Titigan Muna

82 0 0
                                    

Pumipito na naman ang jawa ng mga scouts. Rinig na rinig ito sa buong school kaya ito namang bida natin nagmamadali nang umalis ng classroom nila.

"Siemai naman eh, teka lang, Kuya Red!" sigaw ni Laira habang inaayos mga gamit nya. "Bilisan mo na, Lai. Baka nabibingi na yun iba doon," sabi ni Patricia Padilla, ang best friend ni Laira sa klase at palagi nitong kasama. "Oo, binibilisan," sagot naman ni Laira dito habang sinisiksik na ang mga gamit nya.

"Tapos!" napasigaw na lang si Laira sabay buhat ng bag. "Scouts, form 2 squads!" utos ng isang college student sa kanila. Mabilisan na lang kumilos ang mga Grade 7... at 2nd years. "Hindi talaga active ang mga 3rd years," napabulong na lang si Laira.

"Crew leaders, dito, form," nag-command si Red, ang jawa nila ngayon, sa 2nd year scouts. Nakahiwalay na ngayon ang mga crew leaders. Tawanan lang ang narinig ni Laira sa kanila kaya't nainis ito. "Kailan ba kayo magseseryoso?" napatanong su Laira sa kanyang sarili. "Ganyan naman talaga eh, para masaya,"  sabi na lang ni Patricia sa kanya.

"Scouts, bridge," command ni Red sa mga crew leaders. Napangiti na lang si Laira sa kanila. Hay... Sadista talaga ang ating bida. Napaslant na lang ang mga scouts pa likod. Parang bending na ewan. Napatingin na lang bigla si Laira sa isang scout sa likod ng crew leader nya. Tumatawa pa rin ito kasama ng ibang crew leaders na parang ewan. Pero ang ngiti nito, ibang iba. Parang mapapangiti ka na lang kapag nakita mo syang nakangiti.

Tinitigan ito ni Laira. Hindi nya pa kilala kung sino to. Gusto nya malaman kung sino sya pero paano? Inisip yun ni Laira pero... Pinaglaruan sya ng tadhana at nagkatitigan ang dalawa. Ang puti ng scout na to. May pagkapogi rin. Bakit nami-meet nya ang standards ko? Inisip ito ni Laira.

Pero... Ito lang ang ayaw nya kay kuya scout. Superior ito sa kanya. Gusto nya sya yung superior. Yan ang nasa isip nya, gusto nya sya mas matalino at mas magaling sa kanya sa maraming bagay.

Pagkatapos ng meeting ng boy scout, napatayo na lang si Laira. "Kuya, anong pangalan mo?" tinanong ni Eunice Magaling kay kuya scout. Nahalata ni Laira na nakita ni Euncie syang nakatitig kay kuya scout kaya itinanong nya kung anong pangalan nya. "Zack, bakit, freshman?" nakangiti na lang si Zack sa kanya. Natunaw agad ang puso ni Laira.

"A-A-Alis na ako, Patri at Euni ha!" bati na lang ni Laira sa mga kaibigan nya sabay nagmamadaling naglakad sa madilim na corridor. Tumingin na lang si Laira pabalik sa kanila at nakita nyang nakamasid lang si Zack sa kanya at kaya't nakilig ang dalaga.

"Ano ang masabi mo kay Laira?" tanong ni Eunice kay Zack. "Sinong Laira? Yung lady scout na kakaalis lamang?" tanong ni Zack. Tumango naman si Eunice. "Maganda naman sya at mukhang masayang kasama," sagot ni Zack sabay ngiti. Bakas sa mukha nina Eunice at Patricia na may plano sila para kina Zack at Laira.

"Ganun ba, daga?" asar na lang ni Eunice bago sya umalis kasabay ni Patricia. "Ano bang iniisip ng mga batang yun?" napatanong na lang si Zack sa kanyang sarili.

PAGDATING NG LUNES....

Bakas sa mukha ni Laira ang kanyang matamis na ngiti. Isa sa mga pinakainaabangan sa kanya. "Iba ata ang ngiti mo ngayon ah," sabi ni Patricia. "In love ako eh," sabi ni Laira sabay yaya kay Patricia na mag-CR.  "Oh kanino? Kay Kuya Zack?" tanong ni Patricia. "yun pala pangalan nya," sabi ni Laira na may bakas ng kasiyahan sa mukha nya.

"Shemai," reaction na lang ni Laira nung nakita nyang nagbabasketball si Zack. Ang galing nya! Nabilib si Laira dito kahit sy naman ay marunong magbasketball. Napatingin na lang bigla si Zack kay Laira na nakangiti.

"Sa bagay, bagay na bagay sa babaeng yun na nakangiti," sabi ni Zack. "Hoy, Zack, wag ka ngang distracted dyan," sigaw na lang ng isa sa mga kasama ni Zack sa kanya. Napatingin naman si Laira sa kanya. Nagkattitigan ulit sila at namula naman si Laira. "Ang cute mong tingnan!" sabi na lang ni Patricia.

"Che, tumahimik ka dyan," sabi ni Laira sabay takip na lang ng mukha gamit ang panyo nya. Napatigil ang ibang mga naglalaro ng volleyball kasi baka matamaan si Laira. Dahil nga sa kagandahan at matalinuhan ni Laira, naging sikat sya sa buong school. Ang sino mang di nakakakilala sa kanya, nakakakuha ng sermon galing sa mga fans nya.

"Laira, hello!" bati na lang ng mga babae sa kanya. Ngumiti si Laira sa kanila. "Bakit hindi lahat ng Grade 7 maging katulad nya? Ang haharot kasi ng generation ngayon eh," sabi ng isang 3rd year. Syempre, nakakarinig sila ng tsismis sa mga relasyon sa Grade 7 tapos wala silang naririnig na may boyfriend na si Laira.

"Laira, lalabas kami mamaya, gusto mo sumama?" tanong ng isang 2nd year. "Bawal eh, kapag may parang program na lang na kailangan nating magpractice, ate," sabi ni Laira. "Ang bait mo talagang bata," niyakap na lang sya ng sophomore na yun. "Endangered species," comment na lang ng kasama ng sophomore, "Sige po, alis na kami. Mag-c-CR pa kami eh," sabi na lang ni Laira sabay lakad.

"Plano kong ligawan yang Laira na yan," narinig na lang ni Zack na sinabi ng kalaro nya. "Ah, ganun? Good luck na lang, narinig ko kasi nam-ba-busted sya," sabi na lang ni Zack sa kanya. "Thanks, pre. Ngayon na nalaman ko na wala ka talagang interes sa kanya, rest assured akong posible talaga akong masagot," sabi ng kaibigan ni Zack. Ngumiti na lang si Zack.

Hanggang Tingin LangWhere stories live. Discover now