Naglakad ito patungo sa malapad na kama at ipinatong ang doon ang dala nitong paper bag.

"You can take a shower and wear this." Anito na ang tinutukoy ay ang laman ng paper bag.

"Nakahanda na rin ang almusal mo. Make it fast so that you can go home. Ihahatid kita." Anito at naglakad na patungo sa pinto.

"Pwede naman akong mag taxi na lang pauwi. Naabala na kita ng sob-"

Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Hindi mo ba ako narinig? Ihahatid kita." May diin ang pagkakasabi nito.

Lumabas ito at pabagsak na isinara ang pinto.

"Suplado!" Gigil na usal ko at padabog na kinuha ang paper bag.

Nilabas ko ang laman niyon. It's a summer dress. May mga undergarments din.

Wala sa sariling sinukat ko iyon sa katawan ko at bahagyang napanganga.

"He knew my size." Namamanghang usal ko sa sarili.

Hindi na nakakapagtaka. Jastin is a model, indeed. And a playboy one. Natural alam na alam nito ang size ng mga babae sa unang tingin pa lang.

Naiiling na pumasok ako ng banyo at naligo. Nang makapagbihis at makapag-ayos ay kaagad akong lumabas  ng kuwarto. Pinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay.

"Is this is house?" Mahinang tanong ko sa sarili.

This is my first time here. Tanging sa condo lang ako nito nakapunta.

Nakarating ako sa salas ng bahay. Napansin kong malinis ang bahay at talagang mamahalin ang mga gamit at hindi basta-basta ang mga desinyo.

"Let's have a breakfast." Bahagya akong napapitlag nang marinig ang baritonong boses ni Jastin.

"H-Ha? Hindi na. Uuwi na ako at-"

"I said, let's have a breakfast." Mariing usal nito at tumalikod na.

Nauna itong naglakad patungo sa dining room.

"Suplado talaga." Nakasimangot na usal ko habang naglalakad.

Muntik pa akong mabangga sa likod nito dahil bigla itong tumigil sa paglalakad.

"May sinasabi ka?" Kunot-noong tanong nito.

Nginitian ko ito.

"Wala." Magiliw na sabi ko.

Muli itong naglakad hanggang sa makarating kami sa mesa. Pinaghila ako nito ng upuan.

'Gentleman naman pala.'

"Bahay mo 'to?" Hindi ko mapigilang itanong nang makaupo.

Tumango lang ito sa tanong ko.

"Ang ganda ng bahay mo." Nakangiting usal ko.

Hindi ito umimik at nag-umpisang kumain. Naiilang man ay nag-umpisa na rin akong kumain. Fried rice at bacon ang kinain ko.

"Nagdadala ka din ba ng babae dito sa bahay mo?" Saktong umiinom ito ng kape ng tinanong ko iyon kaya naibuga nito ang iniinom nito.

Napangiwi ako at kaagad itong inabutan ng tissue.

"Sorry. I went overboard." I apologized.

Tumayo ito.

"Finish your food. I'll just wait for you outside. My maid will clean that afterwards." Anito at umalis.

Sandali akong natulala.

"Is he mad?" Kagat labing tanong ko sa sarili.

Bakit ko ba kasi naitanong 'yon?

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now