"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Do it now!" Malakas nitong hinampas ang mesa nito na pareho naming ikinapitlag ni Patty.

Patty looked at me and pouted "I'm sorry" before he go out from Jastin's office.

Tinignan ko naman si Jastin na hinihilot ang batok nito. Bakit ba ang init-init ng ulo nito? Daig pa nito ang may monthly period.

"What are you looking for?" Hindi ko namalayang nakatingin na pala ito sa akin.

Napakurap ako.

"Natural, may mata ako." Mahinang sambit ko.

"What?" Kunot ang noong tanong nito.

"Wala." Tugon ko at ngumiti.

Sandali itong tumitig sa akin. Partikular sa mga labi ko at ilang sandali lang ay tumikhim ito na tila ba natauhan sa ginagawa nito.

Pahagis nitong binigay ang paper bag sa akin na kaagad ko namang sinalo.

"Wear that. Ihahatid na kita." Anito at umupo sa swivel chair nito.

Nag-aalangang pumasok ako sa banyo ng office nito. Mabilis akong nagbihis at inayos ang sarili. Kaagad din akong lumabas at naabutan ko si Jastin na nakatingala sa kisame. Tila malalim ang iniisip nito.

Tumingin ito sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. May nakita akong emosyon sa mukha nito na hindi ko kayang pangalanan.

Mabilis na nag iba ang emosyon nito. Naging seryoso iyon. Tumayo ito.

"Let's go." Anito at naunang naglakad papalabas ng opisina nito.

Sumunod ako. At habang nasa elevator kami ay tila ingat na ingat ito na huwag mapadikit sa akin. Sa inaakto nito ay parang may nakakahawa akong sakit.

Lihim na lang akong napabuntong-hininga. Ang nangyari kanina sa opisina nito, hindi ba ito naapektuhan? Wala ba talaga akong epekto dito?

Halos makita na nito kanina ang buong katawan ko. Am I not sexy? Am I not attractive?

Muli ay pumasok sa isip ko ang halikang pinagsaluhan namin. Ang kamay nitong dinama ang pagkababae ko. At sa isiping iyon ay nag-init ang pakiramdam ko. At sa pagkabigla ko ay namuntawi ang mahinang ungol mula sa bibig ko.

Jastin looked at me with his furrowed eyebrows.

"Did you just moaned?" He asked.

Mabilis akong umiling.

"O-Of course not." Mariing pagtanggi ko.

Damn! Bakit ba kasi umungol ako? Pakiramdam ko ay namumula ako ngayon sa mismong harapan nito! Nakakahiya!

Pareho kaming nagkatitigan ni Jastin. Muli ay nagtagal ang pagtitig nito sa mga labi ko at kapagkuwan ay napalunok ito.

Alam kong may kakaibang aura sa paligid naming dalawa. Sobrang init ng pakiramdam ko at ng buong paligid ko. Pareho pa kaming nagkaiwasan ng tingin.

Ilang sandali lang ay bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang napakaraming empleyado na naghihintay yata para makasakay.

Ibig sabihin ay ang para sa mga employees ang nasakyan naming elevator at hindi ang private elevator. Malayo pa ang floor namin dahil sa ground floor ang patungo namin ng binata.

Nag-aalangang tumingin ang mga empleyado sa amin lalo na nang mapatingin ang mga ito kay Jastin.

"Go ahead." Pagbibigay permiso nito sa mga empleyado.

Sapat na iyon para sabay-sabay na pumasok ang mga ito sa loob ng elevator na sinasakyan namin. At ang sunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Dahil naging siksikan ay naitulak ako ng mga ito.

Napadikit ako kay Jastin. Hindi lang basta napadikit. Dumampi ang labi ko sa mga labi nito!

Nanlaki ang mga mata ko at akmang aatras ako nang kinabig ako nito sa beywang dahilan para mas mapadikit ako sa katawan nito. And I felt something on my tummy!

Isa iyong matigas na bagay na tumutusok sa tiyan ko! Is that his...

"Don't move. Kung aatras ka, mas maiipit ka." He softly whispered against my lips.

Inilayo ko ang mukha ko dito para hindi magdikit ang mga labi namin pero hindi ko inasahan ang susunod na ginawa nito. Pinalalim nito ang halik! Hinuli nito ang dila ko at marahan nito iyong sinipsip.

What is he doing?!

Narinig ko ang pagtunog ng elevator. Hudyat iyon para bumukas kaya pareho kaming naghiwalay.

Nakalabas na ang lahat ng kasama namin pero ang tibok ng puso ko ay hindi basta-basta naaalis. Napakalakas niyon. Sobrang lakas at dahil iyon sa halik ni Jastin!

"W-Why did you do that?" Tanong ko at napahawak sa dibdib ko.

'Kalma please, heart.'

Pilit kong pinapakalma ang puso ko. Why did he have to kiss me like that? Aatakihin yata ako sa puso dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko.

Jastin just shrugged his shoulders.

"I told you not to move dahil maiipit ka." Parang balewalang tugon nito.

Akmang magsasalita pa ako nang bumukas ang elevator. Nasa ground floor na kami. Naunang lumabas si Jastin. Dumiretso kami sa parking lot at tinungo ang kotse nito.

Parang wala sa sariling dire-diretso akong naglakad hanggang sa mabunggo ako sa matigas na dibdib nito. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng kotse nito at tumigil na ito sa paglalakad.

"Sorry." Usal ko.

Walang imik na binuksan nito ang pinto ng kotse.

"Hop in." Seryosong utos nito.

Kaagad akong pumasok at tinignan lang ito habang patakbong umikot papuntang driver's seat. Pinagmasdan ko lang ito.

"Guwapong masungit." Mahinang bulong ko sa sarili.

Tuluyan itong pumuwesto sa driver's seat at habang nasa biyahe ay pareho kaming walang imik.

"Thank you pala sa-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang malakas na pagkalambog ng kotse na tila tumama iyon sa kung anong bagay.

Tila slow motion na nakita ko sa labas ang pagbangga ng isang kotse sa sasakyan namin. Naging slow motion ang lahat ng nasa paligid ko.

Ang huling nakita ko ay ang pagkabig ni Jastin sa ulo ko at ang mahigpit na pagyakap nito sa akin bago ako mawalan ng ulirat.

To be continued...

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now