Twenty

611 13 0
                                    


"Nadynn! Tama na yan. Awat na." Nagtangka pa si Ronna na bawiin ang shot glass na hawak ko.


"Ano ba, let me be!" Hinigpitan ko pa ang hawak sa baso at nang bumitaw si Ronna dito ay inisang lagok ko ito. Namumungay ang mga mata ko at half na lang ang vision ko sa paligid. Ang bigat bigat ng ulo ko at prang babagsak na ang talukap ko. Hindi ko na rin maramdaman ang aking katawan at wala na akong control sa force ko. Mga hudyat na lasing na talaga ako. But I don't care!

Gusto kong wala akong nararamdaman. Gusto kong hindi man lang mag isip!

Naranasan mo na bang maipit sa isang sitwasyon? Imagine yourself, standing between two long threads in your sides. Imagine it. Sa dalawang sinulid sa gilid mo ay may nakatayang buhay. Kanan, buhay mo, sa kaliwa, buhay ng tatay mo. Kailangan mong umalis sa gitna. Kailangan mong tumapak sa isa sa mga sinulid at ang tatapakan mo ay mamamatay. Ganoon kahirap maipit sa isang sitwasyon.


And right now, here I am. So fucking lucky to be in that kind of sitution. Fvck life, baby.


"Let you be? Ako ba Nadynn Niell eh ginagago mo? Sinama mo ako dito to 'let you be'?! Seryoso ka?" Inirapan pa ko ni RONNA. Isang mahabang tssssssssss ang ginawa kong tunog.


"Tssssssss. Hindiiii! Ihanap moko ng lalakiiiiii. Po-po-pop my cherryyyy,boys! Huuuuuu!" Nagsisigaw ako sinamahan pa ng taas ng kamay n my hawak na shotglass. Full again.


"Hoy!" Ibinaba ni Ronna ang kamay ko at tinakpan ang bibig ko habang nagtitingin at ngumiti ng alanganin sa mga tao sa paligid na nabulabog ko. "Tangina. Umayos ka." Mariin na sabi nito sakin at naramdaman ko pa ang diin ng hawak niya sa pulsuhan ko.


"Awww." Angal ko pero nag gi giggle pa rin ako. "Ang sweet ni bestfriend." I giggled drunkily again before drinking my shot. "Ah! Sarap! Isa pa !" sigaw ko na naman.


"Dy... uwi na lang tayo. Dun ka maglasing sa bahay. Tara. Akong bahala bumili ng isang truck ng alak para sayo. Sige na.." halos hilahin na ako---no---kaladkarin ako ni Ronna palabas ng bar na yuun. Naitayo naman niya ako at akay akay.


Pero nung tumapat na kami sa Alon ng mga taong nagsasayaw sa gitna ng dancefloor ay nag-ekis na ang paa ko. Tumapat ako sa kung sino at nagsimulang magsayaw. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at kaliwat kanan ang baling ng leeg ko.


Talagang nailabas ko ang talent ko sa pagsasayaw at halos tatlo ata ang lalaking nakapaligid sa akin. Hindiko na sila nabilang o binilang, basta at nagsayaw na lang ako.


"Dy! Ano ba! Lumayo nga kayo sa kanya!" narinig ko ang boses ni Ronna pero hinayaan ko na lang siya. Nagpatuloy ako sa pagsayaw at hindi na pinansin ang mga lalaking mas lumalapit na sa akin ngayon.


"Miss, hayaan mo muna yung kaibigan mo. Nag-e-enjoy pa siya oh." sabi nung isang lalaki na nasa bandang likuran ko. Kaharap na siguro niya si Ronna at kinakausap.


"Che! Tabi nga!" maya'y naramdaman ko na lang ang kamay ni Ronna na humawak sa braso ko. Agad kong ipiniksi ang aking kamay para makawala sa hawak niya. "Dy! Isa! Tara na!"


"Lateeeer. Una ka naaa." Lasing na talaga ako. Mas lalo pa akong nilapitan ng dalawang lalaki na nasa harap ko at kasayawan ko.

Want You To Want Me (TFHNM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon