"You look... amazing." sabi ni Kean nang magkaharap na kami.

Kahit hindi ko gusto ay naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. "Salamat." Tumikhim ako at hindi makatingin sa mga mata nito. "Tara?"

Iginiya na niya ako palabas ng bahay at nakarating kami sa kotse. Pinagbuksan kami ng pinto ng bodyguard nya. Ngumiti ako ditto pero poker face lang ang emosyong binigay nito sa akin.

"Suplado naman ng bodyguard mo." puna ko nang nasa loob na kami ng backseat.

"Si Jules?" he chuckled. "He got trust issues. He barely trust that I can keep myself safe. Don't mind him."

Pumasok na din ang bodyguard nito sa kotse katabi ng driver. Jules pala ang pangalan nito.

"Huwag ka masyadong lalayo sa akin kapag nakarating na tayo sa bahay ni Don Cardinal." nilingon ko si Kean na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Pinaglalaruan nito ang singsing na nasa daliri nito.

"Magmumukha lang akong aso na buntot ng buntot sa iyo." himutok ko. "Pwede naman siguro na kay Ama ako lumapit at sumama pagkarating doon diba?"

"Fine. Sa akin at sa Dad mo lang pwedeng sumama."

Agad nag-init ang ulo ko. Hindi ako sanay na kinakadena ni Ama, and he won't make any difference. Nakakainis na parang para dito ay hawak na hawak ako nito sa kanyang kamay.

"I didn't agree to be your plus one kung ituturing mo lang din naman akong preso kahit nasa party na iyon."

Nakatingin man ako sa unahan ay nakita ko ang biglang paglingon niya sa akin. I heard him hissed kaya napalingon ako dito.

"Exactly. You are my plus one. So you stick with me. I don't want my associates to think my plus one is some slut who'll be with anybody--"

Hindi nito tinapos ang sinasabi at huminga na lang ng malalim. "Just stick with me or your father." sabi na lang nito.

Naramdaman kong kumirot ang puso ko sa salitang binitawan niya. Ain't I his bitch already?

Nakarating kami sa party. Malaki ang bahay na iyon tila isang mansyon na. Halatang mayaman ang may-ari ng bahay na iyon.

Bumaba na si Keannu sa sasakyan at inilahad nito ang kamay nito para alalayan ako sa pagbaba. Tinanggap ko iyon at agad naman niyang inilagay sa siko niya ang kamay ko. May mga kumukuha ng litrato.

I didn't know who this Don Cardinal is pero mukhang open sa media ang birthday celebration nito. Hindi kasi ako active sa pagpapalakad ng business namin before kaya hindi ako gaano nakakasalamuha sa mga businessman.

Sa bulwagan ay kitang kita ko na ang matandang nakaupo sa unahan kung saan sa gilid nito ay ang mga bodyguards nito at ang esposo nito.

Nakita ko rin ang buffet kung saan may nakalagay na malaking 70 na dinideklara ang edad ng ginoo. Seven Decades. Para sa isang nasa business world, bibihira na ang makarating sa ganitong edad. Siguro ay maaga itong nagretiro. Maybe one of his offspring early took over their company.

Lumapit kami doon sa Don at may inabot si Keannu na maliit na kahon. A birthday gift.

"The Navarro's and their courtesy." The old man chuckled and handed Kean's gift to his bodyguard. "Thank you, hijo."

"Happy Birthday, Don Cardinal." bati ni Keannu dito at sinilayan ito ng maliit na ngiti.

Bahagya naman akong yumuko at bumati din, "Happy Birthday po." ani ko.

Nakangiti lang ang matanda all while. Ang mga mata nito ay nakangiti din.

"You're with someone, hijo. What a beautiful young lady.." sabi nito at mahinang tumawa. Like he is really amused. I felt like a clown for a moment hanggang sa marealize ko na maaaring ang kinatutuwaan niya ay ang pagsasama ni Keannu ng babae sa isang party.

Pumulupot ang braso ni Kean sa aking baywang at hinila ako palapit sa kanya. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa kanyang ginawa pero pinilit kong panatilihin ang ngiti sa aking mga labi.

"This is Nadynn Niell Guevarra. Nadynn, Don Cardinal. He owns the most famous airline in Asia."

Most famous? The Asian Blues?

"Asian Blues?" I guessed.

"Wow. What a clever girl. Guevarra? Are you related with my old friend, Neil Guevarra?" tanong nito.

I chuckled from his compliment. "He's my father po."

"Wow. A clever and prideful family. I must say, hija, that your father did a great job para maitaguyod muli ang negosyo. He did not bother to accept my help back then. Really prideful."

Ngumiti na lang ako sa sinabi ng matanda.

And yet I'm pawned to this devil beside me.

Umalis na din kami sa harap ng matanda pagkatapos noon at sinabihan kami nito na kumain. I'm still full and I'm sure Kean do too kaya nang may tumawag kay Kean na sa tingin ko ay isang businessman ay hinayaan ko na itong makipag-usap dito.

"I'm going to find Dad." sabi ko habang may kausap siya.

"Excuse me." sabi nito sa kausap. "Let me come with you." sabi nito na agad kong inilingan.

"No. It's okay." sabi ko at nginitian ang kausap nito bago tumalikod.

Ama...Ama.. Nasaan kaya ito?

Sa di kalayuan ay nakita ko ang isa sa kaibigan ni Papa sa Engineering Business at nakita ko rito si Ama na mayasang nakikipagtawanan sa mga kaibigan kaya napangiti ako.

Talagang hindi niya na ako inaalala ha. Inihabilin na talaga ako sa kamay ng Keannu na ito, angil ko sa isipan.

Naglakad ako palapit dito ngunit may kalayuan ito kaya kung kani-kanino pa ako nag e -excuse dahil sa dami ng tao.

"Nadynn?"

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ng isang baritonong boses na tumawag sa pangalan ko. I looked around and found him!

"Joseph!"

_______________________________________

Vote tayo and Comment!

Pakiramdam ko, malalagot nito si Nadynn Niell!

Want You To Want Me (TFHNM)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن