"Gusto kita. I want all of you. At pag sinabi kong all, I mean lahat lahat."

Napailing si Daniel. "Alam mong hindi ko pwedeng ibigay sayo ang lahat."

"But you want me."

"Yes, I want you. I want to take you right here, right now. So now, bakit tayo nagkakaroon ng walang kwentang usapang ito?" Yumuko uli ito at hinalikan sya sa labi. Sinubukan nyang wag maapektuhan sa ginawa ng binata. Nagsimula na naming gumalaw ang mga kamay nito sa katawan nya.

"Sinabi ko na sayong I'm not having sex with you." Sabi nya sa binata kahit pa pakiramdam nya ay walang masyadong conviction ang pagkakasabi nya ng mga katagang iyon.

"Then, let's make love kung yan ang magpapatigil sayo sa pagsasabi ng kung ano anong nonsense na bagay. Let's do it and get it over and done with."

Ang heated passion na nararamdaman ni Kathryn kanina ay biglang naging mas malamig pa sa yelo. Galit sya. Galit na galit sya. How dare this man talk to her like that? Para itong nakikipagusap sa kung sinong bayarang babae. There is no way na papayagan nya itong tratuhin sya ng ganun. No fucking way.

Inipon nya lahat ng lakas nya at itinulak ito palayo. Isang luha ang tumulo mula sa mga mata nya at agad nya itong pinunasan. Halatang nagulat si Daniel sa ginawa nya.

"I'm sorry, but I don't make love just for the heck of it." Tumakbo na sya papalayo bago pa man nakagalaw ang binata. Walang tigil na tumutulo ang mga luha nya habang nasa loob sya ng elevator. Bakit ba nya minahal ang isang lalaking kaya ni Daniel? Bakit nya pinapabayaan saktan sya nito everytime? Kelan ba sya matututo? Kelan ba sya susuko? Gaano katinding sakit pa ba ang kailangan nyang danasin para magtigil na sya?

__________

Napatakbo si Kathryn papasok sa bahay nila nang makita nya ang sasakyan ni Daniel na nakaparada sa labas. Ang tanga nyang puso, na nagmamahal pa rin sa lalaking iyon, ay kumakalabog sa dibdib nya. Namiss nya ito. Halos isang linggo simula ng nangyari sa hotel room. Pinapalamig lang nya ang ulo nya pero hindi pa sya sumusuko. Binibigyan din nya si Daniel ng oras. Sa isip nya ay siguro namiss na din sya nito kaya't naroroon ito para dalawin sya.

Tinanong nya ang isa sa mga kasambahay nila kung nasaan si Daniel at sinabing nasa dining room ito. Agad syang tumakbo doon nang nakangiti. Excited na syang makita ang binata.

Naabutan nya ito sa dining room at umiinom ito ng wine kasama ang Mommy nya. Mukhang kakatapos lang nilang maghapunan. Nawala ang ngiti nya nang makitang hindi lang ang Mommy nya at si Daniel ang naroroon. Andun din si Jasmine.

Anong ginagawa nito doon?

Ngumiti naman sa kanya si Jasmine. It was an evil smile. "Hi, Kathryn. I missed you."

Napairap sya dito. "Hindi kita namiss. Anong ginagawa mo dito?"

"Andito kami para kay Tita Min at hindi para sayo. Gusto kasi naming ipaalam sa kanya ang tungkol sa wedding naming two months from now."

Natigilan sya. "W-wedding?"

"Yes, naisip kasi naming it's about time to settle down. Hindi na kami bumabata."

Parang nahirapan syang lumunok sa narinig. Pakiramdam nya ay sinaksak sya ng ilang kutsilyo sa dibdib. Magpapakasal na si Daniel. Hindi nya akalaing ganito ito kasakit. Mas kaya pa ata nyang masaksak talaga kesa sa mga naririnig nya. Hindi pwedeng magpakasal si Daniel sa mortal enemy nya. Hindi pwede.

Sinubukan nyang hulihin ang tingin ni Daniel pero umiiwas ito.

"You look surprised, hija." Sabi ng Mommy nya. "Alam mo naman na noon pa lang sila na talaga ang magkakatuluyan. Wala naming nakakagulat doon. Mahal nila ang isa't isa."

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now