Twenty Eight

122 2 0
                                    

Twenty Eight


Hawak hawak ako ni Keannu papasok sa loob ng kanyang Bahay. Sa pangalawang pagkakataon ay nakarating ako sa Bahay niya pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na ma-appreciate ang interior design ng Bahay nito dahil sa pinaghalo-halong emosyon.


"Ano ba! Dahan-dahan naman Keannu! Nakaheels ako ha!" naiirita na ako. Wala na nga akong nagawa noong pinagpaalam niya ako, hindi pa niya ako hinayaan na doon kina Ronna matulog! Tapos ngayon, ganito? Kinakaladkad?!


Nilingon ako nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakatight dress ako na nude pink at matching heels na nude pink pero darker shade. Napansin ko ang pagkakastuck ng mata nito sa aking dibdib kaya agad kong ini-ekis ang braso ko roon.


"Ahh!" napatili ako! Binuhat niya kasi ako at inilagay sa balikat niya na parang sako! Ang pwetan ko ay nasa balikat niya at ang ulo ko ay nakabaliktad! "Ano ba! Ano bang ginagawa mo! Ahhh! Tulungan nyo ko!"


Para akong tanga para magsisigaw at humingi ng tulong sa teritoryo niya. Sino nga naman ang tutulong sakin don? Syempre lahat nakapabor sa amo nilang si Keannu dahil ito naman nagpapasahod sa kanila.


Tumawa ito na parang aliw na aliw sa ginagawa at pinalo pa nito ng isang beses ang katambukan ng pwet ko!


Nanlaki ang mata ko at lalong sumigaw. "Ahhhhhhh! Bitawan mo ako!!!" Naiirita ako Lalo dahil sa wala akong lakas at magawa para makabawi man lang o mapigilan siya sa pangtitrip sa akin!


Napansin ko na umakyat kami ng hagdanan at lumiko pakanan. Sinipa nito ang nakahalf open na pinto at pasipa din na isinarado iyon.


Nasa kwarto niya kami. Hindi ko makakalimutan ang kwartong iyon! Doon nya ako unang dinala noon at ditto din kami unang beses nagkita. Biglang nagflashback sa isip ko ang katawan ni Keannu. That hot body is to die for at nakakapanlaway talaga.


Kung wala lang kami sa gantong sitwasyon malamang ay hindi na ako makakapagpigil pa dahil ang hormones ko ay nagwawala everytime na kasama siya. Hanggang ngayon..


Daig ko pa ang magaang bagay at basta na lang akong iniitsa ni Kean sa kama. "Aray! Dahan dahan naman! Masakit ha!" reklamo ko dahil para akong bola na tumalbog pa sa kama at halos maalog ang utak ko dahil doon.


"Stay there. Or else..." hindi na nito tinapos ang babala at nagsimula na lang tanggalin ang jacket na suot. Nakasuot kasi ito ng itim na Armani Jacket, plain white V-neck T-shirt ang nasa panloob nito.


Kitang kita ko ang pag flex ng braso nito nang inihagis nito ang jacket sa sofa sa kwarto nito. Kahit galit at nakakunot ang noo ko ay hindi ko naiwasang pagmasdan ang katawan ni Keannu. How come that he have his shirt on but I can see his everything? Daig ko pa ang may scanner ang mata kasi nakikita ko ang katawan niya.

I mean, his body is sculptured. His muscles are on perfect places na hindi ko masabi kung nag-g-gym ba ito o normal nang batak ang katawan. He is not too bulky but his muscles are screaming of masculinity. He is very manly.


I can perfectly see his sculptured chest. Tila ba masarap palakarin ang mga daliri sa dibdib niyang iyon at mas nakakaakit pa ang nipples niya na bumabakat sa damit niya. Naramdaman ko ang pag iinit ng katawan ko habang tinitignan ang katawan niya na mukhang nilikha ng professional na painter.

Want You To Want Me (TFHNM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon