Chapter 9

1.8K 37 10
                                    

Halos magtatakbo ako pabalik ng aking kwarto. Binagsak ko ang sarili ko sa bakal na silyang nasa labas ng aking kwarto. Pinigilan ko ang mga luhang nakaantabay sa aking mga mata. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Hindi dapat ako naaapektuhan. Hindi ba't unang-una palang ay alam ko nang mahal na mahal ni Carl si Stephanie? Hindi ba't sinadya ng babaeng sa kompanya nila lumapit upang magpagawa ng billboards para sa kompnya nito at para sa nalalapit na kasal nito? Ano ba ang inaasahan ko? Na magkakagusto si Carl sa'kin? Na mahal na rin ako ni Carl dahil hinalikan niya ako ng pangalawang beses? Hindi ka pa ba natuto, Gail? Hindi pa ba sapat ang nangyari sa inyo ni Ken noon? Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ako dapat magpapa-apekto.

Tatayo na sana ako upang pumasok sa aking kwarto nang makasalubong ko si Stephanie. Dinukot nito mula sa bag ang cellphone saka sinagot iyon.

"Carl?" wika nito.

"Of course. Bye." Saka tuloyan na itong umalis.

Gusto ko siyang takbuhin. Walang hiya siya. Ikakasal na siya pero bakit lumalandi pa siya kay Carl. Ano'ng problema niya? I-uurong ba niya ang kasal nila dahil na-realize niyang mahal pa niya si Carl? Rinig na rinig ko. Sinabi niyang mahal pa niya si Carl.

"Gail, 'san ka ba galing? Kanina ka pa namin hinihintay dahil magpapalam na kami. Ikaw rin, kailangan mo nang magpahinga dahil makakalabas ka na rin daw bukas sabi ng mga magulang mo." Wika ni ma'am Leah nang makalabas na sila sa aking kwarto.

"M...may pinuntahan lang po ako sandali. Hinanap ko kasi sina mama at papa." Pagkukunwari ko.

"Kuu, nasa'n na ba si Dexter? Hindi ba kayo nagkita? Hinahanap ka kasi niya. Pakisabi nalang Gail na kailangan na naming um-una sa kanya." Wika ni sir Mikee. Tumango lang ako. Mayamaya pa ay nagpaalam na rin ang mga kasamahan ko sa opisina. Laglag ang mga balikat na pumasok ako sa aking kwarto. Kung kanina ay ang ingay-ingay rito sa loob, ngayon naman ay sobrang tahimik.

"Gail," napalingon ako sa pinto. Si Dexter iyon. Seryoso ang mukha nitong lumalapit sa'kin.

"Dexter, bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Medyo nalito ako sa reaksyon ng kanyang mukha. "Si...sina sir Mikee nga pala, um-una na nang uwi." Wika ko.

"Ba't ka umiyak?" mayamaya pa ay tanong nito. Hindi siya tumitingin sa'kin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba. Ano ang ibig sabihin ni Dexter?

"Umiiyak?" kunwaring sagot ko. Nakita niya ba ako na umiiyak kanina?

"Gail, sinundan kita kanina. Pumunta ka sa kwarto ni Carl pero hindi ka tumuloy. Malalaki ang mga lakad mo nang umalis ka at kitang-kita ng dalawang mata kong umiyak ka. Dahil nakita kong lumabas ng kwarto ni Carl ang dati niyang kasintahan. Bakit, Gail?" tanong ulit nito. Nararamdaman ko ang hinanakit sa mga salita ni Dexter. Gusto kong maawa sa kanya ngunit hindi, ako rin ang nasasaktan dito.

"Dexter," wika ko.

"Gusto mo ba siya, Gail?" nanatiling nakayuko ako. Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling o sasabihin kong hindi.

"Mahal mo ba siya?" napataas ako ng tingin kay Dexter. Hindi pa rin ako umiimik. Tumawa siya ng pagak saka hinilamos ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha.

"Akala ko hinding-hindi mo siya magugustuhan dahil unang-una, alam kong hindi na naging maganda ang pakikitungo ninyo sa isa't-isa. Akala ko hindi totoo 'yung the more you hate, the more you love, eh. Kung ako ba ang nasa sitwasyon niya, Gail, magugustuhan mo rin ba ako?" wika nito. Sinalubong niya ang mga tingin ko. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o malulungkot. Dahil sa pagkakataong ito ay pareho kami ng pakiramdam, na pareho kaming nasasaktan.

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now