naman iyan?" Tanong ko habang nakaturo sa bitbit niya.

"Let say na parang magkacamping tayong dalawa. Let's go!" Yaya niya agad at hinila ako. Hindi niya man lang ako hinayaang magsalita.

Nabighani ako sa ganda ng lugar na pinagdalhan niya sa akin. Pwede ng romantic style. Simple lang naman yung lugar eh. May tent sa gitna nitong kagubatan habang pinapalibutan ng roses ang tent at nagsindi lang siya ng bonfire. Talagang na-appreciate ko ang effort niya mapasaya lang ako.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong niya sabay punas nito gamit ang kaniyang kamay. Hindi ko napansin na nadala pala ako ng emosyon ko. Tears of joy!

"Wala ito, tears of joy lang. Kasi, ngayon ko lang naramdaman na pinapahalagahan ako ng isang lalaki at iyon ay ang mahal ko pa." Wika ko sabay yakap sa kaniya. "Thank you for this." Bulong ko sa tainga niya.

"Walang anuman. Basta para sa babaeng mahal ko. I Love You!" Wika niya sabay kalas sa aking yakap.

"I Love You too! The best boyfrind ever!" Wika ko at hinalikan ko siya bigla sa kaniyang labi as a gift of thankfulness sa pagmamahal na inilaan niya para sa akin.

Pagkatapos ng mainit naming halikan, pumasok na kami sa loob ng tent at nagkwentuhan. Syemore, mas timindi ang pagiging chessy ni Jerome haha!

Matagal din kaming nagkwentuhan at kumain. May gusto ko sa lahat ng ginawa namin ay ang pag-iihaw ng marshmallows sa bonfire. Ang sarap pala nun, parang icing na kumakapit sa aking bibig, ang pinagkaiba lang ay mainit ito kumpara sa orihinal. Malamang, niluto kasi sa apoy haha!

Napagpasyahan naming pumasok muna sa loob ng tent para magpahingan. Maya-maya pa, nakarinig kami ng kaluskos at yabag ng mga paa na papalapit sa amin. Nakita namin na mayroong anino sa labas ng tent sa tulong ng bonfire kaya lumabas kami.

"Uy, ano ginagawa mo rito?" Tanong ni Jerome habang ako'y nasa likuran niya.

"Wala lang, gusto ko lang kayong i-check kung tulog na kayo para maisagawa ko na ang plano ko kaso gising pa kayo eh." Wika niya habang siya'y nakangiti. Kinilabutan ako bigla sa kaniyang tinuran kaya ipinagsiksikan ko ang sarili ko sa may likuran ni Jerome.

"Sabi na nga ba ikaw ang killer eh!" Ani ko.

"Lubayan mo na nga kami at yung iba! Itigil mo na iyang kahibangan mo!" Sigaw ni Jerome.

"Sorry pero I can't! Time to die!" Aniya sabay hugot ng bagay sa likuran niya. Isang pabango! Inispray niya ito sa mukha ni Jerome at kaagad na nawalan ng malay. Hindi ito pabango talaga dahil isa itong pampatulog!

"Jerome gising!" Sigaw ko habang niyuyugyog ang katawan ni Jerome na bumagsak sa lupa.

"Unahin na kaya kita?" Aniya at unti-unti siyang lumapit sa akin. Pagdating niya sa harapan ko, bigla niya ako sinampal ng malakas.

"Para iyan sa pagiging selfish mo noong kinakailangan ko ang tulong mo." Wika niya. Namanhid ang aking kanang pisngi sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"See you in hell!" Wika niya at inispray din niya sa akin ang pampatulog at nawalan na rin ako ng malay at tuluyang lumupaypay sa sahig.

-----

E/N: salamat po sa patuloy niyo pagbabasa! Hindi ko na po kayo maiisa-isa, lalong-lalo na sa mga nagcocomment and vote! I highly appreciate it.

Nga pala, may new story ako Horror din, entitled LIMBAG sana magustuhan niyo rin! Hehe! Thanks sa lahat!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon