Isang Text na lang

29 0 0
                                    

"Tanungin mo number nya please," nagmamakaawang sinabi ni  Laira kay Patricia. "Pero Laira... Nakakahiya kaya, haharangin ko pa yung si Kuya Matt," sabi ni Patricia kay Laira habang namumula. "Sige na, pinakopya kita ng assignments ko tapos pini-PM ko sayo mga assignments natin," sabi ni Laira sabay pout. "Sige na nga," sabi ni Patricia.

Nakipag-Patintero si Patricia kay Matt pero nakatakas rin ito. Nung tumingin si Patricia kay Laira dahil sa pagkatalo, nakita nya itong naka-pout... Puppy dog face... Naawa syempre si Patricia kay Laira. "Kuya Zack, anong number mo," tinanong ni Patricia ng diretsuhan. Nung nakita ni Zack si Laira, sinabi nya ang number nya," 0926*******." "Ganun kuya? Thanks!" sabi ni Patricia sabay punta kay Laira.

Bakas sa mukha ni Laira ang kanyang kasiyahan. Sino hindi magiging masaya na makuha number ng crush nya? "Thank you, Pat-Pat!" pasasalamat ni Laira kay Patricia sabay kuha ng cellphone ng best friend nya. "Your welcome, just don't use the puppy dog face again," sabi na lang ni Patricia.

Pag-uwi ni Laira, tinext nya kaagad si Zack. Pero... Hindi sya nagreply. Inabangan ni Laira yung reply nya ngunit wala. Bigla na lang nung isang araw...

"Psst... Zack de la Cruz to... Reply ka sa globe ko," may nagtext kay Laira at sabi nga ng text, si Zack daw sya. Para malaman ang totoo, tinext nya nga yung globe ni Zack. "Sorry na hindi ako nagreply sayo ha, wala kasing load yung globe ko eh," reply ni Zack sa kanya.

 Napangiti si Laira. At na-relieve. "Okay lang yun, Kuya." Reply nito sa kanya. Masayang ka-text si Zack sa palagay ni Laira. Natawa... Nakilig... Nako na-mix emotions pa tong si Laira! Malapit na rin ang curfew ni Laira kaya... "Kuya, malapit na akong matulog." "Ay, ganun ba? Good night na lang, sweet dreams :)"

Best day of her life talaga yun! Nakatext nya ultimate crush nya na... hindi rin naman sya pinapansin sa school. Sa palagay nya, hindi sya approachable o kaya nakaka-intimidate sya para kausapin ni Zack. Kawawa naman ang bida natin.

Ito namang si Zack, medyo nag-aalinlangan na ligawan si Laira. Halata naman kung bakit eh. Gusto ligawa ng kaibigan nya si Laira. Hindi rin nya masisisi. Cute si Laira, more of napakaganda nya at napakabait. Masyadong perpekto. Tapos tiningnan ni Zack ang sarili nya. Bad boy, at ito sya nakikipagchat sa Facebook kaysa gawin assignment nya. Hindi sya magugulat kung tinanggal sya sa school nila.

Kinabukasan, napadaan si Zack sa corridor ng Grade 7. Napatingin na lang sya nung tumaas galing sa hagdanan si Laira. Nakikipagkwentuhan sya sa mga kasama nya. Kahit sino talaga kasama nya, mapapangiti nya to. Napatitig sya ng sandali tapos... "Mr dela Cruz." Tawag sa kanya ng Math teacher nya. Napahiya sya at sinundan na ito. Nakalimutan kasi, na-distract kay Laira.

Nung narinig ni Laira ang pangalan ng nag-iisa nyang crush, napalingon ito tapos napangiti sa kilig. 'Kuya, sana pansinin mo naman ako dito...' Banggit ng isipan nya. "Ayiiieeeee, kinikilig si Laira oh!" Asar ng mga kasama nya. Medyo namula lang sya. "Anong kinikilig? Grabe kayo ha!" Natawa ng unti sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang Tingin LangWhere stories live. Discover now