Everyday, I Love Her

194 40 11
                                    


"Good mornig girls!"

Napagiti ko sa masiglang bati ni Kane nang makalapit siya sa amin sina May at Abby.

"Nag-brekafast na kayo? I have muffins!" sabi niya pa bago kami inabutan ng muffin na sigurado akong siya ang nag-bake. Bukod kasi sa pagdo-drawing ay hobby niya rin ang mag-bake. At dahil ako ang kahuli-hulihang aabutan niya ng muffin, feeling ko ay binigyan niya pa ako ng extra special smile. Ngiti na araw-araw ay bumubuo ng umaga ko bago magsimula ang klase. "And this is for you, Xia."

3rd year highschool nang magsimula ang barkada namin nina Kane, Abby at May. Naging close lang sa isa't-isa nang magkasama-sama kaming apat para sa isang group project. Bubuo kami ng isang mini drama na tungkol sa pamilya. Gumanap si Abby bilang nanay nina Kane at May. Ako naman ay gumanap na lesbian na girlfriend ni Kane. May isang buwan din naming binuo ang concept ng mini drama na iyon. At sa loob ng isang buwan ay mabilis kaming naging malapit sa isa't-isa. Lalo na kay Kane. Sa kanilang tatlo kasi ay si Kane ang pinakamaasikaso at malambing sa lahat. Palagi siyang may dalang pagkain para sa aming tatlo, kapag ginagabi kami sa pagpa-practice ay lagi siyang nagte-text at nagtatanong kung safe ba kaming nakauwi, madalas din siyang nakatabi sa akin kapag P.E. namin at pinupunasan ang pawis namin sa noo o pinopobolhan kami sa likod.

At ng araw ng mini drama namin ay ang araw din na nagsimula akong ma-confuse sa kakaibang nararamdaman ko para kay Kane. Nagsimula akong ma-confuse sa sarili ko. Ayoko nang magpahaba ng buhok, ayoko nang magsuot ng mga bestida, mas komportable na ako sa pantalon, short o t-shirt at hindi na rin ako nakaka-crush sa mga gwapo naming kaklase. Ang pinaka-weird na naramdaman kong pagbabago sa sarili ko, ay ang pagtingin at paghanga sa magagandang babae. Lalo na kay Kane.

Iyon ang mga pagbabago at confusion ko sa sarili ko na hindi ko pinahalata kanino man sa barkada. Tinago ko 'yon hanggang sa makarating kami ng senior high. Mahirap... Sobrang hirap kasi feeling ko araw-araw akong nagpapanggap at nagde-deny lalo na sa sarili ko. Araw-araw kong kinakausap ang sarili habang nakaharap sa salamin...

"Xia, babae ka... babae ka at babae ka!"

Pero sa tuwing makikita ko si Kane, natatawa na lang ako sa sarili ko. Pinakamahirap talagang lokohin sa lahat ay ang sarili mo.

"Uy!"

Napapitlag ako sa biglang pagtapik sa akin ni Kane. Lumunok ako ng laway nang mapagtanto kong wala ng isang dangkal ang layo ng mukha naming mula sa isa't-isa. At kung may ilang minuto na akong nakatitig sa kanya ay hindi ko alam.

"Gandang-ganda ka na naman sa akin," nakangiti pang sabi ni Kane.

"Sobra," halos pabulong na sagot ko.

Kumunot ang noo ni Kane sa salitang tila kusang lumabas sa bibig ko.

"Sobrang kapal ng mukha mo Kane!" kunwa'y natatawang bawi ko bago pinisil ang matambok niyang pisngi.

"Mas makapal mukha mo 'no!" sagot naman ni Kane na gumanti ng pisil sa mga pisngi ko.

Hawak ko ang mga pisngi niya at hawak niya ang mga pisngi ko habang magkatitigan ang mga mata namin. Ang sarap sa pakiramdam kahit medyo humihigpit na ang pagpisil niya sa pisngi ko.

"Naku kayong dalawa talaga, hindi na kami magtataka ni May kapag nagka-tomboyan kayo!" sabi ni Abby na halos paubos na ang hawak na muffin.

Kasabay ng pagbitaw ni Kane sa pisngi ko ay ang pagbitaw ko rin sa mga pisngi niya.

"If I know, matagal nang na-tomboy sa akin 'yan si Xia 'no!" nakangiting sabi niKane habang tinitingnan sa hawak na salamin ang sariling mga pisngi. "Ang pula ng pisngi ko tuloy, kainis ka talaga Xia!"

Kaleidoscope: Shades of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon