Eighteen

602 13 0
                                    

Nang maisipan ko na isuko ang aking asdfghjkl sa kahit kanno except for Kean ay naalala kong puntahan ang kaibigan ko.

"Ronna!" Tawag ko kay Ronna nang saktong makita ko siya sa labas ng bahay nila at kabababa lang ng sasakyan nito. Dali Dali kong ipinark ang kotse ko di kalayuan sa likod ng kotse niya at bumaba roon.

"Dy! Wazzup?!" pabirong nag ala gangster gesture pa ito ng kamay pero binaliwala ko iyon.

"Sumama ka sa akin!" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. I was about to drag her inside my car nang maalala ko na hindi maaaring wala siyang dalang sasakyan. "Ah! Convoy! Magdala ka ng kotse! Bilis!" Itinulak ko uli siya palayo sa aking kotse.

"Ha? Bakit? Dyan na lang sa kotse m--"

"No! Bilis! Dali!"sabi ko uli at patuloy siyang itinutulak.

Bawal na kargo kargo ko siya hanggang mamaya. Kapag nakakita ako ng lalaking pagsusukuan ko ng aking bataan ay hindi naman pepwede na kasama pa rin siya! Duh as in D-U-H!

"Ang damot naman!" sabi nito at nakangusong binuksan ang sariling sasakyan. "Saan ba tayo?" tanong nito at ini-insert ang susi sa kotse nito. "Gabing gabi oh. Istorbo. Galing akong trabaho!" sabi nito at nai-start na ang kotseng ito.

"Sorry. Basta. Sundan mo lang ang sasakyan ko. Sige!" At tatakbong pumunta ako sa sasakyan ko. Si Ronna ang magaling sa ganito. Diko alam. Kinakabahan ako. Kanino ko ibibigay? Ibibigay ko? Sure ba ako? Bahala na! Putsa. Bahala na sadya!

Pumasok ako sa kotse ko at dali daling ini-start at minaobra ito. Damn. Saang Bar?

***

Naisipan kong itigil ang sasakyan ko sa labas ng The Red. Tutal mawawala ang virginity ko kaya magkukulay pula ang --- WTF. Okay, wala akong sinasabi basta dito lang ako tumigil dahil maraming sasakyan sa labas. Oo yun! Koneksyon? Wala! Walang konek! Trip ko lang gawing alibi.

Humarap ako sa rear view at minasdan ang sarili ko. Okay pa ang buhok ko. Buhay pa naman ang curly ends nito at hindi pa messy. Or should I make it messy? Para mas magmukha akong wild? Ano? Paano ba kasi ang get up kapag magpapamanyak ka sa iba?

Daaaamn. Hindi ko ata kaya ito.

Kinuha ko ang ready kit na make up ko. Nandito lang ito sa mini box sa loob ng kotse ko. Lahat ng kotse sa bahay, meron. In case of emergency.

Kinuha ko ang dark lipstick ko na medyo nagbablack na sa sobrang kapulahan. I retouched using foundation at naglagay ng tamang blush on kahit normal na naman na mapinkish ang pisngi ko. Okay! Teka! Eyeshadow!

Kinuha ko ang dark brown at black eyeshadow na naroon at gumawa na ng magic. Pinili kong gawing dark at ibahin ang korte ng mata ko para hindi ako mukhang si Nadynn Gueverra. I should look different. Kaya to!

"Shit!" Napapitlag ako sa katok ni Ronna sa bintana ng kotse ko. Napahawak pa ako sa aking dibdib at sinilayan pa sa huling pagkakataon ang aking sarili bago lumabas ng kotse.

"Bakit ang tagal mo? Wow! Transformation? Anong meron?" sabi nito at nakataas ang kilay na minasdan ang pagmumukha ko.

"Anong meron?" Humarap ako sa kanya at napatigil siya sa paglalakad sa likod ko. "I will lose my virginity tonight and you will help me find the man who'll get lucky. Tonight." Sabi ko at ngumiti sa kanya ng mapaglaro ngunit nanginginig ang mga labi. Nanlaki ang mata ni Ronna. Tinakpan nito ng isang kamay ang bibig na ng form ng letter 'O'.

"What the---" hindi nito natapos ang sinasabi dahil may nagsalita sa likuran ko.

"Oh yeah. Guess I will be lucky tonight then. I will take you, lady in misery."

Ang boses na iyon...

Marahas akong napalingon at namataan ko ang mukhang hindi ko maipinta. Seryoso ang mga mata nito at nagfeflex ang bagang nito na tila nanggigigil.

"Y-You..." Anas ko. Bakit nandito sya? At bakit napakaswerte ko at narinig niya pa ang sinabi ko! Fvck! Fvck !!!

"You're quite eager huh, Nadynn. Here I am, let me fvck you senseless. Hayaan mong ako ag makakuha ng virginity na pinagmamalaki mo!" His tone raised up. Napapitlag pa ako at nanlalaki ang mga mata ko.

"No!"

___________
-jokerblade

Want You To Want Me (TFHNM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon